Day 12

656 16 0
                                    

ERICA'S POV

Andito ako ngayon sa labas ng physics room hinihintay kong lumabas si Dave, ngayon kasi yung remedial test nya. Sana naman pasado sya hindi para masuklian nya yung tulong ko kundi dahil kapag bumagsak sya siguradong babalik sya ng grade12.

dito ako nakaupo ngayon katabi ng pinto, Nag silabasan na ang mga estudyante siguro tapos na ang test Mabuti naman at tapos na kanina pa kasi ako naghihintay dito sa labas. mga ilang minuto lang lumabas na mula sa pinto si Dave may hawak-hawak siyang test paper at naka tingin sya duon nang may ngiti sa labi. Humakbang sya ng isa, Umangat ang tingin nya nagbaling-baling ng tingin sa paligid nya, likod na lamang nya ang nakikita ko, kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Dave!" lumingon sya sa akin."Anong Resul----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis syang lumapit at niyakap ako.

"Pasado ako, yes! sure nang makakagraduate din." Masaya nyang sabi habang nakayakap pa din sa akin "maraming salamat erica hindi ko to magagawa kung hindi mo ako tinulungan kaya salamat talaga ng maraming marami"

Niyakap ko na din sya
"congrats mabuti naman at nakapasa ka dahil kung hindi babalik ka talaga ng grade 12"

"Ahmnn... Dave..." sabi ko kay dave dahil naramdaman kong humigpit ang yakap nya. Mabilis naman siyang umalis sa pagkaka yakap sa akin.

"i didn't mean to" sabi niya habang nakatingin sa baba

"no it's ok" sabi ko

"is my hug makes you uncomfortable" he asked

"no it's just , it's just there is a lot of people looking at us"at sabay kaming tumingin sa paligid, doon lang napagtanto ni dave na marami ngang studyante ang nakatingin sa kanilang dalawa at nagbubulungan pa.

Kaagad naman akong hinila ni dave papunta sa rooftop nang stem building.

"Erica, salamat talaga ah"pagsasalita ni dave ng makarating kami dito parehas kaming nakahawak sa railing at nakatanaw sa buong school, pinagmamasdan ang mga studyanteng naglalakad palabas ng skwelahan.

"Waa yon, remember we have a deal"pag papa alala nya dito.

"Oh! oo nga pala."sabi nito.

"Nalimutan mo?"usisa ko

"Hindi ah"pag tanggi ni nito kahit halata naman talagang nakalimutan.

"Asuss... i done with my mission,it's your turn" sabi ko sa kanya.

"Yeah, i know"sabi nito ng patango-tango lang.

Nang mapansin kong umuunti na ang tao sa school "sige una na ako, bye." Sabi ko saba'y talikod, paano ba naman nakakainis na sya kanina pa ako andon pero hindi nya ako pinapansin.

Buong akala nya ay pipigilan sya nito, pero wala. Akala nya din ay susundan sya nito, pero hindi.

Simula ng sinasabi nya ang tungkol sa deal nila bigla nalang itong tumahimik. Hindi sya namansin, yung tipong parang walang tao sa paligid nya. Namomroblema ang mga mata nya, sonbrang lalim ng iniisip nya.

Wala ba siyang maibabalik na tulong sa akin? Di nya ba kayang tuparin yung deal namin? Ayun ba yung iniisip nya?

Kasi kung yun yung iniisip nya, okay lang naman sa akin.Naiintindihan ko naman kung hindi nya tutuparin yung deal, wala naman sa akin yun e. Wala naman sa akin kung tutulungan nya ako o hindi, ang mahalaga nakapasa sya okay na ako dun. Pero sana sabihin nya yung totoo hindi yung pinapaikot nya pa ako. Maiintindihan ko naman sya.

Sa sobrang lalim ng iniisip ni dave hindi na nya napansing wala na ako, andito na ako sa hagdanan pababa pero wala pa rin akong maramdamang sumusunod sa akin.

Ang sakit lang kasi ano bang nasa isip nito, yung tungkol sa deal ba o tungkol sa iba?

I mean, pwedeng nag iisip sya tungkol kay tina, baka na realize nya na may gusto parin sya doon.

Pero ano naman sa akin kung ayun nga ang iniisip ni dave?

Nagseselos ka? Sabi ng isang maliit na tinig galing sa utak ko.

"Bakit ako magseselos? Kami ba?" Sagot ko sa maliit na tinig.

Hindi pero may nararamdaman ka.

Nararamdaman? Tanong ko sa sarili ko, yung kama'y ko ay dumako sa puso ko at naramdaman kong kumakabog iyon ng malakas. Hindi! Wala! Wala akong nararamdaman para dun!

Grabe nakikipag argue sya sa sarili ko, Nababaliw na ata ako.

Itanggi ko man ay alam ko sa sarili kong may nararamdaman na ako para kay dave pero sana naman ay may katugon sya sa nararamdaman kong ito.

30 DaysWhere stories live. Discover now