DAY 27

547 17 0
                                    

ERICA'S POV

"Igilid mo pa, Yora" sabi ni Daniel Kay Yoradyl dahil ito ang Naglalagay ng mga lobo sa taas ng kisame ni Dave.

Kasama namin sina Daniel at Yoradyl. Yung Nakilala ko duon sa Skate Board competition. Mga kaibigan pala ito ni Dave, yun nga lang itong si dave hindi talaga nagkukuwento sa akin.

"Ayan okay naba?" Tanong ni yora kay Daniel. Silang dalawa ang nag-aayos ng mga desenyp dito sa bahay. Samantalang kaming dalawa naman ni dave ang bahala sa pagkain.

"Ayos na ba iyan?" Tanong ko kay dave dahil ito ang nagluluto ng sauce ng spaghetti. Syempre nagpapatulong siya sa akin hindi naman kasi siya marunong. Ito nalang ang huling pagkain na lulutuin bago namin simulan ang party.

Narinig ko naman sa likod na tapos na magdesenyo sina yora at daniel, pagkatapos noon ay nagbulungan ang dalawa. Hindi ko na narinig dahil masyadong mahina.

Mas lumapit pa ako kay dave at sasabihin ko sanang okay na ang niluluto niya nang bigla siyang lumingon sa akin ng habang hawak-hawak niya ang sandok na may mga sauce. Kaya natalsikan ako nito.

"Hala sorry" sagot niya bago patayin ang gas stove. Agad niya akong nilapitan at sinabing "Pumunta ka muna sa banyo at magpalit meron dong Kulay Blue na damit" tumango lang ako at tinahak na ang dereksyon papuntang banyo.

Bumungad sa akin ang mabangong amoy ng sabon ni dave. Ang sarap nito amuyin. Tumingin ako sa bandang lababo at duon mayroon ngang kulay blue na damit. Agad kong hinubad ang suot kong damit at pinalit dito ang kulay blueng damit.

Pagkalabas ko ay patay ang mga ilaw. Bumungad sa akin ang kadiliman. At bakit parang walang tao? Nasaan sila dave? Naglakad ako at nakapunta na ako sa may sala ay wala akong nadatnan na mga tao.

Nasaan na sila? Natigil ang pag-iisip kong nang biglang may kumanta at kasabay non ang pagbukas ng mga ilaw.

Happy birthday to you
Happy birthday to you

Napatingin ako sa may gawi ng hagdab at anduon silang tatlo...

Unang bumaba si Yoradyl na may hawak na Caramel Cake na may naka sulat na 'Advance Merry Chistmas'

Happy Birthday to you
Happy Brithday to you

Sumunod naman si Daniel na may Strawberry Cake na dala. May nakasulat doong... 'Advance Happy New Year'. Ngayon ko lang napansing magkaparehas ang suot nina yoradyl at daniel. Parehas na kulay red na may tatak sa gilid na Crown.

Pinagpatuloy ni dave ang kanta hanggang sa makalapit siya sa akin.

Happy birthday
Happy birthday
My Love Erika.

Naiba na din ang suot niya, kulay blue na ito. Na may tatak ng King Crown sa gilid. Kaya napatingin ako sa suot ko mayroon din pala itong tatak sa gilid. Isang Queen Crown.

WoW! Just wow, ang hilig niya naman sa mga ganitong pa effort. Pero ayos lang mas lalong nakaka-inlove. Wala na akong mahahanap na mas sweet pa kesa sa kanya.

Dumako naman ang tingin ko sa Cake na dala niya, isa iyong Chocolate Cake na may nakasulat na 'Happy Birthday Erica'. Oo nga at 30 ngayon pero sa May 30 pa ang birthday ko.

Dito na nangunot ang nuo ko. Sinabi ko sa kanya iyon ah? Nakalimutan niya na? Lumapit na sa akin si dave at nginitian ako, marahil napansin niyang nagtataka ako kaya biglang nay sumilip na pag-aalala sa mga mata niya. Pero agad din iyong nawala ng ngumiti ako.

Ngumiti ako ng pagka tamis-tamis, ayokong ipahalata na nagtataka ako. Mamaya ko lang sasabihin, ayoko naman kasing i-enterupt ang effort na ginawa ni dave.Inilapag na nila ang cake sa lamesa.

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon