Day 2

1.2K 26 0
                                    

DAVE'S POV

Ayoko na suko na talaga ako sa kanya! Titigilan ko na sya! Kaya ko lang naman niligawan yun dahil bored ako at saka di naman sya kagandahan, mukha na nga syang coloring book dahil sa sobrang daming colorete sa mukha

Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa labas ng room nila Tina. Para sa oras na lumabas sya ng pintuan ay ako agad ang makikita nya. Bumili na rin ako ng sunflower, sana magustuhan nya ito.

Pagkarating ko sa labas ng room nila ay sumandal muna ako sa pader para mag-pahinga dahil hingal na hingal na ako sa pagtakbo. Mga ilang minuto lang ay may naramdaman akong lumabas ng pinto kaya nag-angat ako ng tingin. Hindi sya si tina pero mas maganda pa ang babaeng ito.

Natulala lang ako sa kanya, pinakatitigan ang mga itim nyang mata. Ang kanina'y magulong paligid ay tila ba tumigil at ang kaninang napakaingay na paligid ay tumahimik.
Napakatahimik ng paligid wala akong ibang madinig kundi ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Maraming beses na naman akong naka kita ng magagandang babae pero iba ang isang to, iba ang epekto.

Para kaming naghihintayan kung sino ang unang ngingiti.
Ngingitian ko na dapat sya ng biglang bumaba ang tingin nya sa hawak kong bulaklak. Para syang nagulat ng makita nya iyon. Nag angat sya ng tingin sa akin at Ngumiti ng Pagka tamis-tamis. Nagulat ako, Napaka ganda nya at bilog na bilog ang dimples nya sa kanang pisingi, Ginantihan ko sya ng ngiti.

Natigil iyong pag ngingitian namin ng mapansin kong nasa likuran nya si tina. Nagsimula na akong maglakad, habang palapit ako ng palapit ay nini-nerbyos ako, hindi naman ako ganito dati ah.

Nang makarating na ako sa pinto ay ibinigay ko ang bulaklak kay tina, kinuha naman nya iyon ngunit di man lang nagpasalamat, sinundan ko sya pero natigilan ako ng makita kong tinapon nya sa basurahan ang bulaklak.

Yun ang mga pangyayaring nasa utak ko habang nag i-skate board dito sa quadrangle ng school, hindi ko namalayan na bumangga na pala ako sa isang tao at sabay kaming natumba.

Agad akong tumayo.

"Miss ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanyang naka-upo na at nakayuko.
"Oo ayos lang ako" sagot nya sa akin.

Inilahad ko ang aking kamay para tulungan syang makatayo pero tinitigan nya lang ang mga kamay ko at nag angat ng tingin sa akin, kapwa kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Ilang segundo lang ng pag titinginan namin ay tinanggap na nya ang kamay ko at tumayo. Parang may kung anong namanhid sa kamay ko nung hawakan nya iyon.

"Miss may sugat ka sa noo at gasgas sa braso, pumunta tayo ng clinic" sabi ko sa kanya nang may nakita akong dugo na dumaloy mula sa noo nya, napansin ko din ang gasgas nya sa braso.
"Hindi na okay lang ak---" hindi na natapos ang sasabihin ng babae dahil matutumba na sya, mabuti nalang at mabilis ko syang nasalo kaya hindi sya tuluyang bumagsak.

Binitbit ko sya, tinahak ko ang daan papuntang clinic, nalagyan na ang uniporme ko ng dugo nya, pero ayos lang kasalanan ko din naman ito.

Nakapasok na kami sa clinic at agad ko syang inihiga sa clinic bed, nahantay lang ako sa labas habang ginagamot ang sugat nya, tatawagin nalang daw ako ng nurse pag natapos na.

Tumingin ako sa relo ko. 2:55 PM, shit! May klase ako ng 3:00, Aabsent nalang sana ako pero naalala ko na malapit na pala ang final exam dahil mag ga-graduation na. Mamaya nalang ako babalik dito pag uwian na, kaya mabalis akong tumakbo papuntang classroom.

*bell rings indication na uwian na

Lakad takbo na naman ang ginawa ko papuntang clinic, hingal na hingal ako kaya napahawak ako sa gilid ng pintuan, ilang segundong nasa ganong posisyon ako.

Naglakad na ako at pumunta sa bed kung saan ko inihiga ang babae, pero wala sya doon, sunod naman ay pumunta ako sa desk ng nurse pero wala na rin sya mukhang umuwi na.

Tumanaw akong muli sa bed nung babae at parang may napansin ako nakapatong doon kaya lumapit ako at dinampot ang nakapatong. Isang I.D.

"Erica Villanes"

30 DaysOnde histórias criam vida. Descubra agora