DAY 26

496 16 0
                                    

ERICA'S POV

I'm with my not so PDA Boyfriend?

Ewan ko kung boyfriend ko ba to si dave, wala naman kasi siyang sinasabi na ako na ang Girlfriend niya at siya na ang boyfriend ko. Kahapon sinabi niya lang sa papa niya na girlfriend niya ako, pero hindi na iyon naulit.

Basta ang alam ko mahal ako ni dave at mahal ko din naman siya. Kaya kahit wala pa kaming label sa ngayon, okay lang atleast alam ko na ako lang ang gusto niya.

"Dave,Yung kamay mo!" Saway ko kay dave nang maramdaman kong ang kamay niya ay nasa bewang ko.

Tintingnan niya ako "Why?"

"Sabi ko yung kamay mo!" Bulong ko sa kanya, hininaan ko lang dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa pila. Nakapila kami ngayon kasi manunuod kami ng cine.

Mas hinigpitan niya pa ang hawak ay hinapit ako papalapit sa kanya "Bakit masama bang hawakan ang babaeng mahal ko?" Bumulong lang siya sa tenga ko, pero bakit parang nagsitayuan ang lahat bg balahibo ko sa katawan?

Mahal ko
Mahal ko
Mahal ko
Mahal ko
Mahal k---

"Ma'am?" Pukaw sa akin ng babae sa counter.

"Dalawang ticket, avengers" Sagot ko sa babae. Ngayon ko lang napansin na andito na pala ako? Sa Counter. Ako lang? Bat mag-isa nalang ako dito? Asan na si dave? San yun nagpunta?

"Miss, nakita mo ba yung Kasama ko?" Tanong ko sa babae sa counter.

"Bakit mo ako hinahanap?" Nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ay agad ko siyang nilingon. Wala na namang ibang tao dito sa bilihan ng ticket maliban sa guard at Tao sa Counter, kaya hindi ako mahihiyang yakapin siya.

Sinugod ko siya ng yakap, sobrang higpit ng pagkayapos ko sa kanya. Akala ko kasi Panaginip lang ang lahat, akala ko iniwan na niya ako.

Hindi ako mayakap pabalik ni dave dahil may hawak-hawak siyang pagkain. Natatawa siyang nagtanong sa akin.

"Why? What happened?"

"Kasi akala ko iniwan mo na ako."

Naramdaman kong tumigil ang paghinga niya. Ni hindi man lang siya nag bigay ng saloobin tungkol sa sinabi ko. Bakit kaya?

"Bumili lang ako nang pagkain" nag shaky pa ang boses niya

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko siya ng matiim sa mata. Siya ang unang nag iwas ng tingin. Bakit parang kinakabahan siya? Bakit parang may lungkot na itinatago ang mga mata niya? Bakit parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi?

"Why?" Tanong niya habang nag-iiwas padin ng tingin. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Gusto ko na i-enjoy nalang ang araw na ito kasama siya. Saka ko na iisipin ang bukas. Basta ang mahalaga kasama ko siya ngayon.

"Tara na" niyaya ko siya papasok sa loob ng sinehan na para bang wala akong nakitang nakatagong emosyon sa mga mata niya. Ayoko Isipin yun ang iisipin ko muna ay yung ngayon.

"Ano ba?" Tanong ko kay dave ng muli niyang sipain ang paa ko. Nakaupo na kami dito sa loob ng sinehan. Nagpapansin siguro si dave na hindi ko siya kinikibo. Paano ba naman, hindi ko maialis ang tingin ko sa Cinema Screen dahil sobrang ganda ng Avengers.

Habang ako ay busy at aliw na aliw sa panunuod ng avengers, Si dave naman ay Busy at aliw na aliw sa panunuod sa akin.

Naiirita na nga ako e, sayang ang binayaran naming ticket kung ako lang yung nakibang ng nood. Libre lang naman akong panuodin pero wag naman sana ngayon. Ewan ko ba dito kay dave. May paminsan-minsan pa siyang pagkalabit sa akin. Tapos pinapatong niya ang baba niya sa balikat ko. Parang pusa na nagpapalambing.

Bakit ba kasi mas clingy ang lalakeng ito kesa sakin. Hindi ko inakala na ganito pala ka clingy si dave, parang pa gangster gangter ang tingin ko sa kanya nung una. Eh ngayon parang mas babae pa siya kesa sa akin.

Natapos na ang panunuod KO ng Cine pero si dave ay hindi pa ata tapos sa panunuod sa AKIN.

"Dave, hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang ako" sita ko kay dave nang mapansin hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya. Kumakain kami ngayon dito sa isang Resto sa loob ng Mall

"You're wrong, kahit siguro hindi ako kumain ng buong isang araw, makita ko lang ang mukha mo. Okay na ako" grabe! Ang korni niya!

Tinawanan ko siya "Gutom lang yan! Maiibsan din yan!" Natawa namab siya sa sinabi ko at inumpisahan na ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay Pumunta kami sa Isang Gown Botique. Ibibili daw ako ni dave ng gown para sa graduation ball. Hindi nga dapat talaga ako aatend dun e. Ang kasi napilit na ako ni dave, hindi na ako nakatanggi pa.

"Ma'am, Sir. This way po." Iginaya kami ng sales lady papunta sa isang private part ng botique kung saan nakalagay ang mga mamahaling gown.

Paano ba naman si dave, sinabi na ang gusto niyang bilihin e yung Matchy yung Suot naming dalawa.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang sobrang gagandang mga Gown For Women and Tuxedo For Men. By pair ang pagkakaayos nito. Sobrang gaganda ng lahat mukang mahihirapan ako sa pagpili. Oo ako lang pipili, paano ba naman kasing ito si dave, kung ano daw ang magustuhan ko ayun nalang din daw ang Kanya.

Pinalibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Napakaganda ng mga designs. Sa pagkukuwento ng sales lady kanina. Pagmamay-ari daw ng isang Mayaman na Designer ang Botique na ito.

Nagsimula akong maglakad para pumili, si dave naman ay sumusunod lang sa akin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang tintingnan ang mga ito at napatigil lang ako sa isang  kulay abong gown na may katabing kulay abong Tuxedo.

Napakaganda ng mga ito. Ang sarap sa mata makita na magkapareho ito ng kulay at may mangilan-ngilang desenyo ang magkaparehas. Wala namab kasi akong alam sa fashion kaya hindi ko malaman kung anong klaseng tela ang bumubuo dito sa gown. Basta ang alam ko lang malambot ito. Hinawakan ko rin ang tuxedo, ito naman ay makinis ang pagkakagawa ng tela

Sinabi ko kay dave na iyon ang gusto ko at binili niya. Hinatid niya ako pauwi. Napagod ako kasi buong araw kaming nasa loob lang ng mall. Sabi sa akin ni dave pumunta ako sa kanila bukas dahil may party. Ewan ko ba kay dave, di nauubusan ng gagawin sa isang araw. Kailangan may nagagawa siya.

Pero okay lang kahit mapagod ako araw-araw, basta siya ang kasama ko.


30 DaysKde žijí příběhy. Začni objevovat