Day 5

870 21 0
                                    

"DAVE CANELLAS!!!, Go outside we have something to talk about." Sigaw ni ma'am belmonte, kaya wala akong nagawa kundi sumunod, she is my adviser.

Nandito na kami ngayon sa labas at ang sama ng tingin nya sa akin.

"Dave, nakausap ko ang teacher mo sa Physics, he said na bagsak ka daw this second semester." Lalong sumama ang tingin nya sa akin "Alam mo naman na isang subject lang ang maibagsak ay uulitin mo ang lahat diba? Mabuti nalang at napakiusapan ko si Sir Malari na bigyan ka ng remedial test para makapasa ka. You need to review, dahil sa next friday na ang schedule ng test mo." Sabi ni ma'am sabay tapik nang tatlong beses sa balikat ko at nauna nang pumasok sa room, ako naman ay naiwan sa labas.
Pauwi na ako malalim parin ang iniisip, hanggang ngayon kasi nag-iisip ako kung paano makakapag review ng maayos, Kailangan ko talaga ng tutulong sakin, but no ayokong nanghihingi ng tulong sa iba. Nakatingin lang ako sa nilalakaran pero parang may sariling isip ang mata ko at bumaling ang ito sa may kanan.

Nakita ko mula sa malayo si Erika, ang ganda nya at parang bumagal ang lahat ng mga taong naglalakad dahil ang atensyon ko ay nasa kaniya lang, ang maingay na paligid ay napalitan ng isang tunog lamang, iyon ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Naputol ang ilusyon kong ito ng may bumangga sa akin. Shit naman oh!. Sisigawan ko sana ang bumangga sakin pero naalala ko si erika. Agad syang hinanap ng mga mata ko, natagpuan ko sya na palabas na ng building, kaya naman mabilis ang galaw ko na nakipag-sisikan at nakipag-unahan sa mga tao sa daan.

Sa wakas ay naabutan ko na sya dahil huminto sya sa paglalakad at kinuha ang cellphone nya. Naka tanaw lang ako sa kanya sa di kalayuan.

May kausap sya sa telepono at biglang lumungkot ang kanyang itsura, kung sino man ang tumawag at kung ano man ang sinabi nito kay erika nasisiguro kong ito ang dahilan kung bakit malungkot sya ngayon. Ibinalik nya ang cellphone sa kanyang bulsa kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya at tinawag sya.

"Erika" pag kuha ko ng atensyon nya, lumingon naman sya.

"Oh, Dave?" Ngumiti sya akin. Shit! Wag kang ngingiti ng ganyan natutunaw ako, kagabi kapa. Pero bigla namang nawala ang ngiti nya at nalungkot muli. Hala wait ngumiti ka ulit mas gusto ko kapag nakangiti ka.

"Malungkot ka ata?" Pagtatanong ko kahit halata ko nanamang malungkot talaga sya, wala lang ganon talaga kapag may gusto kang kausap, kunware di mo alam HAHA.

"Hindi, okay lang ako" ngumiti sya pero halata namang fake smile lang.

"Kung ngingiti ka please lang galingan mo naman, halatang peke e."

Tatawa-tawa lang sya "Talaga?, ikaw ata ang unang tao na naka halatang peke yung ngiti ko."

"Oh! Halata naman kasi talaga. So bakit? Sino ba yung tumawag at anong sinabi nya para malungkot ka ng ganyan?" I was looking at her eyes, Questioning.

"Nothing, ayoko nang pag-usapan. Masyadong personal."

ERICA'S POV

"Yung Clinic na yun kasi pinaghirapan talaga yun ni mama at papa, kaya yun nalulungkot sila na umuunti na yung mga nag papa check up dahil kulang kami sa mga Modern Technologies na Ginagamit For check ups at nauubos nadin yung mga medicine tapos wala pang puhunan sila papa para bumili, kaya yun nalulungkot din ako kasi di ako makatulong sa kanila." Pag ku-kuwento ko kay dave. Habang tinatahak namin ang daan patungong apartment

"Let's have a deal" sabi ni dave na may kakaibang ngiti sa labi

Nangunot naman ang aking mga nuo sa sinabi nya pero na curious ako kung anong klaseng deal "What kind of deal?"

"You will help me then i'll help you in return"

"W-what kind of help?" Nagtatakang tanong ko.

"Simple lang, help me review in my incoming remedial test in physics, then i'll help you in your problem." Nakatingin lang sya sa mga mata ko habang nagsasalita.

"Okay deal with my part, pero sa paanong paraan mo naman ako matutulungan?"

"Thank you Ms. Villanes. For now hindi ko pa sasabihin sayo kung paano kita tutulungan but when your mission got sucessful, i'll do anything to help you, tiwala lang."

"Okay deal then." Sabi ko sabay tumango-tango. "Kailan po ba magsisimula ang misyon ko kamahalan?." Pang-aasar ko sa kanya dahil sa pananalita nya kanina masyado syang naging bossy pero imbis na mainis sakin, tumawa lang sya ng malakas. His laugh was music to my ears.

"I think, we should start tommorow because my remedial examination is on next friday." Ani nya na parang nag-iisip pa.

"Tommorow then." Tumigil kami sa paglalakad dahil nakarating na kami ngayon sa gate ng apartment.

"Can i get your number? i'll text you about you mission tommorow" tanong nya para bang kinakabahan kung anong isasagot ko.

"Sure, your highness" sabay naming hinugot ang aming phone at nagpalitan kami. Tinype ko yung number ko sa phone nya at tinype naman nya ang number nya sa phone ko.

"Bye" nginitian ko sya ng pagka tamis-tamis

"I love it when you Smile like that, coz' i feel like i'm the most Lucky Man in the world, because i witness the most Beautiful Smile in the Universe."









30 DaysWhere stories live. Discover now