Day 8

847 18 0
                                    

ERICA'S POV

And we dance all night---

Nag alarm ang cellphone ko, pero agad ko iyong napatay dahil gising naman ako. Hanggang ngayon kasi nasa isip ko pa din yung sinabi ng walang kwenta kong tatay kahapon pero kahit yun yung gusto nya syempre hindi ako pumayag at saka dahil sa pagtawag nyang iyon naudlot yung pag gala namin ni Erika kahapon. Malay ko ba namang andito na pala siya sa pilipinas. Wala naman kasi akong pakialam kung nasaang bansa pa siya.

Nag-handa na ako para sa pagpasok, kumain,naligo, sumakay papunta school.

Nakapasok na ako ng gate ng school ng makita ko ang babaeng nag pinapatigil ang paghinga ko.
...

Naglalakad ako ngayon dito sa loob ng campus, tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa Stem Building.

Kahapon pumunta si Dave sa Apartment at nag ayang lumabas pero ako pinapili nya kung saan kami pupunta, e linggo kahapon araw ng pag-sisimba kaya niyaya ko siyang mag simba pero nalaman kong hindi pala siya nag sisimba. Nagtataka ako kung bakit, at nadagdagan nanaman ang pagtataka ko noong biglang may tumawag sa cellphone nya kaya kailangan nya ng maunang umalis kaya ako naiwan sa tapat ng simbahan.

Nakaramdam ako ng panghihinayang pero naiintindihan ko naman na importante yung pupuntahan nya kaya ayos lang naman at isa pa wala akong karapatang mag reklamo wala namang kami.

Biglang may humawak sa braso ko, naramdaman ko na yung ganitong klase ng paghawak doon sa tapat ng room namin at isang tao lang naman ang nagpaparamdam sa akin ng ganito kabilis na pagtibok ng puso.
Si Dave.

"Good Morning Erika"sabi nya sabay bitaw sa braso ko at pumunta sa harap at ngumiti.

Mas maganda pa ang ngiti mo kaysa sa umaga sabi ng isang maliit na boses sa aking utak "Good Morning din, Dave." Sabay ngiti din pabalik sa kanya.

"Ahmn..." yung parang may sasabihin sya pero, hindi nya masabi, "S-So" hindi nya maituloy, kaya tiningnan ko ang mata nya oara malaman kung ano bang gusto nyang sabihin.

"Okay na yun,Hindi naman ako galit e."sabi ko habang iniiwas na ang tingin ko sa kanya.

"Thank you, Ahmn may kasabay kaba mamayang Break time?"tanong nya sa akin.

"Wala"

"Sabay tayo ah" sabay kindat sakin

O shit ano bang problema ng lalaking to "Oo sige, ahmn bakit ka kumikindat dyan?

"Bakit masama ba?"

"Hindi naman pero kasi---" naputil na ang sasabihin ko ng tumunog ang ang bell ng school, nagkatinginan lang kami ni dave. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito, umpisa na ng klase!

Walang salita-salitang tumakbo kami ni dave papasok ng stem building, para kaming mga nakikipag karera sa pagtakbo, nauuna ako sa kanya pero ng nasa hagdan na kami sya naman ang nauuna, nakita nyang nahihirapan na ako sa pagtakbo kaya nilahad nya ang kamay nya na parang nag-ooffer sa akin ng tulong agad ko naman iyong tinanggap.

Para kaming prinsepe at prinsesa na tumatakas sa mga tao, pero ang katotohanan ay kapwa kami studyante na parehas late sa first class namin. Nakarating na kami sa Third Floor ng stem building at kailangan na naming maghiwalay dahil ang room nya ay sa left side SectionA4 samantalang ako ay sa Right side SectionA5. Tumatakbo parin kami narinig kong sumigaw sya "mamaya nalang erikaaaaa!"


DAVE'S POV

Papunta na ako sa room nila erika ng makita ko si Tina

"Hey boy!" Tawag nya sa akin. Wow. Bakit parang nag iba ata ang ihip ng hangin?

"Why?"tipid na tanong ko sa kanya at hindi nagpapakita ng anumang emosyon.

"I am the one who supposed to ask that. Why? Why you became cold all of a sudden?"tanong nya ng may nag lalarong ngisi sa mga labi.

Ako naman ay di makapaniwala sa mga pinagsasabi nya "Because, I lost my interest on you"Derektang sagot ko sa tanong nya at nahalata ko sa mukha nyang nagulat sya.

"Oh c'mon dave, what a lie?"sabi nya habang pilit na itinatago sa akin ang pagkagulat.

"Lets end this nonsense conversation"sabi ko sa kanya at nilagpasan sya, nakatanaw lang ako sa room nila erika at napansin ko andyan lang sya sa tapat ng pinto nakatingin sa dereksyon ko. Tumakbo ako para makalapit agad sa kanya.

"Hi erika"ngitian ko sya pero wala akong natanggap na ngiti pabalik. May kakaibang emosyon sa mga mata nya. Tila ba nakatulala parin sya doon sa kinatatayuan ko kanina.

Iniangat ko ang mga kamay ko para kumaway-kaway sa harap ng mukha nya at sya naman ay napakurap-kurap lang at biglang tumingin sakin. Nagulat ako kasi parang yung klase ng tingin nya ay galit.

"Are you mad at me?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Hindi ah!" She sounds so defensive.

"Hey!Hey! I'm just asking" nagtataka ako sa timbre ng boses nya kaya tingin ko galit talaga sya. Hindi nanaman sya umimik kaya iniba ko ang usapan.

"Ahmn Erika Since 6:30 A.M ang start ng klase and then 4:30 P.M ang end ng klase pwede bang deretso kana sa bahay?"

"Ahh oo, sige" nakatingin lang sya sa dinaraanan namin at parang walang gana.

"Ayos lang ba?" Tanong ko ulit sa pagakakataong ito mas nilakasab ko pa ang boses ko, duon lang sya napa angat ng tingin sakin.

"Ha? Oo naman sige mamayang uwian" sabi nya na binibigyan nanaman ako ng pekeng ngiti.

Ano bang nangyayare sakanya?
Bakit parang galit sya?
Parang Naiiyak sya?
Anong ginawa ko?





30 DaysWhere stories live. Discover now