Day 17

601 16 0
                                    

ERICA'S POV

I don't have any idea what dave was thinking Last Night.

Iniwan nya yung bag nya sa akin at sinuong nya yung ulan. Ang sabi nya lang sa akin bago sya umalis kukuhain nya nalang daw yung bag nya ngayon, pero hinintay ko sya kanina Hindi naman siya dumating. Kaya naisip kong ako nalang ang pupunta sa kanila.

Mabuti nalang at naalala ko ang daan papuntang Bahay nila, kaya sumakay nalang ako ng jeep. Wala naman kasi akong pang-taxi.

Kanina pa ako kumakatok dito sa pintuan nila pero walang nagbubukas, siguro tulog sya kaya hindi nya naririnig. Hinawakan ko ang Door Knob, bukas pala ang pinto. Si dave talaga hindi marunong maglock paano nalang pala kung may manloob sa Bahay nato , eh mag-isa lang sya dito.

Pumasok na ako sa loob ng Bahay, Pero walang tao. Siguro nasa kuwarto lang si dave. Kaya pumunta ako sa kuwarto nya nasa second floor ng Bahay nila. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya nabitawan ko ang bag nyang kanina ko pa hawak hawak. Nakita ko si dave na nakahiga sa kama at nakabalot ang katawan niya ng kumot, nanginginig sya at pinagpapawisan. Agad ko tinakbo ang pagitan naming dalawa.

"Dave!"nagmulat sya ng mata ng marinig nya ang boses ko. Nang makalapit naman ako sa kanya ay agad ko sya niyakap. Sobrang init nya, Pinagpapawisan siya.

"Anong nangyare sayo?"nag-aalala ako sa kanya, bakit kasi nagpaulan pa siya kagabi? nako naman talaga! sinilip ko ang relo ko 11:27 "Kumain kana ba?" umiling lang siya. Hinaplos ko ang likod nya. "Sandali lang ah hintayin mo ako dito" Bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya at inihiga ko sya. Mabilis akong Tumakbo palabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Kumuha ako ng maliit na planggana at nilagyan ko ng kaunting tubig.

Mabilis akong umakyat ng hagdan, wala akong pake kung may matapon na tubig o kaya naman madapa ako. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay makabalik sa kuwarto ni dave at matulungan siya.

Nang makabalik ako sa kuwarto, agad kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanya. Nagulat ako sa Nakita ko, Naka Uniform parin siya hanggang ngayon. Tinungo ko ang closet nya, una kong binuksan ang pinakamataas na drawer, anduon ang mga damit nya. Kumuha ako ng jacket, ng pajama at Kumuha na rin ako ng Face towel.

Bumalik ako sa kama, dahan-dahan kong tinanggal ang pagkabutones ng Uniform niya. Bakit parang Kinakabahan ako ngayon? Sanay naman ako sa mga ganitong gawain ah, Nakapag punas narin ako nuon ng may sakit na hindi ko kilala, Naka kita na rin naman na ako ng katawan ng isang lalaki pero bakit parang may kakaiba ngayon? bakit parang kinakabahan ako? bumibilis kasi ang tibok ng puso ko sa gagawin kong pagtanggal ng suot nya.

Kinakabahan man ay itinuloy ko ang ginagawa ko, atanggal ko na ang pagka butones ng polo nya, at tinanggal ko na ang polo sa kanya. Pinunasan ko ng tubig ang maputi nyang katawan, mayroon siyang abs pero hindi ganon kahulma dahil siguro'y bata pa siya at hindi siya nagpupunta ng gym. Hindi ako makapaniwalang tinititigan ko ang abs nya, hindi rin ako makapaniwalang nahahawakan ko pa, Urghhh!!! Erika umayos ka kailangan mong gamutin si Dave, saka muna isipin ang mga bagay na ganyan.

Natapos na ang pag punas ko sa abs nya. este! sa katawan niya. Sinuotan ko na siya ng Jacket. This is it, Di pa pala tapos, kailangan ko din palitan yung pants nya. Pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang pagka-kaba, whoa! kaya ko to, kaya ko to!.

Dahan-Dahan kong tinanggal ang pagka-butones ng pants nya, Grabe nanginginig yung mga kamay ko, pero tinuloy ko ang pagbaba sa zipper nya. Inhale, Exhale. Kaya ko to! Salamat naman at naibaba ko ang zipper niya ng matiwasay. ito na, ito na! Ibababa ko na pants nya, Mabuti naman at sumusunod lang ang katawan nya. Tuluyan ko ng naalis ang pants nya, grabe naman ang puti puti ni dave, mas maputi pa siya sa akin. Napaka kinis din ng balat nya, Nang napansin kong naka boxer lang sya sa pang-ibaba, naramdaman kong namula ang pisngi ko. Bakit ko ito nararamdaman? Bakit ako kinakabahan? Nuon naman ay naka kita na ako ng lalaking nakaganito lang pero hindi naman ako kinakabahan. Kinuha kong muli ang face towel at nag simulang haplusin, este punasan! ang legs nya pababa sa binti nya, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Urghhhh Malala na to!

Nang matapos ko na siyang punasan ay isinuot ko sa kanya ang pajama. Mabuti naman at hindi na nanginginig si dave nang tulad kanina. Nilagyan ko siya ng Bimpo sa Noo. Kailangan ko nang
mag-luto siguro'y hindi pa kumakain si dave simula kagabi. Aalis na sana ako sa pagkaka-upo sa kama nang pigilan ni dave ang kamay ko kaya nilingon ko sya.

Kung kanina'y nakapikit lang sya, ngayon ay nakatingin sya sa akin at namumungay ang mga mata. Halata sa mata nyang mayroon siyang sakit.

"Dito kalang" mahina ang boses nya pero, dinig ko ng maayos.

bumalik ako sa pagkaka-upo sa kama at tiningnan siya sa mga mata. "Dave, kailangan kong mag luto para maka kain ka na"

"Huwag na hindi naman ako nagugutom" pagdadahilan niya.

napabugtong hininga nalang ako. May sakit nga talaga. "Dave, kailangan may laman ang tiyan mo kasi iinom ka nang gamot"

"Ayokong uminom ng gamot, lagnat lang naman ito" sa tono ng boses nya, ayaw nya talaga.

may sakit nga talaga itong si dave, dahil ganyan yung mga linyahan ng may sakit e. Mga Pabebe. Hays unting pilit lang bibigay din naman to. "Sige na dave, ayaw mo bang gumaling?"

"Gagaling naman ako kahit hindi umiinom ng gamot" nag-iwas siya ng tingin, at dahil doon may naisip akong idea.

"Kung ayaw mo ding kumain at uminom ng gamot aalis nalang ako." Deretsong sabi ko, doon naman nya ibinalik ang tingin sa akin.

"You're not playing fair" may pagtatampo sa boses nya.

nginitian ko lang siya at lumabas nang kuwarto. tinungo ko ang kusina lumapit ako sa ref at naghanap nang pupuwedeng iluto. Mabuti naman at may Macaroni, sakto marunong pa naman akong magluto ng Sopas. Sinimulan ko nang mag-luto at habang naka salang iyon ay hinanap ko naman kung may mga gamot ba si Dave. Mabuti nalang at meron siyang stock. Kumuha ako ng tray at doon ko inilagay ang isang mangkok na sopas, isang basong tubig at yung gamot niya.

"Dave, andito na ako."sabi ko ng makapasok sa loob. Inilapag ko naman ang tray sa study table.
"Dave luto na yung sopas, kain na..." hinaplos ko ang balikat nya para gisingin siya. Nagmulat siya ng mata at tinulungan ko siyang umupo. Kinuha ko na ang tray at sinimulang pakainin sya. Natapos ko na siyang subuan kaya pinainom ko na sa kanya ang gamot.

"Salamat Erika" mahinang sambit nya pagkatapos nyang uminom ng tubig.

"I'm on duty" pagbibiro ko "Pwede na bang maging doctor?"tanong ko

tumango-tango lang siya at ngumiti, pero ang mga mata niya ay nakapikit. "Salamat Ulit Erika, Ngayon nalang kasi ulit may nag-alaga sa akin." ngumiti siya ng mapait "Simula kasi nang mawala si mama, wala nang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Hindi ako umiinom nang gamot hinahantay ko lang siyang mawala. Kaya maraming maraming Salamat" napatitig lang ako sa maamo nyang mukha. Naiiyak ako dahil nararamdaman kong miss na miss na ni dave ang mama niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya. Mga ilang Segundo ay aalis na sana ako yakap nang siya naman ang humigpit ang pagkakayakap sa akin. Kaya hinayaan ko nalang na ganon ang posisyon namin, kahit na ngangalay ako sa ganoong posisyon ay tiniis ko nalang. Naramdaman kong lumuluwag na ang pagkayakap nya siguroy nakakatulog na ulit sya.

"I'm Always Here Dave."

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon