Day 29

554 17 0
                                    

"DAVE CANELLAS" agad akong napatingin sa stage nang banggitin ang pangalan ng isang napaka-sweet na lalaki. Kung kanina ay pa antok-antok ako ngayon ay mulat na mulat ang mga mata ko...

Pinakatitigan ko siya mula dito sa upuan. Nasa school kami ngayon para mag praktis ng graduation. One Day Practice lang ito with parents.

Nakababa na siya ng hagdan at naglalakad pabalik ng upuan niya ng biglang napatingin siya sa gawi ko at nginitian ako kahit na mukhang pagod na siya.

Bukas pa i a-announce kung sino ang Valedictorian ng bawat strand. Kinakabahan ako may mga nakapag sabi kasi sakin na candidate daw ako for valedictorian.

Sa totoo lang gusto kong maging valedictorian, hindi dahil gusto kong sumikat kundi dahil kapag may award kang ganoon madali kang makakapasok sa mga Magagandang School.

Section naman namin ang tinawag at isa isa kaming umakyat sa stage. Pagkatapos ng practice ay sinalubong kami ng papa ni dave.

"Exited na ba kayo para sa Graduation nyo bukas?" Tanong ng papa ni dave.

Nginitian ko siya "Oo naman po tito" sagot ko. Tumingin ako kay dave at parang tulala lang siya, hinayaan ko na lang mamaya may iniisip pala siyang importante.

Niyaya kami ni tito teodoro na kumain sa isang restaurant at andito na kami ngayon pero hindi pa din umiimik si dave, tulala padin siya. Ano kayang problema nito.

"...Being a doctor was a very tiring job yet it was the most precious" nagkukuwento si tito tungkol sa kagandahan at kahalagahan ng pagiging isang doctor. "... It was so precious because you will save live's" halata ang passion ni tito sa paggagamot.

Napalingon ako kay dave, nakayuko lang siya. Mula sa ilalim ng mesa sinipa ko ang paa niya. Agad naman siyang nag angat ng tingin. Na oarang gulat na gulat. Kinapa ko ang leeg niya, wala naman siyang lagnat.

"Anong Problema?" Tanong ko at napatingin lang siya sa mukha ko at bumaling kay tito pabalik muli sa akin.

"Wala.." mahinang usal niya, bigla namang sumilay ang ngiti sa labi niya. At tahimik kaming kumakain ng biglang nagsalita si tito teodoro.

"Dave anak?" Tawag ni tito kay dave. Tumingin naman siya. "She deserve's to know the truth" dito na dumagundong na ang mundo ko. Ano yun? Anong ibig sabihin ni tito teodoro? Anong katotohanan?

Lalo akong naguluhan, bakit parang may nararamdaman akong kakaiba? Nagsimula ito nong galing kami doon sa hospital. Anong nangyayare? Anong Meron? Gusto kong mag-tanong pero hindi ko magawa. Natatakot akong malaman ang katotohanan.

Iiwan na ba ako ni dave? Bakit parang ambilis naman? Iiwan na niya ba ako pagkatapos ng lahat. Gustong gusto ko na silang tanungin pero nanatiling tikom ang bibig ko.

O baka ako lang naman talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano. Baka wala naman talaga na pa-paranoid lang ako. Baka nag-o overthink lang ako. Ipinilig ko ang ulo ko. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano nasisira ang mood ko.

Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang pala ni dave ang natira dito sa resto.

"Hey Erika?" Pukaw niya sa akin.

Nginitian ko naman siya "yes?"

"Punta tayong manila bay?"

"Sige ikaw bahala"

Ito nanaman kami, gagala. Katulad ng palaging gustong gawin ni dave. Sumakay na kami sa taxi at nagpahatid doon sa manila bay.

"Hmnn... Ang sarap" naibulalas ko ng matikman ko ang Milktea. Pinisil ni dave ang kanang pisngi ko. Andito kami ngayon sa isang Milktea House Malapit sa Bay.

"Dave pwede ba akong magtanong?"

He chuckled "Oo naman, ano yun?"

"Pwede ko bang malaman kung bakit pangarap mo ding maging doctor?"

Tumango siya "Kasi diba naikuwento ko sayo yung tungkol kay mama" huminga siya bg malalim "Yung nagkasakit si mama na hindi ko man lang alam, na hindi ko man lang siya natulungan." Tumingin siya sa dereksyon ng dagat "Kaya ayun, gusto ko na makatulong sa mga nagkakasakit. Gusto kong matulungan silang mabuhay pa."

Napatango nalang ako, tumayo si dave. At hinila ang kamay ko. Magka holding hands na kami. At ang milktea ay hawak hawak namin sa tigkabila naming mga kamay.

Naglalakad kami habang magkahawak ang mga kamay.

"Ikaw? Bakit pangarap mong maging doctor" pabalik na tanong niya sa akin.

Napangiti naman ako ng may maalala ako "Kasi diba may clinic kami sa probinsya tapos may mga gamit sina mama. Isang araw pumunta ako doon sa Loob ng clinic tapos may nakita akong isang bagay, yung stethoscope. Kinuha ko iyon" tiningnan ko siya.

"Pagkatapos nilagay ko sa tenga ko yung Earpice at yung diaphragm sa puso ko" napangiti ako ng makitang nakikinig siya ng maayos "Tapos Namangha ako noong narinig ko yung pagpintig ng puso ko. Simula noon palagi ko ng gusto pakinggan yung pagtibok ng puso ng iba't ibang tao"

Napangiti si dave ng dahil sa kuwento ko "pero alam mo minsan may hindi ako maintindihang tibok ng puso e"

Nangunot ang noo niya "ano yun?"

"Yung pagtibok ng puso ko para sayo"

Napanganga lang siya. Shit! where was those words came from? Bakit ko nasabi yun?

"Pfffttt... HAHAHA what?" Napalingon siya sa akin.

Nahihiya kong sinalubong ang tingin niya "Bakit?!"

Umismid siya ng makita niyang naiinis na ako "okay, okay Chill" itinaas niya pa ang isa niyang kamay bilang pagsuko.

"Ang corni ko..." mahinang usal ko sa sarili ko pero sapat na para marinig ni dave.

Ginalaw niya ang magkahawak naming kamay "Hey, it's okay" sabi niya habang natatawa pa. Kainis naman kasi talaga.

"Ngayon nararamdaman ko na kung ano ang nararamdaman mo, kapag sinasabi kong Corni ang nga banat mo!" Yes now i understand what he feel.

"No, hindi naman ako naiinis. Actually natutuwa ako kasi alam ko deep inside kinikilig ka naman." Mayabang niyang sabi.

Napairap nalang ako sa hangin. Totoo naman kasi, kinikilig ako deep inside. "Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Erika, halata kaya! Kahit sabihin mong corni, kahit tawanan mo lang halata namang gustong gusto mo WAHAHAHA" tumawa pa ang mokong!

Pinagpatuloy lang namin ang paglilibot sa gilid ng bay, habang magkahawak ang mga kamay. Kapwa naming ninanamnam at dinadama ang kapaligiran.

Tumigil kami sa isang gilid at umupo sa isang bato. Sabay kaming umupo nagulat ako ng bigla niyang bitawan ang kamay ko pero bigla ko naman iyong naramdaman sa bewang ko. Mas hinapit niya ako papalapit sa kanya.

Nang makalapit na ako sa kanya, Lumipat naman ang kamay niya sa balikat ko. Kaya iniligay ko naman ang isa kong kamay sa bewang niya.

Tumingin si dave sa kalangitan "Ang Ganda ng Sunset no?"

Napatingin din ako doon "Oo nga"

Sobrang ganda ng paglubog ng araw, kitang-kita iyon mula dito sa kinauupuan namin. At kitang-kita din sa repleksyon ng dagat ang kulay kahel na paglubog ng araw.

Pakiramdam ko ay wala nang mas gaganda pa kapag kasama mo ang taong mahal mo habang pinapanood ang paglubog ng araw. Naghahalo ang saya at ang Lungkot sa puso ko.

Hindi ko malaman kung anong dahilan ng lungkot sa puso ko. Parang may nararamdaman akong kakaiba. Parang natakot kasi ako na sa kabila ng saya ngayong araw ay babawiin naman ng lungkot bukas.

"Mahal na mahal kita Dave. Mahal na Mahal." Is that enough to make you stay? Gusto kong itanong iyon pero hindi na bumuka ang bibig ko para magsalita. Hindi sumagot si dave bagkus hinalikan niya ako sa noo.

Ang Kasiyahan ay Utang na kailangang bayaran ng Kalungkutan.



30 DaysWhere stories live. Discover now