Day 3

949 24 2
                                    

ERICA'S POV

Salamat naman at malapit na ako sa school. 6:25 na. Papasok na ako ng gate ng school ng biglang pigilan ako ng Guwardiya, tiningnan nya ako ng masama, kaya't dahan-dahang bumaba ang aking mata at napagtanto ko na hindi ko pala suot ang I.D ko, kaya pumunta muna ako sa gilid, binuksan ang bag ko at hinanap ang I.D ko pero hindi ko ito makita. Isang minuto na ang nakakalipas mula ng halungkatin ko ang bag ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong makita.

Nasaan na ba yun? Saan ko ba nalagay ? Naiwan ko ba sa bahay?

"Ito ba ang hinahanap mo?" Narinig kong may nagtatanong sa likod ko kaya mabilis akong lumingon. Nakita ko ang gwapo nyang mukha at mabilis na tumibok ang puso ko pero  napansin ko na nakataas ang kanyang kamay kaya bumaling don ang tingin ko, laking gulat ko ng makita ko ang hawak nya.

Ang I.D ko!

Kaya mabilis ko itong hinablot sa kanya at kinunutan ko sya ng noo.

"Saan mo nakuha ito?" Kunot nuong tanong ko.

"Sa clinic, naiwan mo" mabilis nyang sagot.

At nang mabanggit nya ang clinic, doon na bumalik ang ala-ala ko. Oo nga pala at ito ang lalaking nakabangga sa akin kahapon, na naging dahilan kung bakit may sugat ako sa ulo at may gasgas sa braso.

Paano ba naman kasi hindi marunong tumingin kung may tao ba sa paligid nya.

Tinitigan ko lang sya. Sa mata. Nagulat ako nang bigla syang ngumiti. Shit! Wait!. Pamilyar sa akin ang ngiting yan ah, tumingin ako sa mga mata nya. Oo, tama! Sya nga iyon!. Yung lalaki sa labas ng classroom namin.

"Ahhh, ganon ba. Sige maraming salamat" nginitian ko sya pabalik, nilampasan ko sya at nag simula ng maglakad. Naramdaman ko namang sumusunod sya sa akin, pero hindi ko naman pinapansin.

Nakapasok na ako ng gate ng biglang nagsalita uli yung lalaki

"Erika, yung sa nangyari pala kahapon---" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita.

"Wala yun, okay na naman ako ngayon" sabad ko

Tumingin sya sa noo kong may sugat at sa braso"Anong okay e may mga sugat ka ng---" pinutol ko nanaman ang pagsasalita nya

"Mabuti nga at nadala agad ako sa clinic" tumikhim ako "nga pala, sino nag hatid sakin sa clinic?"

"Syempre ako" pag mamayabang nya

"Salamat pa din. Kaya Sa susunod, tumingin ka sa paligid mo dahil di mo namamalayan na may mababangga ka na palang iba." Pangaral ko sa kanya. Sya naman ay parang batang nakikinig lang at tumatango-tango.

"Babawi nalang ako sayo" nakangiting sabi nya

"Nako! hindi na kailangan" pag-tanggi ko.

"I don't accept NO. Tommorow i'll treat you and i will wait outside your classroom" ayun lang ang sinabi nya at nagiba na ng dereksyong nilalakaran.

Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad papalayo. Nuong una ko syang nakita sa labas ng room namin na-gwapuhan ako sa kanya pero iba pala kapag mas malapit sya sayo. Ganon pala ano, yung parang huminto yung pag hinga mo pero yung pagtibok ng puso ay walang patid.

Will wait daw outside my classroom. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng pagkasabik hehe. Pero hindi naman na talaga kailangan pa na i-treat ako, okay na naman talaga sa akin yun e, sya lang tong mapilit.

Ka-exite!

Dahan-dahan namang bumaba ang tingin ko, sa relo ko tiningnan kokung anong oras na. Nanlaki ang mga mata ko at nayanig ang buo kong pagkatao ng makita ko kung anong oras na 6:35. Para akong Cheetah sa sobrang bilis ng takbo ko.

Shit! Late na akoooooooo!







30 DaysWhere stories live. Discover now