Day 6

781 18 0
                                    

ERICA'S POV

Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in a whole wide world We'll find another one cause she belongs to me🎶

Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her love away
Couple billion in a whole wide world
We'll find another one cause she belongs to me🎶

Pag-iingay na cellphone ko. Ang aga-aga naman may tumatawag, sino ba yun? Kapag steal my girl kasi yung ringtone ibig sabihin may tumatawag.

Dinampot ko yung cp ko sa maliit na table sa gilid ng kama, sinagot ko ang cp ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Hello? Sino to?" Walang buhay kong tanong sa kabilang linya

"Good Morning, Ms. Villanes" o shit! Bigla akong napabangon ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Hey! Good Morning din, aga mo yatang napatawag?" Pagbati ko sa kanya ng may lakas ng boses.

"I thought that today you'll gonna help me?" Tanong nya.

"Oo nga pala"

"So your place or mine?"

"Ikaw mag decide"

"Mine, i'm gonna text you the address."

"Wait! Wait! Ahmn.. kasi di ko naman alam yung pasikot-sikot dito e, kaya i don't think na malalaman ko kung saan ka nakatira." Pag papaliwanag ko sa kanya.

"Okay, susunduin kita. 30 minutes andyaan na ako sa labas ng apartment." Yun lang ang sinabi nya bago pinatay ang tawag.

...

"Hop in!" Sabi sa akin ni dave ng buksan nya ang backseat ng taxi.
So naka taxi pala sya para sunduin ako, may pakiramdam talaga ako na mayaman tong lalaking to e.

Nakasakay na ako sa loob ng taxi
"Salamat sa pag sundo"

"Wala yun. Ako naman yung may kailangan sayo." Sabi nya habang ngumingiti ngiti.

"Sorry ha di ko kasi talaga alam pa sikot sikot dito sa maynila e." Pagpapaliwanag ko

"Bakit?" Tanong niya

"Basta."

..

"Katulad nga ng sinabi ko may clinic sila papa, pero di ko naman pala nasabi na sa probinsya yun." Kararating palang namin dito sa bahay nila, nakatira sila sa isang village, ang ganda ng bahay sa labas pero mas maganda pala pag andito na sa loob at mukhang mag-isa lang sya dahil wala pa akong ibang taong nakikita. Andito kami ngayon sa sala magkatapat. Ang namamagitan lang sa aming dalawa ay ang maliit na table na may nakapatong na dalawang basong juice at Sandwich, hinanda nya iyon para sa aming dalawa.

"Galing kasi ako ng probinsya, pumunta lang ako dito para mag-aral, hindi naman ako nag lalabas ng apartment ng tita ko."sabi ko sya naman ay nangunot na ang nuo

"So ibig sabihin di ka pa nakakalibot dito sa Maynila?" Nagtatanong talaga ang mga mata nya.

"Hindi. Lima lang naman ang ang routine kong lugar. Apartment, School, Bookstore,Grocery at Simbahan yun lang. Paulit-ulit lang."ewan ko ba sobrang daldal ko talaga kapag kausap ko ang lalaking to, siguro matagal tagal nadin kasing wala akong nakausap tungkol sa nangyayare sa buhay ko kaya eto, andami kong nasasabi.

"Bat di ka pumapasyal?" Tanong nya.

"Niyayaya naman ako nila tita pero, di ako sumasama kasi tinatamad akong lumabas ng bahay mas gusto ko sa bahay lang kumakain habang nagbabasa o kaya naman nanonood ng movies. Actually ngayon na nga lang ulit ako lumabas." Daldal talaga erika.

"Hmnn..." tumango-tango sya na para bang may iniisip na kung ano.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misyon ko, madali lang naman maka-gets si Dave lesson kaya mabilis kaming natapos. Ginawan ko sya ng reviewer, yung parang teaching plan, nakalagay dun yung mga topic na kailangan naming i-review para makapasa sya.

Nakaupo kami ngayon sa pang-isahang couch at nakaharap sa t.v.
"Wala ka bang kasama dito?" Tanong ko ng mapansing wala talagang ibang tao sa bahay nila.

"Wala" tipid nyang sagot at bumugtong hininga

"Nasaan sila?" Tanong ko

"Basta." Parang naiirita na sya sa mga tanong ko.

Out of no where biglang may lumabas sa bunganga ko na dahilan kung lumingon sya sakin. "Ayaw mo ba akong kausap?"

Hindi sya nakapag salita

"Kung ayaw mong andito ako okay lang naman, dapat sinabi mo kanina pa. Dapat hindi mo nalang sinaggest na dito tayo sa bahay nyo. Aalis na ako, tawagan mo nalang ako kapag kailangan mo ako."



















30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon