Day 22

607 13 0
                                    

ERICA'S POV

Nakakaboring, dapat talaga hindi nalang ako pumasok. Andito lang ako sa gilid at nakatanaw sa bintana. Habang pinaglalaruan ang ballpen ko. Unti lang din ang mga pumapasok na studyante dahil wala naman na kasing ginagawa dito sa school kasi tapos na din ang school year. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang pumasok. Gusto ko na nga sanang umuwi ang kaso nga lang di kami pinapalabas ng Guard. Tumunog ang cellphone ko kaya tingnan ko kung sino ang nag text, Nang Makita kong si dave yun ay agad kong binasa

"Erica Lumabas ka, dalhin mo yung bag mo"

Nangunot ang noo ko sa text niya pero agad naman akong sumunod kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas, nakita ko si Tina kasama ang mga mga kaibigan niya. Buti naman at hindi na ako nilalapitan ng bruhang yun. Pag bukas ko nang pinto ay andun si dave. Dala-dala na din niya ang bag niya at bitbit niya ang skate board niya. Nang Makita niya ako ay Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon hanggang sa may gate. Aba! Nasasanay na ang mokong na ito ah!. Nagulat ako ng biglang sinipa niya ang paso kaya natumba ang mga bulaklak.

"SIR!" tawag niya kay kuyang guard, Lumingon naman ito. "Sir, nagsitumbahan po yung mga bulaklak" Lumakad naman sa dereksyon namin ang guard at nilapitan ang mga bulaklak at nang makatalikod na ito sa amin ay agad akong hinila ni dave palabas ng gate. Nang marinig naman ng guard ang pagbukas at sarado ng gate ay lumingon ito. Bakas sa mukha ang pagkainis habang si dave naman ay natawa.

"Tara na!" Sigaw sa akin ni dave. Hinabol kami ng guard Kaya tumakbo kaming dalawa habang magkasiklop ang mga kamay. Nang makalayo na kami ay binitawan na ako ni dave at kapwa kaming hingal na hingal. Natatawa ako Habang umiiling-iling pa.

"I can't believe this" sabi ko sa pagitan ng paghingal

"Let's go" muli nanaman niyang pinagsiklop ang kamay namin. Parang lahat naman ng pagod ko mula sa pagtakbo ay nawala.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta." Yun lang ang sabi niya at hinila nanaman ako. Tumigil lang kami sa isang Napakalaking bakanteng lote kung saan maraming nag i-skate board. Parang mayroong nangyayareng paligasahan ngayon dito. Pagpasok namin dito ay agad na may lumapit kay Dave.

Nakipag-apir kay dave ang isang lalaking puno ng piercing ang tenga "Dave! Long time no see?" lumipat naman ang tingin sa akin ng lalaki at bumama ito sa kamay naming magkasiklop "ooooh!!! I see" sabi ng lalaki habang ngumingisi. Inilahad naman nito ang kamay sa akin "Ronie" pagpapakilala ng lalaki

"Erika---" tatanggapin ko na sana ang pakikipagkamay ng lalaki nang bigla ako hinila ni dave at nang makalayo na kami ay narinig ang malakas na pagtawa nong ronie. Ano bang nagyayare?

"Diyanka lang ah" pinaupo ako ni dave sa isang upuan. Nilibot ko ang tingin ko sakabuuan ng lugar. May ilan ilan ding mga babae pero puro lalaki lang talaga angkaramihan, halos lahat ata ng lalaki ay may hawak na Skate Board maliban langdito sa katabi ko. Siya lang ang mukhang matino dito. May salamin siya,Matangos ang ilong, maputi. Masasabi kong guwapo siya pero mas guwapo parintalaga si dave. Hinagilap ng mata ko si dave, sa sobrang dami ng tao ay hindiko na siya Makita. Pero pinilit ko paring hanapin siya at ayon siya maybinubulungan na babae. Tiningnan ko ang babae Maiksi ang kulay red niyang buhok. May kulay black siyang lipstic. Masasabi kong maganda siya. Kita kong nagtawanan silang dalawa ni dave. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng masaksihan ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang naramdaman ko,kaya nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanila. Kakausapin ko nalang itong katabi ko.

"Hi" panimula ko lumingon naman sa akin ang lalaki

"Hello?" ngumiti siya ng kitang-kita ang mapuputing ngipin. Wow mas guwapo pala ang lalaking to kapag ngumingiti.

30 DaysWhere stories live. Discover now