Day 10

718 17 1
                                    

DAVE'S POV

Kagabi niyakap ko si Erika, Ewan ko basta naramdaman ko nalang na parang gusto ko syang yakapin dahil nalaman kong nasasaktan sya.

Maaga akong nagising ngayon, ewan ko kung bakit ba. Simula ng makilala ko si Erika parang palagi na akong exited pumasok. Kung dati halos last minutes na ako dumadating sa first subject ko ngayon naman ay nagugulat akong, ako na ang pinaka unang dumarating sa classroom.

Kung dati halos madaling araw na akong umuwi ng bahay ngayon pagkahatid ko sa bahay nila erika deretso uwi na ako.

Andami na ngang nagbago sa akin mula ng mapalapit ako kay erika. Katulad nalang ngayon hindi ako sumama sa mga kaibigan kong nag cutting classes kaya wala akong kasabay ngayong kumakain dito sa canteen

Shit! kelan pa ako naging loner!

Biglang may umupo sa katapat ko at may inilapag na mga pagkain. Maamoy ko palang ang ganoong klase ng pabango ay alam ko na kung sino.

"Hi dave." Bati sa akin ni Erika habang may matatamis na ngiti

"Hey!" Sabi ko habang nagbaba ng tingin parang di ko kasi ma take yung ngiti nya ngayon, nakakatunaw.

"Parang mag -isa ka yata?"tanong nya sa akin.

"Ahh oo nag bagong buhay na kasi ako ngayon e" pagbibiro ko pero parang di ko ata sya mabibiro.

"Mabuti naman at ganon, dahil pag sasabihan ko na yang mga kaibigan mo"sabi nya habang parang nag-aangas angasan, haha lumalabas na talaga ang kakulitan ng babaeng to.

"Ikaw, kumukulit kana ah"sita ko sa kanya. Bigla namang huminhin yung boses nya.

"Ahh sige tatahimik nalang ako dito." Sabi nya habang umaayos ng upo na akala mo'y isang dalaga noong unang panahon. Dahil sa ginawa nyamg iyon humagalpak ako ng tawa.

"Bakit? Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Ayan na sumisungit na sya. Baliw na talaga tong babaeng to HAHA.

"Ang cute cute cute mo!"sabi ko habang pinipisil yung pisngi nya.

"Awww!" Sabi nya habang naka pout yung mga labi. Nako naman naging isip bata na.

Pero sa kabila ng lahat ng ginagawa nya, kilala ko na kung sino yung tunay na sya. Sya yung babaeng Tahimik lang, Magsasalita lang kapag ikaw yung unang kumausap, isa rin syang mapag pasensyang tao, hindi sya klase ng babae na ma-pride at puro material na bagay lang ang gusto, Babaeng mahal na mahal yung pamilya nya, at Babaeng may pangarap.

Nagkatitigan kaming dalawa, yung parang kinakabisado namin lahat ng parte ng mukha ng isa't-isa. Wala na akong ibang makita kundi ang napakaganda nyang mukha lang.

"Ang Gan---"naputol ang mga sasabihin ko ng biglang may isang malakas na bagay ang lumapag sa lamesa namin, sabay kaming nagulat at nag-angat ng tingin.

"Look who's here"nakangisi sya"The Weird Girl and The Skater Boy"  tumawa si tina at ganon din ang dalawang babaeng nasa likod nya.

Bumaling ang tingin ko kay erika, nakita kong nakatingin lang sya sa baba na para bang nagtitimpi. "STOP BEING AN ATTENTION SEEKER,TINA" malakas na sabi ko sa kanya.

Bakas naman sa mukha nito ang pagkainis pero itinago parin nya"Oh! Attention seeker, your the one who said that, then lets see."ngumiti sya ng parang may masamang binabalak."This is what..."binuhat nya yung styrofoam cup na may lamang juice"Attention Seeker do"tuloy nya at itatapon na sana sa ulo ni tina yung juice ng biglang umangat ang kamay ni tina at tinabig papunta sa direksyon nya ang baso kaya naman si tina ang natapunan ng juice.

Nagsitinginan saamin ang lahat ng Studyante na naroon sa Canteen.

Gulat na Gulat si Tina pati narin ang mga kaibigan nya, ako naman ay hindi makapaniwalang kayang gawin iyon ni Erika.

Si Erika naman ay nagliliyab na ang mga mata dahil sa galit,Tumayo ako buong akala nila ay tutulungan ko si tina, pero ang nilapitan ko ay si Erika. Lumapit ako sa kanya at sinubukang pakalmahin sya dahil sa galit. Pero pagkalapit ko palang ay agad syang tumayo at lumapit kay tina.

"You want to prove to us that your an attention seeker huh! then what now? Did you sucess?"galit si erika at pero kalmado lang.

Si tina naman ay nag-aapoy na dahil sa galit gusto na nyang sugurin si erika pero pinipigilan sya ng dalawa nyang kaibigan "You Bitch, you will kneel infront of and apologize or else you'll pay for this."nang gagalaiting sabi ni tina.

"No i'm not sorry"sabi ni erika sabay naglakad palayo, ako naman ay agad na kinuha ang mga bag namin at sumunod na sa kanya.

ERICA'S POV


"Wow,you nailed it!"sabi sa akin ni Dave nang makarating kami dito sa rooftop ng building ng Stem Building.

"I'm Sorry Dave, Gumawa ako ng eksena dun"sabi ko kay dave habang nakatungo lang.

Mas lumapit naman sya sa akin hinawakan ako sa balikat"okay lang yun, nararapat lang yun para sa mga taong nangingialam sa buhay ng ibang tao, kagaya ni tina"

"Naiinis na kasi talaga ako sa pag-uugali nya e"nag-angat na ako ng tingin kay dave,nakita ko nanaman ang mga chocolate nyang mata.

"I Understand, tama lang yun kasi pag di ka lumaban lalo ka nung aapi-apihin."

"Yeah, pinagbigyan ko lang naman sya kahapon e"sabi ko sabay taray.

"Wala paring nagbabago, Maganda ka parin. Galit ka man o Hinde." Nagulat ako sa sinabi nya.

"H-ha?"tanong ko kahit narinig ko naman ng maayos yung sinabi nya.

He Chuckled. "Nothing"

"O-okay"yun lang sinabi ko kahit nararamdaman ko ng namumula ang mga pisngi ko, kaya tumango nalang ako at tinalikuran ko sya.

"Oh bakit ka tumalikod?"tanong nya.

"Basta wag mo akong titingnan"babala ko sa kanya, pero ang makulit ay hindi nakikinig andito na sya ngayon sa harap ko at titig na titig sakin.

"A-are you b-blushing?"
nagkan-dautal-utal na sya

"No!"tanggi ko.

"Yes!"aniya sa masayang tono.

"Kasalanan mo to"sinisisi ko sya, pagtapos ay tumalikod nanaman ako at ambilis ng galaw nya nasa harapan ko nanaman sya.

"Bakit ako?"tanong nya habang tumatawa.

"Kasi,basta! yung sinabi mo kanina!"sabi ko habang natingin parin sa baba. Pakiramdam ay mas lalong pumupula ang pisngi ko.

"Na Maganda ka?"mabilis nyang sagot, ikinatigil ko nanaman.

"Arghhhhh..... Huwag mo na ngang ulitin!"sabi ko habang nilalagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang tenga at tumalikod muli. Sya naman ay tumawa-tawa lang habang pumupunta sa harap ko, Hinawakan nya ang baba ko at iniangat iyon.

"Erika..."titig na titig sya sa mga mata ko at ganun din naman ako sa kanya."Ikaw na ang pinaka magandang babaeng nakita ko"sabi nya pa sa isang matamis na boses, lalo nya ako inaasar para mamula ako nakakainis! Kaya ang ginawa ko tinabig ko ang kamay nya na nasa baba ko.

"Ang Corny mo Dave"sabi ko sabay talikod at naglakad na papunta sa hagdanan"Mamaya nalang" sabi ko nang nakatalikod at sya naman ay naiwan doong tumatawa.






















30 DaysWhere stories live. Discover now