Day 20

536 14 0
                                    

ERICA'S POV

Andito na ako ngayon sa labas ng bahay nila dave. Panibagong araw nanaman, ewan ko kung saan kami pupunta ngayon. Basta ang sabi niya pumunta daw ako dito sa kanila dahil may pupuntahan kami. Pinihit ko ang door knob, hindi nanaman naka lock ang pinto niya. Sabagay wala naman sigurong magnanakaw dito sa village nila dahil sobrang higpit ng security.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, walang ka ilaw ilaw "Dave..." pagtawag ko sa kanya pero walang namang sumagot. Inikot ko ang kabuuan nang bahay pero mukha namang walang ka tao tao. Asan kaya yun? Ang sabi niya pumunta ako dito e bakit wala naman siya? Edi sana di na niya nalang ako pinapunta dito.

Kaya lumabas nalang ako nang bahay nila uuwi nalang ako-----

"Erika?" Isang boses ang kumuha nang atensyon ko. Nakita ko ang isang matandang lalaki na siguro'y nasa 40's na, nakasuot siya ng tuxedo napaka pormal niya, napatigin ako sa mukha niya. Laking gulat ko ng makitang kamukha niya si dave, kung hindi ako nagkakamali ito ang tatay niya. "Ikaw ba si erika?" Tanong niya ulit.

Kinabahan akong tumango "opo"

Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang lalaki sa harap ko "Ako ang Papa ni Dave, masaya akong makilala ka"sabi na nga ba siya ang papa ni dave. Inilahad niya ang kamay niya at agad ko naman ito tinanggap, ibinalik ko ang ngiti sa kanya.

"Can i offer you a lunch?" Tanong sa akin ng papa ni dave at wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya at kinakabahan talaga ako ngayong kaharap ko ang papa niya at hindi lang iyon kaharap ko din ngayon ang lalaking nag-ma-may-ari ng isang tanyag na hospital ANG CANELLAS MEDICAL HOSPITAL.

...
...
...

"You're so beauiful Erika." Agad akong nag angat ng tingin sa papa ni dave na kaharap ko ngayon dito sa Isang mamahaling restaurant, noong una ay ayaw ko pa sanang sumama pero hindi ko naman matanggaihan ang alok niya.

Nahihiya ako dahil sa sinabi niya hindi ko alam kung mag te-thank you ba ako oh sasabihin kong hindi po. "Hindi naman po pero Thank you po" ayan pinagsama ko nalang yung dalawa.

"Kamusta naman ang anak ko?"nagulat ako sa tanong niya. Pero pinilit kong ibuka ang bunganga ko para sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Okay lang naman po siya pero po nung nakaraan nagkaroon po siya ng sakit." Maikling sagot ko.

"Paano kayo nagka kilala?" Ito ang lalong ikinagulat ko, bakit itinatanong sa akin ng papa niya ang ganitong bagay.

"Ahmnnn... Nabangga niya po kasi ako nung nag i-skateboard siya tapos po nun dinala niya ako sa clinic at ayun po dun po nagsimula yung pagkakaibigan namin." Buti nalang at nagkapagsalita ako ng maayo----

"Pagkakaibigan nga lang ba talaga?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng papa ni dave. Napansin niya ata ang reaksyon ko kaya tumawa siya ng mahina.

"Nako hindi po, mali po ang naiisip nyo. Magkaibigan lang po talaga kami ni dave" pagtatanggi ko i mean yun naman kasi talaga yung totoo.

"Iba kasi ang nakikita ko, Sa tingin ko Gusto mo ang anak ko" pinamulahan ako sa sinabi ng papa ni dave, i want to scream! "At sa nakikita ko Gusto ka din ng anak ko" dagdag pa ng papa niya na nag padagdag din ng pagkapula ng mukha ko. Sana nga po totoo ang sinabi ninyo.

"Nako! Hindi po, hindi rin po siguro ako magugustuhan ni dave..." pahina ng pahina ang boses ko...

"Edi gusto mo nga siya?"nakangising tanong ng papa niya, hindi ko inakalang ganito pala ka bait ng isa Teodoro Canellas.

"Hala! Wala po akong sinabing ganon" pagtanggi ko.

"Ang isda ay nahuhuli sa kanyang bunganga"
Yun lang ang sinabi ng papa niya, hindi na ako naka sagot dahil dumating na ang order na pagkain.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagsalita ulit si Tito Teodoro.

"Erika, may gusto sana akong hingiing pabor sayo" kung kanina ay nagbibiro siya at patawa-tawa ngayon ay napakaseryoso na ng tono ng boses niya.

"Ano po iyon" tanong ko.

"Pwede bang sa 23 magkita ulit tayo dito ulit sa restaurant na ito at pwede bang isama mo si dave" bakit kaya? Nanatili lang akong tahimik "Matagal-tagal na din kasi simula nong makausap ko ng maayos si dave." Ngumuti ng mapait si tito teodoro naalala kong mayroon nga palang itinatagong sama ng loob si dave sa kanyang papa."Nagbabakasakali lang naman ako na baka kapag ikaw ang kumumbinsi sa kanyan na kausapin ako ay pumayag siya" naghihintay siya ng sagot mula sa akin....

"Oo naman po, Sige po ako na po ang bahala"

"Maraming Salamat Erika"

Itinuloy na namin ang pagkain at ng matapos kami ay Inihatid ako Ng papa ni dave sa Apartment.

Napatingin na lang ako sa papalayong kotse Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na Nakita, Nakausap at Nakilala ko ang papa ni dave ngayon araw.











30 DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora