Day 4

930 22 1
                                    

ERICA'S POV

Hindi ko alam kung bakit pero exited ako mag uwian ngayong araw. Siguro dahil alam ko sa sarili kong may naghihintay sa sakin. Sa loob ng dalawang taong pamamalagi ko dito sa school,ngayon lang may maghahantay sa akin sa labas.

Humakbang na ako palabas ng pinto, tumingin ako sa direksyon kung saan ko unang nakita ang lalaking iyon. Pero wala sya doon, ilang sandali pa ay nag hantay ako, lumingon lingon sa paligid pero wala naman siya, kaya napag desisyunan ko nalang na magsimulang mag lakad dahil umuunti na ang tao sa paligid, pero nakakaisang hakbang palang ako mayroon ng kamay na nakahawak sa braso ko na parang pinipigilan nya akong umalis.

Lilingunin ko na sana sya at sasabihing bitawan nya ako pero bigla syang nagsalita

"Na late ako" hala sya to, yung lalaki, kala ko hindi na sya dadating.
Binitawan nya na ang braso ko at ako namay humarap.

"Okay lang naman, diba sabi ko nga sayo hindi mo na kailangang bumawi. Sige una na ako." We? Pero kanina lang exited ka?. Binitawan na nya ang braso ko at humarap sakin, pawis na pawis sya, at hinihingal. Saan kaya galing to?.

Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing"Tara na." Parikaramdam ko ay kinuryente ang buong katawan ko dahil sa pag hawak mya.

Nakalabas na kami sa gate ng paaralan pero wala paring umiimik sa aming dalawa. Walang nangangahas na simulan ang pag-uusap. Walang sumusubok na mag sali---

"Naghintay kaba sa akin kanina" buti naman at nauna na syang mag salita. Kasi di talaga ako mag sasalita hanggat hindi mo uunahan.

"Hindi naman, kakalabas ko lang ng room nong makita mo ako" yun ang isinagot ko, mamaya sabihin ko na naghintay ako sa kanya, edi malalaman nya na exited ako.

"Ahhh ganon ba, paano kasi yung teacher ko sa last subject pinag linis ako ng buong room kasi bags--- ahh! Nakatulog ako sa klase nya, oo yun hehe." Para syang nahihiya na ewan.

"Ahhh" sabi ko habang tumatango-tango.

"Saan mo pala gustong kumain?" Tanong nya sa akin.

"Kahit saan" mabilis na sagot ko

...
...
...

"Bakit dito?" Tanong ko ng makaupo kami sa isang restaurant na malapit sa school.

"Sabi mo kahit saan, so yeah dito nalang." Sagot nya na para bang normal lang sa kanya na kumain sa ganito kagandang restaurant.

"Ang mamahal ng pagkain dito."  Kinunutan ko sya ng nuo.

"Don't you worry Erika, ako naman ang manlilibre." Sabi nya sabay kindat sa akin at umalis. Shit! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng one hundread kilometer. Bakit ba kasi may pa-kindat pa yung lalaking yun.
Ilang sandali pa'y nakabalik na sya, saan kaya galing to?

"So, this is what i always do when i've done something bad about others, i treat them, because i don't do apology." okay, halata nga e, hindi pa sya nag so-sorry sa akin dun sa nangyare pero oks lang napatawad ko na sya dahil isa yung aksidente. Hindi naman nya sinasadya.

"It's okay, ayos lang yon" sabay ngiti.

"Because i rather Do than Say." Tumingin sya sa mga mata ko, at nakita ko ang mga mata nyang nanghihingi nang tawad.

Our eye's says what our mouth can't.

Naka tingin lang ako sa mga mata nya at tumingin din sya sa mga mata ko, ang sandaling pagtingin ay nauwi sa malalim naming pag titigan.

Yung pakiramdam na parang kayo lang dalawa ang tao sa buong restaurant,Yung wala ka nang ibang marinig kundi pagtibok ng puso mo, Yung atensyon mo na nasa kanya lang. Nakita kong bumukas ang labi nya na parang may sasabihin pero maputol ito nang may ibang taong lumapit sa mesa namin.

"Erika---"

"Good evening Ma'am, Sir. This is your order. Have a wonderful dinner." Nilapag ng waiter ang pagkain, tumango at umalis na. Ahhh mag order pala sya kanina nung umalis sya.

Ilang sandali pa nagtama ulit ang mga mata namin at Nagsimula na kaming kumain

...
...
...

"Saan ka nakatira?" Tanong nya nang nakalabas kami sa restaurant, bakit naman kaya nya na tanong?

"Malapit lang naman"

"Ihahatid na kita" sabi nya at tiningnan ako habang naglalakad kami.

Nilingon ko siya "Hindi na, Malapit lang naman kaya maglalakad lang ako."

"I don't accept 'No'. Gabi na, hindi ko naman ata hahayaang umuwi mag-isa ang babaeng kagaya mo" sabi nya sabay kindat nanaman sa akin, shit naman o wala na ba talagang ibang alam gawin tong lalaking to kundi kumindat ng kumindat sakin?. At saka anong sinasabi nya dyang "babaeng kagaya ko?"

"Anong pinagsasabi mo dyan? E araw-araw mag-isa akong umuuwi." Tatawa-tawang sagot ko sa kanya. Nangunot ang mga nuo nya?

"Really wala kang kasabay?"

"Wala" mabilis kong sagot.

"Buti walang nangyayareng masama sayo, laganap pa naman ngayon ang masasamang gawain ng ibang lalaki dyan." Nag-iba ang tono ng boses nya, para syang nag aalala na ewan.

"Wala naman, besides i can handle myself, baka nag-aral ako ng taekwondo" pagmamalaki ko sa sarili ko, pero totoo naman kasi if ever na pagtangkaan ako ng kung sino man dyan, i can protect myself i can fight for myself kaya nga tiwala si papa na payagan ako dito sa maynila dahil alam nya na i'm independent.

"Wow. Just WoW. But again i don't Accept NO for an answer." Sabi nya na may pa fake smile. Hay nako ang kulit talaga...

It takes 10 minutes walking from the resto to the apartment of my auntie where i live at. Now we're here in Front of the gate of the apartment.

"I have a great night, thank you Ms. Villanes." Sabi nya ng makarating na kami sa gate ng apartment.

"Same here, Thank you din. Bye." at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti habang kumakaway, sya naman tumalikod ay nagsimula ng maglakad. Nasa may kalayuan na sya, sa may palikong daan ng may naalala akong itanong. Kaya sumigaw ako.

"Heeeey!!!!!" Sigaw ko sa kanya at agad naman nya sigurong narinig dahil lumingon sya.

"Whaaaat?" Tanong nya ng lumingon sya at huminto sa paglalakad, sumigaw nadin sya dahil malayo-layo na sya. Tinatamad na sigurong maglakad pabalik.

"Anooo palaaang pangalaaan moooo?"
Sigaw ko ulit pabalik. Nakakatawa lang isipin dahil kanina ko pa sya kausap at kasama pero hindi ko man lang alam ang pangalan nya. Tumawa sya ng malakas at narinig ko iyon.

"Dave Canellas!"











30 DaysKde žijí příběhy. Začni objevovat