Day 9

719 16 0
                                    

ERICA'S POV

Andito ako ngayon sa tapat ng room namin dahil uwian na. Hinahantay ko lang si dave para sabay na kami at may lesson pa akong i rereview sa kanya.

Bakit kaya ganon yung naramdaman ko kahapon nung nakita kong magkausap si Tina at si Dave. Nakita ko kasi si Tina na maganda ang mga ngiti sa labi pero si Dave nakatalikod sa akin kaya hindi ko nakita kung anong itsura nya habang kausap si tina. Pero sa ekspresyon ng mukha ni tina parang may sinasabing nakakakilig si dave sa kanya para ngumiti sya ng ganon.

Kahapon magkasabay kami nang break time, bakit kaya ganon nung kasabay ko sya grabe makatingin sa akin yung nga coloring girls dito sa school, yung coloring girls sila yung grupo ng mga babae na sobra kung maka make-up yung tipong parang coloring books na yung mga mukha nila.

Kanina naman pag pasok ng room ang sama ng tingin sa akin ng mga kaibigan ni tina. Hay ewan ko ba sa mundo, kung galit sa akin si tina mas galit ako sa kanya.

"Arrrrghhhh" galit na nahampas ko yung kamay na humawak sa akin, duon ko nabaling lahat ng galit ko, alam kong malakas iyon at narinig ko ang pag-aray, kaya nilingon ko ang may-ari ng kamay na iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si dave yun.

"Ouch!" Sabi ni dave habang hinihipan at hinahaplos ang kanyang kamay.

"Soooorrryyy!" Nakangiwing sabi ko sabay haplos haplos na din sa kamay nyang namumula halata yung pamumula dahil sa maputi nyang balat. Napalakas talaga ata yung paghampas ko sa kanya.
"Sorryyy talaga nagulat lang kasi ako" sya'y wala pa ring imik, kaya lumapit pa ako sa kanya, hinahaplos ang kamay nya at ang kanang kamay nyang iyon ay kinulong ko gamit ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong parang natigilan sya at nakatitig nalang sya sa akin habang ginagawa ko iyon. Ano bang nangyayare sa lalaking to?
"Dave?Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, kaya binitawan ko na ang kamay nya. Tinaas ko ang kamay ko at iwinagayway sa tapat ng mukha nya at duon na sya napa kurap-kurap.

"Ah- o-oo o-okay lang ako" nauutal nyang sabi.

"Bakit ka ba kasi nang gugulat?"

"Ayy hehe di ko naman alam na magugulatin ka"

"O tara na?" Pag-aaya ko sa kanya at duon na kami nag simulang maglakad, Pero nakakailang habang palang kami may tatlong babae ang humarang samin. Oh! Tina and the company.

"Hey what's up my cutie little suitor" Tawag ni tina kay Dave, i felt like i'm out of place. Feeling ko di ako nag
e-exist kasi ang atensyon nila ay naka Dave lang.

"I'm not you're suitor anymore" depensa naman ni dave pumapalakpak yung tenga ko dahil sa narinig ko.

"Why? Because of this little bitch beside you?" Dito naman nag init ang ulo ko, napansin na nila ako. Grrr... sasabihin ko na sanang kung may problema silang dalawa wag nila akong idamay pero natigil ng mag salita si Dave.

"Don't call her bitch, you bitch" doon ko na tinangala si Dave, nagliliyab naman sa inis si tina pero pinipigilan nya iyon.

"Why? Is she your new girlfriend"
Sabi ni tina at bigla naman akong hinawakan ni dave sa pulso.

"Kaibigan ko si Erika at tina may i remind you na i'm not your suitor kaya tigilan mo yung pagiging 'papansin' mo." matigas na tinig ni dave at hinili ako palabas ng school.

Nakarating na kami ni Dave sa bahay nila, Nakatapos na kaming mag-aral at ngayon ay ihahatid nya na ako pauwe, pero di padin namin napag-uusapan yung nangyare don sa school.

"Wag mo nang isipin yun, Ganon lang talaga yung si Tina." Nagsalita na si dave siguro ay hindina nakatiis.

Pero hindi naman ako nagagalit sa sinabi ni tina na 'bitch' daw ako, nasaktan ako sa sinabi ni dave na magkaibigan daw kami?
Shit naman! Anong nangyayare sa akin? Bat ako nasaktan don? E totoo naman na magkaibigan lang kami.

"Hindi, wala yun di ko naman yun iniisip, napagod lang talaga ako kanina sa school ang dami kasing ginawa e" pag sisinungaling ko, aba! alangan naman sabihing ko yung totong naguguluhan ang damdamin ko.

"Nililigawan ko sya pero dati yun, i just realize na she's a bitch." Pag ku kwento ni dave.

"Yep i know, i saw you one time giving her a flower and she throw it like a trash. She's a real Bitch." napatango-tango lang si dave ng may kasammang ngisi sa labi.

"But i don't care anymore." Sabi nya.

"She doesn't deserve you." Pag
bu-boost up ko ng self steem nya.

"Yeah i see" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko, para akong na hi hypnotise, parang ayun yung nag tulak sakin para sabihin kung ano yung nararamdaman ko.

"D-dave nasasaktan ako"sabi ko habang magkatinginan padin kami.

"Bakit?"

"Hindi ko din alam e, pero kapag nalaman ko na kung bakit, umasa kang ikaw ang unang makaka-alam." Sabi ko sa kanya wala akong natanggap na kung anong sagot kundi ang isang pag-yakap.

Niyakap ako ni Dave! Pakiramdam ko lahat ng lungkot, galit at sakit na nararamdaman ko ay nag halo ng parang isang bula.

Parang isa lang iyong lapis na maaring burahin ng pambura.

30 DaysWhere stories live. Discover now