Day 15

571 15 0
                                    

DAVE'S POV

Ano nga ba kami?

tanong ko nanaman sa sarili ko, Dave! Dave! focus nag-tetest ka. Grabe hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, hindi ako ganito. Kahit mag-isa lang ako Hindi ko naman kinakausap yung sarili ko. Andami na talagang nagbago sa akin simula nong nakilala ko si Erika, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na nakapasok ulit ako nang simbahan.

Tumingin ako sa relo ko 4:30

Si Erika na ang Pinakamagandang babaeng nakilala ko, hindi lang dahil sa panlabas na ka ayuan kundi pati na rin sa panloob. Sa Kabutihan ng puso nya, Mapagmahal sa pamilya at matulungin, handang suklian ang pag hihirap ng magulang nya. I see her as a Brave too, dahil kinaya nyang malayo sa pamilya nya para sa pangarap nya.

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko para kay Erika, I've never feel it before. Hindi ko alam kung ano to? Siguro it is just Simple Attraction? oo, siguro ganun nga lang. Pero syempre hindi ko yun sasabihin sa kanya, dahil sapat na sa akin na ganito nalang kami.

Hindi ko napansin na ngumingiti na pala ako dito na parang tanga, kaya lumingon nalang ako sa bintana para walang makapansin, kitang-kita ko mula dito ang kabuuan ng paaralan, ang sarap sa tenga ng katahimikan. Pinagmasdan ko din ang Kagandahan ng Paglubog ng araw.

ERICA'S POV

What are we?

Ano ba tayo?

What are we?

Ano ba tayo?

Urghhhh nakakainis!!!!! Hindi ako makapag focus sa papel na sinasagutan ko ngayon dahil yung sinabi ni dave ay paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko. Ni hindi nga ako nakapag eview kagabi e dahil ito na lang nasa utak ko.

Tumingin ako sa relo ko 4:30

Bakit naman kasi nagtatanong sya nang ganoon sa akin? maski ako ay hindi rin alam kung ano nga ba kami? maybe we are Friends? oo friends lang kami nun ni dave. kailangan ba talaga kasing tanungin? hindi man ako naka sagot sa kanya kahapon kaya sabi nya "sige,wag mo ng isipin yung tanong ko" pero hindi e, andito parin sa utak ko.

Napatanong Din naman ako sa sarili ko kung ano ba talagang meron sa aming dalawa? Kasi ako may kakaiba akong nararamdaman e, hindi ko lang alam kung ano yun? Kasi bago ako sa pakiramdam na ganito, siguro gusto ko sya? oo, siguro ganun na nga. pero syempre di ko sasabihin sa kanya. Okay na ako sa ganito nalang kami.

Iniisip ko kung magkikita pa ba kami? kasi tapos na yung deal namin, Natulungan ko na sya at natulungan nya na din ako, iniisip ko kung hanggang doon nalang ba ang pagkikita namin? siguradong mami-miss ko siya.

Pero masaya talaga ako na nakilala ko si Dave, dahil napaka buti nyang tao. Masaya ako dahil simula ng makilala ko sya may nakakasama na ako dito, may naging kaibigan ako, may naka-usap, may nakakuwentuhan, at may tumulong sa akin, kaya laking pasalamat ko talaga kay dave. Ang cute ni dave Lalo na kapag ngumingiti sya.

Hindi ko namalayan na na ngumingiti na pala ako mag-isa dito, kaya lumingon nalang ako sa bintana para walang makahalata sa akin. Nilingon ko ang kabuuan ng ng campus, dahil kitang kita iyon dito sa puwesto ko. Tiningnan ko ng maigi ang papalubog na araw napakaganda non sa paningin ko.










30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon