"Mabuti may dala kang gamot palagi" kinuha naman ni Kate yung natitirang gamot ko at inilagay sa bag pero napatigil sya ng makita ang isang papel sa bag ko.

I swallowed as she bring it out and read it.

"Transferred form?" Nagtatakang saad nya at tumingin sakin.

"Uh Kate.."

"Bakit may transferred form ka? At approved na 'to? Ito ba yung inaasikaso mo sa school?" Sunod sunod na tanong ni Kate.

"Lilipat kana ng school Loui?" Tanong din ni Cooper.

Napatungo nalang ako, wala narin naman akong magagawa pa. Nalaman na nila at nakita na nila yung form ko.

"Bakit? Bakit ka aalis? A..ayaw mo na ba sa school?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Kate.

"Sorry Kate..." napatingin nalang ako sa sahig.

"Dahil ba sa mga nangyari nung nakaraan? Dahil kay Sierra? Loui sabihin mo kung bakit" Malapit na maluha si Kate pero pilit nya yung pinipigilan.

"Kung tungkol 'to sa name mo, kaya namin ayusin yun, sorry kung nanahimik kami tungkol dun. Hindi mo kailangan umalis Loui" saad ni Axel.

"We're sorry Lou, nakakahiya dahil wala manlang kaming ginawa para protektahan ang pangalan mo. Pasensya na sa mga nangyari. Wala manlang kaming nagawang maganda para sayo, hindi namin naisip ang mararamdaman mo sa mga nangyari. Sana wag kang umalis, bigyan mo kami ng pagkakataon makabawi"ani Cooper.

"She's a forgiving person. Napatawad na nya kayo, pero hindi ibig sabihin nun na hindi parin sya nasasaktan hanggang ngayon. Everyone is moved on pero sya hindi pa. Just let her leave guys, this is for her own good"saad ni Monchi.

"This is all your fault" inis na sabi ni Kate at tumingin kina Axel at Cooper.

"Kayong mga Lovesickers! Dahil sa walang hiyang deal nyo hindi masasaktan ng ganito si Loui!!" Napatayo si Kate dinuro sila.

"Kate.. calm down"wika ni Axel..

"Calm down?! Pano ako kakalma?! Aalis na yung taong tinuturing ko ng bestfriend! At kasalanan nyo lahat 'to! lalo na si Zach!" Napaiyak na si Kate sa harap namin.

"Kate..." tinawag ko si Kate dahil baka may masabi pa syang iba. I need to calm her down.

"Kate.. aayusin namin yung tungkol sa pangalan nya—"Axel

"Sa tingin mo ba yun lang ang dahilan niya para umalis? Napakamanhid nyo kasing lahat!! Kung hindi nyo pinalapit si Zach sa kanya dahil sa walang kwentang deal na yan hindi 'to mangyayari!!"

"Kate stop.." I tried to stop her pero hindi nya ako pinapansin.

Namumula na ang mukha nya sa inis at galit. Her fists are also clenching in anger, wala parin tigil sa pagluha ang mga mata nya.

"Matagal na syang nasasaktan!! Hindi lang dahil sa pagkawala ng pangalan nya kundi dahil din kay Zach!!"

Napatigil ako ng pumasok si Caspian. He stop as he saw Kate clenching in anger. Lalo akong kinabahan dahil baka kung ano pang masabi ni Kate na ayokong mangyari.

"Kate tama na please.."pakiusap ko pero hindi parin sya nagpatinag.

"Mahal na nya si Zach!! Pero pinili nya yung itago dahil kay Sierra!! Pinili nyang masaktan ng palihim para wala ng gulo!!"

Nagulat si Caspian at napatingin sakin, I avoided his gaze and clench my fist.

"Please tama na.."

"Napaka insensitive nyong apat!! Hindi nyo manlang naisip na baka ma fall si Loui kay Zach bago nyo gawin yang deal na yan!! At ngayon nagtagumpay kayo ha?! Masaya na kayo na nasasaktan sya?! Masaya na kayo na aalis na sya?!—"

✔She WritesWhere stories live. Discover now