"Loui.. you can't just enter that room" pinigilan ako ni Jared ng bubuksan ko sana ang pinto.

Napatigil naman ako. Jared's right, pero gusto kong magpaliwanag kay Caspian, hindi ko kayang magalit sya sakin, hindi ko kayang tignan nya ako ng ganun kasama, hindi kaya ng puso ko na kamuhian ng taong mahal nya.

Sumilip ako sa bintana ng pinto, I stunned when I saw Caspian hugging Sierra tightly. Gising na si Sierra at may benda sa ulo. Nakayakap rin si Sierra sa kanya at tila parang umiiyak.

"Loui.." nagulat ako ng punasan ni Jared ang pisngi ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Pakiramdam ko kasi manhid na ako, masakit pero hindi ko na maramdaman.

"I think you can't go inside"bulong nya sakin.

"Look how good they are as a couple"malungkot kong saad may Jared. "Do you think... he really loves her? Do you think... that girl can be me?" Tanong ko kay Jared.

He look at me sadly, like he's giving me an empathy. Muli nyang pinunasan ang pisngi ko at hinawi ang buhok ko papunta sa gilid ng tenga ko.

"I think...... you are in so much pain right now" yan ang sagot nya sakin.

Napatingin ako sa sahig, tumulo tuloy ng sunod sunod ang mga luha ko sa sahig.

"Sa tingin mo ba may hangganan ang sakit na 'to Jared?" Hindi nya ako sinagot, imbes ay hinila niya ako palabas ng ospital at dinala sa parking lot. Wala paring tigil ang pag iyak ko.

"Get in. You better go home"aniya at binuksan ang pinto.

I didn't respond. Sa totoo lang ay napakalaking abala ko na kay Jared, palagi syang sumusulpot at tinutulungan ako sa mga oras na hindi ko inaasahan.

Narinig ko ang marahas nyang pagbuntong hininga.

"Hanggang kailan ka ba iiyak? Hindi ka ba nagsasawa? Palagi ka nalang umiiyak sa iisang lalaki!"inis na sabi nya.

"Sa tingin mo ba ang tanga tanga ko na dahil palagi akong umiiyak para sa kanya?"

"Ang tanga mo kasi pinagpapatuloy mo pa ang nararamdaman mo sa taong may iba namang mahal"

"Masama bang magmahal? Masama bang subukan ko na magustuhan nya rin ako?" Emosyonal kong saad.

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Walang masama sa pagmamahal. Pero ang tanga mo na kasi Loui! Sya lang ba ang lalaki sa mundo? Sya lang ba yung pwede mong mahalin?"

"Ikaw? Pwede ka ba?" Wala na ako sa wisyo para mag isip. Kung ano ano ng nasasabi ko.

Hindi ko na maintindihan kung anong tumatakbo sa utak ko, mas nananaig kasi ang sakit sa puso ko ngayon.

"H..huh?" Gulat nyang wika.

"Pwede ka bang mahalin? Pwede bang ikaw nalang?"

"Loui you need to go home—"

I cup his face and kiss him before he finish his sentence. Yumakap ako sa leeg nya at pumikit, nagbabakasakali na makalimutan ko ang nararamdaman ko kay Caspian at mawala ang sakit sa puso ko.

Hindi naman gumagalaw si Jared, mukhang gulat pa sya sa ginagawa ko. Umiiyak ako habang hinahalikan sya, sa bawat paggalaw ng labi ko ay kumikirot ang puso ko.

"Loui stop" Tinulak ako ng mahina ni Jared, nakatingin sya sa gilid kaya napatingin rin ako.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Caspian, nakaawang ang bibig nya at tila gulat ang ekspresyon.

✔She Writesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن