Ilang segundo kong tinignan ang pangalan nya bago iyon sagutin.

"H..hello?"

°"Hey Altair"

Bakas sa boses nya ang kakaibang pagkailang, para bang nahihiya sya.

°"M..manonood ka ba samin?"

"Uhm kasi...."

°"Manood ka please? Diba sabi ko naman sayo na ikaw ang importanteng tao-"

"O..oo na" pinutol ko na ang sasabihin nya.

Hulog na hulog na ako sa mga salita nya. Ayoko ng paasahin na naman ang sarili ko.

°"Great! May reserved seat ka sa harap, dun ka umupo ha?"

"Mmm.. sure"sagot ko nalang.

Ilang segundo kaming walang kibo. Nakaramdam ako ng awkwardness, and I don't know why pero sa simpleng sitwasyon na ganito ay hindi ko parin maiwasang masaktan, kapag naririnig ko ang boses nya lalo na pag nakita ko sya. Feeling ko sa bawat pagkrus namin ngayon ay puro sakit na ang dala nya sakin.

"Uh..sige ibababa ko na-"

°"A..are you busy? Am I bothering you?"tanong niya.

"Ah..eh..h..hindi, wala na kasi akong sasabihin"sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. And that makes my heart pound, even his simple laugh can make me insane.

°"Hindi ka naman busy, usap muna tayo please..?"

"Uhm.. a..anong pag uusapan natin?"

°"Anything?What are you doing now? Nakauwi kana ba?"casual nyang tanong.

Napapikit ako at marahang bumuntong hininga.
Pa fall talaga ang g*go.

"Nakahiga lang nagpapahinga, oo nakauwi na ako"

°"Kumain kana ba? Baka mag cup noodles ka na naman, wag mong sanayin ang sarili mo sa ganun"

"Ah hindi pa, Caspian hindi ka ba busy? Diba dapat naghahanda kana para sa performance nyo mamaya?"

°"Nope-"

°"Hoy Zach, magbihis kana daw sabi ni Kurt. Sino bang kausap mo?"

°"Oo wait lang-hello?"

"Magbihis kana"saad ko.

°"Mamaya na, usap muna tayo, miss ko na boses mo"

Hindi naman ako nakasagot. His voice makes makes my heart to skip. Ewan ko kung sinasadya nya ba o hindi pero hindi ako natutuwa sa mga sinasabi nya ngayon-dahil aaminin ko, kinikilig parin ako-but I hate it! Dahil umaasa na naman ako!

"Caspian, I'll hang up. Papakainin ko pa si Lucky"

°"You can feed him without hanging up right? Wag mo ibaba Al.." I imagine him saying this while pouting.

At naiinis ako dahil nagtatalo ang isip at puso ko sa kilig na nararamdaman ko ngayon.

The heck Caspian, can you please stop doing this to me?

"Busy ba si Sierra kaya ako ang ginugulo mo ngayon?" Di ko maiwasang mainis sa tono ko.

°"Ginugulo agad? Am I really annoying you?"

"Psh. Caspian dapat nag iintindi ka para mamaya"

°"I can perform well basta nandun ka. Anyway, mamaya pagkatapos ng performance sama ka sa hang out ah? May reserved resto para samin"

✔She WritesWhere stories live. Discover now