Pagkabalik nya ay may dala na syang delight. Eto yung palagi kong iniinom sa school. Sya na ang naglagay ng straw at binigay sakin.

"I think I am rude earlier, kaya binilihan kita"

"Ah suhol?"taas kilay kong saad.

Napakamot naman sya ng ulo at nahihiyang ngumiti.

"I know you like that drink"he said.

"Thanks"

Nagpatuloy kami sa biyahe, nakangiti ako habang nakatingin sa bintana at sumisipsip ng delight ko. I'm just happy yet nervous, pano kung mabasa na nya ang love letter ko? Ano kayang magiging reaksyon nya?

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ng nakatigil ang sasakyan. Tinignan ko sya ngunit ngayon ko lang napansin na kanina pa sya nakatingin sakin.

"Iniisip mo ko no?"aniya ng may ngisi.

"D..dito na ako"saad ko.

"Wait" hinawakan nya bigla ang braso ko bago pa ako makababa sa kotse.

"W..what do you feel about Damon now? May gusto ka pa ba sa kanya?"tanong nya.

Ngumiti naman ako, hindi ko alam kung bakit yun ang naging reaksyon ko. Siguro narealize ko lang, na sa lahat ng lalaking nakilala ko, hindi lang si Damon ang pinaka manhid-kundi si Caspian.

"Hindi naman importante ang feelings ko. Ang mahalaga... okay na kami"sabi ko at ngumiti.

Hindi na mahalaga kung anong nararamdaman ko, basta okay tayo Caspian.

Nag alangan ako ngunit lumapit parin ako sa kanya at hinalikan sya ng marahan.

Tumugon sya ngunit humiwalay agad ako matapos ang ilang segundo. Napakagat sya ng labi, tila bakas sa mukha nya ang pagkabitin.

"Sige na, ba-bye" tumalikod na ako para buksan ang pinto ngunit hinila nya ulit ako sa braso.

"I'll drive you home later. Hintayin mo ko dito mismo, understand?"

Tumungo tungo nalang ako. Tuluyan na akong bumaba at kumaway nalang habang paalis ang kotse ni Caspian.

"How sweet huh?"

Nagulat ako ng sumulpot sa likod ko si Courtney. Nakataas ang kilay nya sakin at dahan-dahan akong inikutan.

"I really don't know kung anong nakita sayo ni Caspian, we're the same lang naman ah? Maganda ka, maganda rin ako. Pero anong meron ka na wala ako?!" Nagpipigil ang inis nya.

Bumuntong hininga ako at tinignan si Courtney.

"Alam mo Court? Hindi ako ang dapat mong pagselosan"

"Sino naman kung ganon?" Tumigil sya at tinaasan ako ng kilay.

"Ang taong mahal nya"

Kumunot ang noo nya sakin, tila nagtataka sa sinabi ko.

"Huh? Hindi ba ikaw yun?"

"Sana nga ako nalang yun" ani ko at nilagpasan sya.

"Wait! Wait! Wait! I don't get your point! Ibig sabihin, bukod sayo may iba pa akong karibal?" Sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Oo, alam mo kasi sa totoo lang marami ka naman talagang karibal pag nagustuhan mo si Caspian, marami syang fans eh"

"Argh! I don't want that! Kalabanin ka nga hirap na ako eh! Tapos dadagdag pa sila?! Help me Loui! help me get rid of them!"

Nagulat ako ng kumapit sya sa braso ko at nagpuppy eyes.

"S..seryoso ka? Diba karibal din ang tingin mo sakin?"

✔She WritesWhere stories live. Discover now