"Are you thinking of yourself Altair? Bakit pinapabayaan mo ang sarili mo?" Seryoso ang mga mukha nyang nakatingin sakin. At sa tono ng boses nya ay nagagalit sya sakin.

"Kate told me you ditched class! Tinawagan kita ng ilang beses pero hindi ka sumasagot! Hinanap na kita kung saan saan! Alam mo ba kung gaano ako nag aalala sayo?!" Napataas ang boses nya sakin. Pero bakas sa mukha nya ang pag aalala na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi.

A tear fell to my cheek. Ewan ko, napakahina ko ngayon, I am so much weak and emotional.

"S..sorry" yan nalang ang nasabi ko.

"Bakit ka umiiyak? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka may sakit ngayon, nagbabad ka sa ulan at hindi ka manlang nagpalit? Ano sa tingin mo ang aabutin mo ha?"

Hindi na ako sumagot. I just can't believe him to be like this, na kaya nyang umakto ng ganito kahit alam kong from the very start I am just nothing for him. Kumbaga isa lang akong instrumento para makipagbalikan sa kanya si Sierra.

Pagkatapos ng mga nasaksihan ko kahapon? Hindi ko na alam kung ano ang totoo o hindi kay Caspian. Kung totoo bang nag aalala sya sakin o hindi.

"I cooked soup for you. Humigop ka ng sabaw para mapawisan ka"

Narinig ko sya pero hindi ako gumalaw. I am tired and exhausted. Ayokong gumalaw ng gumalaw.

"Altair, I said-"

"Mamaya na, gusto ko pang magpahinga"pagputol ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman sya at umupo sa kama.

"No. Lalamig yung soup"aniya at pilit akong pinabangon.

Nakaya naman nya ako paupuin at ipasandal sa headboard.

"Huwag ng matigas ang ulo pwede? Look how pale you are, and you're still burning! Humigop ka kahit kaunti"

Sinubuan naman nya ako, hinipan nya muna ng kaunti bago isubo sakin. Hindi na ako nagreklamo at humigop nalang ng sabaw.

Nakatitig lang ako kay Caspian habang sinusubuan ako, sya naman ay tutok sa paghigop ko ng sabaw.

"Who dressed me?" Malamyang tanong ko.

"Sino pa ba?"seryoso nyang saad at tinaasan pa ako ng kilay.

"What?!" Napatakip ako sa sarili ko dahil sa sinabi nya.

Natawa naman sya ng mahina at umiling iling.

"Si manang Esme, nagpatulong ako"aniya.

Nakahinga naman ako ng maluwag at bahagya syang sinamaan ng tingin. Nagawa nya pang magbiro? Napangisi sya at muli akong sinubuan.

"Bakit ka nagcutting ha? At sumugod ka pa sa ulan. What's wrong with you? Hindi mo ba iniisip ang health mo?" Balik na naman sya sa pagiging masungit.

"Ano namang pake mo" malamya ang boses ko kaya hindi nahalata ang galit at inis sa boses ko.

"Anong pake ko? Excuse me? I am your boyfriend, ano ako display lang? syempre mag aalala ako sayo"inis nyang saad.

Napatitig ako sa kanya. I don't know why but his acts are too real. And honestly, I believe that he really do care.

Pero bakit ang sakit parin? Ang sakit parin na ganito ang inaasal nya? Umaasa kasi ako na kahit konti ay pwede nya akong magustuhan kahit malinaw na si Sierra ang mahal nya.

"N..nakalimutan kong pakainin si Lucky, kaya umuwi ako at hindi na pumasok dahil late narin ako, that's what happened"pagsisinungaling ko.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Binaba nya ang bowl sa mesa at pinunasan ang bibig ko gamit ang towel.

✔She WritesWhere stories live. Discover now