"Mukhang kailangan mo ng magsuot ng disguise" biro ko.

"I am actually thinking about that"

Pareho kaming natawa at lumabas ng mcdo. Tinake out nalang namin yung foods at kinain nalang namin sa room. Kami lang dalawa ang nandoon, nagkwentuhan lang kaming dalawa habang kumakain tulad ng nakasanayan ng biglang tumunog ang cellphone nya.

May tumatawag na unknown number. Pero grabe lang ang pagtitig ni Caspian sa screen nya, para bang gulat na gulat sya dahil sa numerong tumatawag sa kanya.

"Hindi mo ba sasagutin?"tanong ko.

Ilang segundo na kasi syang nakatitig sa screen.

"Uh.. sasagutin. Labas lang ako"tumayo sya at lumabas. Sinundan ko sya ng tingin.

Bakit naman sa labas pa? Unknown number naman yun diba? Kumain nalang ako ulit, inubos ko na yung fries dahil ang tagal tagal nyang bumalik.

Natapos na ang lunch ay hindi parin sya bumabalik, nagsisidatingan na ang mga kaklase ko. Si Kate ay bumalik sa pwesto nya at nakishare sa burger na kinakain ko.

"Sana isinama nyo nalang ako sa mcdo! Grabe iniiwan mo na talaga ako!"

"Kasama mo naman sina Axel eh, tsaka si Caspian ang nagyaya sakin"

"Psh! Che! Alam ko namang gusto mong masolo ang loveydoves mo"

"Baliw. Manahimik ka nga dyan"

"Asan nga pala si Zach?"

"Nasa labas, may tumawag sa kanya kanina eh"

"Ah"

Halos kumpleto na kami sa room, pumasok na ang teacher namin at kasunod nun si Caspian. Akala ko ay male-late pa sya. Sinundan ko sya ng tingin papunta sa desk nya, hindi nya ako napansin at tuloy tuloy lang. Medyo nadisappoint ako, well alam ko namang hindi nya yun sinadya.

Nakinig ako buong klase, pero kahit ganun ay hati parin ang atensyon ko-malamang kanino pa ba? Edi kay Caspian. Nakahalumbaba sya sa teacher na akala mo nakikinig pero alam ko at ramdam ko na lumilipad ang isip nya.

Nang mag uwian ay nakita kong mabilis na nagimpake ng gamit si Caspian. Tumayo sya ngunit napatigil ng madako ang tingin sakin.

"Uhm.."

"Ako na uuwing mag isa"sabi ko agad. Alam ko at pansin ko na kanina pa sya may iniisip at mukhang nagmamadali sya.

"Mukhang nagmamadali ka. Okay lang ako"saad ko at ngumiti.

Napangiti naman sya at ginulo ang buhok.

"I'll go first"aniya at umalis agad.

"Ba't nagmamadali yun?"takang tanong ni Kate.

"Ewan, baka may lakad"sabi ko at nagkibit balikat nalang.

Umuwi muna ako bago pumasok sa trabaho ko. Iniwanan ko muna kasi ng pagkain si Lucky bago umalis.

"Hi ate! Hihi!" Niyakap ako ni Olivia mula sa likod. Nako, excited na naman ang batang 'to.

"Pinansin ka na naman ng crush mo?"

"Well? Ako pa ba ate? Eh ang ganda ganda ko"wika nya at nagflip pa ng hair.

"Sabagay.."pagsangayon ko at ngumiti na parang natatawa.

"Asan pala si Kuya? Hindi ka nya hinatid?"

"Busy, may pinuntahan sya"tipid kong sagot.

"Saan naman yun? Psh, walang kwentang boyfriend, hindi ka manlang hinahatid?!"

✔She WritesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu