"Pero aminin mo, gusto mo si Zach no? Hindi ka iiyak kanina kung hindi" napaangat ulit ang tingin ko sa kanya.

"Sabing hindi nga, ang kulit mo"

"Then why are you crying earlier? C'mon Lou, nagseselos ka"

That thought make sense though. Bakit ba ako umiyak kanina? Ilang linggo na akong naguguluhan sa sarili ko, kung kakaiba ang mga nararamdaman ko sa tuwing malapit si Caspian. Hindi ko na naiintidihan ang mga nangyayari sakin.

"M..mukha ba talaga akong nagseselos?"

"Halatang halata kamo. Frowning all the time and crying? Obvious pa sa obvious"he said.

Napabuntong hininga naman ako.

"A..ang totoo nyan.. hindi ko narin naiintindihan ang nararamdaman ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero..."

"Pero..?"

"P..pero may matinding objection d..dito" napaturo ako sa dibdib ko, doon mismo sa puso ko.

"To your heart?"

Tumungo ako.

"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga nararamdaman ko. Sa totoo lang, nagkagusto na ako noon. Madalas akong mahiya sa taong gusto ko na si Damon at palagi akong masaya kapag kasama ko sya. S..Si Caspian naman.. madalas akong mainis sa kanya at palagi kaming nagtatalo pero sa kabila ng lahat ng yun... t..tumitindi parin ang pagtibok ng puso ko"

"Baka naman mahal mo na sya?"

"Ano!? Imposible yun! Sa maiksing panahon?! Hindi ako maniniwala"

"Why not? Actually the first time I saw Courtney I knew that I already love her"

"Corny and unbelievable"

"It's true! Bata pa kami noon alam kong mahal ko na sya at hanggang ngayon"

"Sigurado ka ba dyan? Baka puppy love lang?"

His eyes look at me boringly.

"Alam kong bata pa ako noon. But I know the difference between Love and puppy love. At tatagal ba tong feelings ko kung puppy love lang?" He's frowning at me. Pinigilan ko tuloy ang matawa.

"Oo na, hindi na puppy love"I surrendered.

"Whatever. At kung ako sayo, aminin mo na kay Zach ang feelings mo bago ka pa mahuli"

"S..sa tingin mo ba.. g..gusto ko na talaga sya?" Nanghina ang boses ko habang nagsasalita.

Hindi ko kasi alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin ako kumbinsido sa nararamdaman ko. Kahit alam ko na na may signs na akong nakikita na nagugustuhan ko na sya.

"Ikaw lang ang makakapagsabi nyan sa sarili mo. Pero sa nakikita ko, the way you react earlier? I think hindi lang pagkagusto ang nararamdaman mo. You're feeling more than that, maybe less than love but more than crush and infatuated"

Hindi naman ako nakasagot, nanatili akong nakatingin sa ibaba kung nasaan ang mga bisita.

Gusto ko na ba talaga sya? Kung tutuusin, wala ng epekto si Damon sakin ngayon. Pero si Caspian... lahat ng tungkol sa kanya may epekto na sakin. Palagi ko syang iniisip at masaya ako pagmalapit ako sa kanya.

And with that... I think that is enough to admit that.. that.. that... that I am really into him.

I like him. Yes, I like Caspian.

"I think the party is about to start"

Naantala ang malalim kong pag iisip ng magsalita si Jack. Pero hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga iniisip ko kanina. I just admit it already. Gusto ko na nga si Caspian.

✔She Writesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें