Kusang nagyukom ang mga kamay ko ng makita ko silang dalawa. Sirang sira na ang araw ko sa school, pati ba naman weekend?!

Sobrang sweet nila at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagseselos.

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan?! Masokista ka ba?! Magdrive kana!"inis na sabi ko.

Tumingin naman sya sakin at bigla syang ngumisi na ikinagtaka ko.

"Anong problema mo? Hindi ka brokenhearted?"

"Why would I waste my time hurting if I can get revenge to them?"

Bago pa ako makapagreact ay umandar ng mabilis ang sasakyan. Sinadya ni Caspian na dumaan sa gilid kung saan mabasa at winisikan sila ng napakaraming tubig!

"What the heck?!"

Napanganga ako sa ginawa nya habang sya ay nakangisi lang. Nilingon ko ang dalawa na ngayon ay naliligo na sa maruming tubig! Omg! Grabe si Caspian!

Sinadya ni Caspian na patigilin ang sasakyan para mahabol kami ng dalawa.

"Let's see how horrible their faces are"he chuckled.

Hindi nga nagkamali si Caspian dahil nilapitan kami ng dalawa. Kitang kita ang inis sa mukha nila. Hindi pa nila kami nakikita dahil tinted ang kotse.

Kinatok ni Sierra ang bintana sa tabi ko. Sinenyasan naman ako ni Caspian na buksan yun kaya sinunod ko naman.

"YOU-" magsasalita na sana sya ngunit hindi na nya naituloy ng nakita kaming dalawa.

"I'm so sorry for that. It's my fault, medyo bumilis yung takbo ko"pagpasensya ni Caspian pero mukhang plastik!

Adik talaga ang lalaking 'to! Ang sama! Haha!

"You did that on purpose do you?" Si Damon naman ang nagsalita.

Nakatingin sya sakin ng diretso na para bang ako ang may gawa nun sa kanila.

"Hey, walang kasalanan ang girlfriend ko sayo. I told you, it's just a mistake. Kung nagrereklamo kayo sa mga damit nyo. Here's the money. Buy new"hinagis ni Caspian ang ilang libo sa labas ng bintana at mabilis na pinaandar ang kotse.

Napanganga na naman ako sa ginawa nya. How harsh!

"How is that?" Nakangisi nyang tanong.

"Hoy! Grabe ka!" Hinampas ko sya sa braso pero tumawa lang sya dahil nagtagumpay ang plano nya.

"Ang sama nito! Kawawa naman yung dalawa!" Sabi ko pero natatawa din ako!

"Why? Naawa ba sila ng saktan nila tayo? Hindi diba?"rason nya at nagpatuloy lang sa pag d-drive.

Gusto kong maawa sa dalawang yun pero hindi ko parin maiwasang matawa! Pano kasi, ang ganda ganda na nga ng sweet moments nila tapos bigla... Pfft!! Epic!

"Ang pilyo mo! Pano kung sayo mangyari yun!?" Natatawa parin ako.

"And why would I let that happen?" Htinaasan nya ako ng kilay.
"Buti nga yun lang ang ginawa ko. Baka pag galit na ako, sagasaan ko na sila-Ouch!Hey! That hurts!"

"Wag ka nga mag isip ng ganyan! Baliw ka talaga, gusto mong maging kriminal?!"

"Of course I won't do that! I'm just thinking about that!"

"Kahit na! Psh! Overthinking ka"

"Overreacting ka naman"sagot nya.

Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako at biglang ginulo ang buhok ko.

✔She WritesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora