Para akong nakayakap sa kanya at sobrang lapit na naman namin sa isa't isa!

"Sexual harassment huh? Sinong niloko mo babe?" Anas nya malapit sa tenga ko.

Kinilabutan agad ako dahil sa pagtawag nya ng babe sakin. Bakit ang sexy nya magsalita?! Nang aakit na naman ba sya?!

"Bitawan mo ko kung hindi-"

"Kung hindi what? Kakasuhan mo ko ng sexual harassment?"he chuckled.

"At Abuse and Violence against women!!"

Lumobo ang bibig nya dahil sa pagpigil nya sa tawa nya tsaka umiling iling.

"You can't do that"

"At bakit naman hindi?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Because I have proof that you like what I did to you yesterday"

"Huh?"Napakunot ang noo ko sa kanya.

"I have camera inside my car. And it will clearly show that you really accepted my kiss and enjoyed it too. "

Napanganga ako sa sinabi nya. Camera?! May footage ang kissing scene na yun?!

"I..ikaw-"

"Yes that kiss has been recorded so don't bother do what you are thinking"ngumisi sya sakin.

Nagngitngit ang ipin ko sa inis. Pinagningkitan ko sya ng mata pero sinalo nya lang ang mga tingin ko ng may ngisi. Ang mga ngisi nya, nakakaasar talaga!!

"Nakakainis kaaa!!!" Tinulak ko sya ng malakas para makawala ako sa mga braso nya.

"I know, you're being red the whole time. You must be really mad" tawa sya ng tawa sakin.

Aba may gana pa syang pagtawanan ako?! Akala nya ba nakakatuwa?! Eh kung salpukin ko ang pagmumukha nya?!

"At sa tingin mo nakakatuwa yun?"seryoso na ako sa sinabi ko.

Napatigil naman sya sa pagtawa.

"Ano bang akala mo? Naglalaro ka lang? Alam kong flirt ka at normal na ang mga ganyang tactics mo sa iba't ibang mga babae! Pero sana naman wag mong gamitin yun sakin dahil hindi ako natutuwa!"

Hindi naman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin at mukhang naghihintay pa ng mga susunod ko pang sasabihin.

"Siguro para sayo normal lang ang salitang kiss, pero ako hindi!! okay!? Magkaiba tayo ng pananaw!l Caspian! Kung para sayo ang paghalik sa babae ay laro-laro lang, pwes para sakin ang paghalik ay ginagawa lang ng dalawang taong gusto o mahal ang isa't isa!!" Hindi parin mawala ang inis sa tono ng boses ko. Parang nakasigaw na tuloy ako.

Ilang segundo kaming natahimik pareho. Wala na akong sasabihin, samantalang sya ay nakatingin lang sakin at naging seryoso bigla.
Hindi ko mabasa ang nasa isip nya, mahirap din basahin ang mga expression nya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin. Napatingin nalang ako sa floor at kiniskis ang paa ko doon.

Magre-rebat ba sya? Ano na naman kayang pangontra ang sasabihin nya?

"Tara dito" nagulat ako ng hawakan nya ang pulsuhan ko at dinala sa gilid.

"Hoy! Bakit na naman ba?!"

Binitawan nya ako at binaba ang bag nya.

"Sit"

"Huh?"

"Sit!"

"Ano ako aso-"

"I said sit!"

Napaupo agad ako sa sahig dahil sa seryoso nyang mukha. Aba sya pa ang may ganang mang utos?! Baka nakakalimutan nyang sya ang may kasalanan sakin?!

Umupo din sya sa tabi ko at naghalungkat sa bag nya. Ilang sandali pa ay nilabas nya ang band aid na may frozen design na naman.

"Frozen na naman? Ang hilig mo talaga sa-"

"Don't move" Hinila nya na naman ako papalapit sa kanya at nilagay ang isang band aid sa leeg ko.

Hindi ako makagalaw sa ginagawa nya. Magkalapit na naman kasi kami. At kapag maliit lang ang distansya namin, ay may kung anong abnormalities ang nangyayari sa loob ng dibdib ko.

Medyo nakayuko sya para makita ang pasa sa leeg ko. Ramdam ko pa ang hininga nya malapit sa panga ko na lalong nagpapakaba sakin.

"K..kailan ba yan matatanggal?"medyo naiilang kong tanong.

"About 5 to 12 days"tipid nyang sagot.

"Almost two weeks?!" Tumingin ako sa kanya pero napatigil ako dahil ang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa.

Bumaba na naman ang tingin nya sa labi ko kaya mabilis akong umiwas at napakagat ng labi.

Hindi, hindi, hindi ako papayag na mangyari na naman yun! Ganito rin ang nangyari kahapon! Tinignan nya ako sa.... tapos biglang.... WAAHH!!

"B...b...bakit sobrang tagal?!" Pinilit kong balewalain ang pagka ilang ko sa kanya.

Easy lang Loui, basta wag ka lang magkamaling mapalapit sa kanya ulit.

"Because it takes time for the body to re-absorb and break down the trapped blood on your neck. I bit your neck too hard so maybe the damaged blood vessels leaked blood too much under your skin"

Tinignan ko ulit sya habang nagpipigil ng inis. Aba at nagawa nya pang ipaliwanag ang ginawa nyang kamanyakan sa leeg ko?! Nanggigigil talaga ako!

"Kasalanan mo 'to eh"magkadikit ang mga ngipin ko habang nagsasalita.

Konti nalang. Konting nalang talaga ang pasensya ko!

Bumuntong hininga naman sya at nilagay ang huling band aid sa leeg ko.

"You can put an ice pack over it para mabilis mawala. Or put some makeup to hide it"

Nagtagal ang tingin ko kay Caspian. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang mga panahong nahuhuli ko syang hinahalikan ang leeg ng mga babae nya. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko, Ilang babae na kaya ang na-markahan ni Caspian?

"About what you have said earlier..."nagsimula ulit syang magsalita.

"I know you got offended by that hickies. But I am still not sorry for what I did to you"

"Ano?"napakunot ang noo ko sa kanya.

"I am also not sorry for kissing you yesterday. I am actually looking forward for more kisses in the future"

"A..ano?" Lalo akong napakunot sa kanya.

Nagulat ako ng hawakan nya ang baba ko at tinapat sa mukha nya.

"And if you kiss me back again this time. I won't kiss anyone else anymore except you"

✴✴✴

To be continue...

✔She Writesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें