Day 1

4.1K 50 1
                                    

ERICA'S POV

And we dance all night to the best song ever
We knew every line now i can't remember
How it goes but i know that i wont forget her
Cause' we dance all night to the best song

Pag-iingay ng cellphone ko, nag-aalarm na dahil 5:30 na ng umaga at kailangan ko ng bumangon at  maghanda sa pagpasok sa school.

Bumangon ako at kusang naglakad ang mga paa ko papuntang kalendaryo. Ano bang araw ngayon?
Sa pagkakaalam ko First Monday of March ngayon. Oo, tama March 4 ngayong araw at last friday may nag announce sa amin na sa april 2 na raw ang Graduation Day namin.

Hindi ko na malayaan na tinuturo ko na ang mga numero sa kalendaryo at nagbibilang, huminto lang ako ng makarating na ako sa petsa ng graduation.

Gusto ko ng mag kape kaya umalis na ako sa harap ng kalendaryo at pumunta sa maliit na kusina ng apartment na tinitirahan ko ngayon.

"30 days. 30 days nalang at makaka graduate nadin nang senior high. Malapit na ako sa pangarap ko. Makakatulong na din ako sa pamilya ko." Pagka-usap ko sa sarili ko, baliw na diba?

Ganito kasi talaga ako Kinakausap ang sarili. Simula nong pumunta ako dito, e kasi mag isa lang ako dito sa maynila. Wala man lang akong makausap kaya eto ang bagsak ko pagka-usap sa sarili ko.

Pumunta lang kasi ako dito sa maynila para mag aral ng pag dodoctor pero bago yon syempre dapat mag senior high muna.
Buti na nga lang at may kapatid dito si papa sa maynila para matuluyan ko habang nag-aaral at laking pasalamat ko dahil mabait si tita, hindi nya ako pinagbabayad ng renta, ilaw at tubig sa boarding house na pagmamay-ari nya. Hindi na din ako namamasahe pa dahil malapit lang naman ang school dito, pwedeng lakarin, Kaya ang pinoproblema ko nalang ay ang pagkain ko sa araw-araw at pambili ng mga gamit na kakailanganin sa school pero sila papa nadin ang sumasagot pinapadalhan nila ako ng pera kada buwan pang-gastos ko.

Gusto ko nang mag-trabaho. Gustong Gusto. Para hindi na ako intindihin nila papa dito. Pero hindi ako natatanggap sa mga inapplyan ko. Dahil lang sa isang bagay. Yung edad ko, kasi 17 palang ako at mag i-18 palang ako ngayong darating na bakasyon.

Dahil sa edad nayan hindi ako natatanggap.
Porket Bata pa iisipin nila walang kakayahan
Porket bata pa sa tingin nila ay hindi pa kaya ang mga gawain na i-aatang
Porket bata pa iniisip nila na mahina.

Kesyo daw, baka makasuhan sila ng child abuse kapag hinayaan nila akong mga trabaho, ang sabi ko naman gumawa kami ng kasulatan na sinasabing kusa at buong puso akong pumapayag na magtrabaho, para kung sakali mang may inspector o kung sino mang titingin sa mga trabahante ay ipapakita lang ang kasulatan. Pero hindi naman sila nakinig sa suhestiyon ko.
Ang sabihin nalang nila na wala silang tiwala sa kakahayan ng mga bata.

Para sa akin "AGE DOESN'T MATTER".
May kayang gawin ang mga bata na nagagawa ng matatanda at may nagagawa ang mga bata na hindi kaya ng mga matatanda.

Kung alam mo sa sarili mo na kaya mong gawin ang isang bagay, ano mang edad mo dapat may karapatan ka at dapat na binibigyan nila tayo ng oportunidad para patunayan na kaya natin talaga.

Wala naman sa edad ang sukatan kung malakas ka ba o hindi. Hindi naman edad ang basehan para mangarap ka. Hindi naman basehan ang edad kung magagawa mo ba ang isang bagay o hindi.

Tinapos kona ang pagkakape, naligo, nagbihis at nagsimula nang maglakad papasok ng school.

...

*bell rings indication na tapos na ang klase.

Just an Ordinary day, katulad ng dati, uuwi ako ng mag-isa wala naman akong makasabay dahil wala akong naging kaibigan dito sa school, halos lahat kasi sila mga sopistikada pakiramdam ko nga ay hindi ako belong sa school na ito e.

Naka-isang hakbang na ako palabas ng pinto pero di ako makadaan dahil andaming nakaharang sa daanan. Ang tatangkad nilang mga lalaki at sobrang ingay nila. "Ano bang meron? Bakit kayo nakaharang sa daan---" biglang nagsi-alisan ang mga lalaki at sa harap ko ay may lalaking nakasandal sa pader.

Sino sya?

Nang mapansin nya na may lumabas na sa tapat ng pinto ay  tumayo na sya ng maayos. Tumungin ako sa Kanya at Nagulat ako ng Tingnan nya din ako. Nagtama ang Paningin naming dalawa Napakaganda ng mga chokolate nyang mata. Sa sandaling iyon ay Tumigil ang paghinga ko pero bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Katulad sa mga napapanood kong Romantic Movie Films yung feeling nag-slow motion ang lahat, wala na akong ibang makita kundi sya lang, wala na akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko.

Nagtitigan lang kaming dalawa at parehas nag hahantay kung sino ang unang ngingiti

Bumaba ang tingin ko sa bibit nya, nagulat ako ng makita kong bulaklak iyon. SUNFLOWER!

Paano nya nalaman na ang paborito kong bulaklak ay sunflower?

Ang bulaklak na iyon ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas na ngitian sya.
Nginitian ko sya at para syang nagulat dahil ginawa ko yon. Umawang ang labi nya ng may pagka mangha pero ilang sigundo rin ay nginitian nya na rin ako.

Nagsimula na syang maglakad pa lapit sa akin kaya humakbang na rin ako, ayan na malapit na sya ngiting ngiti na ang mga labi ko. Laking gulat ko nang nilagpasan nya ako. Nakaramdam ako ng pag dismaya. Nakaramdam din ako ng kuryusidad kung kanino nya ibibigay ang bulaklak

Nakita kong kay Tina Ferrer nya ibinigay ito. Si Tina ang Pinakamaganda pero Ang pinaka maarte sa buong Senior High Class. Kaya sobrang daming na iinis sa kanya at parang magiging isa na ako don.

Pinagmasdan ko lang ang kilos nilang dalawa. Binigay noong gwapong lalaki ang sunflower kay tina at agad naman nyang tinanggap pero hindi man lang nag pasalamat bagkus ay nilampasan nya lang ang lalaki. Hindi alam ni Tina na sinusundan sya nito Biglang napa hinto ang lalaki nang makita nyang itinapon ni tina ang bulaklak sa basurahan.

Bruha!

30 DaysDove le storie prendono vita. Scoprilo ora