"That's ridiculous, pwede bang sumagot ka ng patas?!"

"Kung ikaw ang tatanungin, malamang si Sierra din ang pipiliin mo"

"Patas man o hindi, mas lamang talaga sya sayo"

"Alam ko, kaya nga mas pinili sya ni Damon diba?"sagot ko at napaiwas ng tingin.

Ewan, nasaktan ako bigla sa sinabi ko. Ano ba naman kasing laban ko sa babaeng yun? Bukod sa mataas ang confidence, ang galing pang lumingkis kay Damon.

Si Damon kasi yung tipo ng taong, sweet sa mga babae kaya madaling mahulog ang mga tao sa kanya, at isa ako dun. Pero sa lahat ng mga babaeng pinakitaan nya ng kasweetan, ako lang yata ang excluded sa panlasa nya. Nanatili lang ako sa wall na friendzone habang yung iba ay may chance na maging girlfriend nya. Ang unfair, bakit ako hindi pwede?

"Ilang taon ko ng kilala si Damon, at lahat ng mga naging girlfriend nya halos katulad ni Sierra. Ganun ang mga tipo nya, hindi ang mga gaya ko"

Ilang segundo kaming natahimik, nilingon ko si Caspian na nakatitig lang sakin. Nagulat ako ng punasan nya ang pisngi ko, doon ko lang namalayan na may luha palang pumatak mula sa mata ko.

"Stop crying, you're such a crybaby"

"A..ano?! Hindi ako crybaby ah!"inis na sabi ko at pinalo sya.

Nagshield naman sya gamit ang braso nya at natawa ng mahina.

"Crybaby"

"Sabing hindi nga!—BEEP!—Ayy!"

Nagulat ako ng mapindot ang busina ng kotse nya. Napahawak tuloy ako sa mga bisig nya ng mahigpit.

"Gusto mo bang mambulabog?"

"Bakit sinadya ko ba?"

"Napakaingay mo crybaby"

"Sabing hindi nga ako cry—"napatigil ako ng mapagtanto kung gaano kaliit ang distansya ng mukha namin sa isa't isa.

Mula sa mga mata ko ay bumaba ang tingin ni Caspian sa mga labi ko. Nakaramdam ako ng kaba at pagtatambol sa dibdib ko.

Napalayo ako sa kahihiyan at tumingin nalang sa bintana. Nakalock parin ang pinto kaya hindi ako makalabas.

"Why blushing?"

Napalingon ulit ako dahil nakiliti ako sa tenga ng hininga sya ngunit sa pagkakataong yun ay mas maliit na distansya pa ang naging pagitan naming dalawa.

Pareho kaming napatigil, isang maling galaw lang ay magdidikit na ang mga labi namin.

At sa hindi ko inaasahan, inokupa ni Caspian ang natitirang pagitan samin at namalayan ko nalang na magkadikit na kaming dalawa.

Nanlaki ang mata ko ng idampi nya ang labi nya sakin kasabay nun ang paghuli nya pareho sa kamay ko at itiniklop sa mga palad nya.

What the heck is going on?!

Nagsimulang gumalaw ang labi nya ng dahan dahan. Hindi ito simpleng halik tulad ng peck, isa itong totoong halik! At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na hindi ko akalaing masarap pala sa pakiramdam.

Bigla akong napapikit, sumagi sa isip ko na itulak sya ngunit dahil sa sensasyon ay hindi ko magawa. Isinandal nya ako sa bintana, hinawakan ang batok ko at mas nilaliman pa ang halik para udyokin akong humalik pabalik na hindi ko narin napigilan pang gawin.

Damn, is this serious? I'm kissing him back?!

Kahit hindi ko alam kung paano humalik, ay nakisabay ako sa kanya. Naramdaman ko ang pag gabay ni Caspian sa ulo ko. Marahan at mabagal lang ang paggalaw nya at talagang sobrang nakakadala ang mga labi nya.

Nalasahan ko ang alak sa bibig nya, parang ako tuloy ang nalalasing ngayon. Ilang minuto bago nya ako pakawalan para maghabol ng hininga pero ilang segundo lang ang nakalipas ay muli nya ulit akong hinalikan.

Medyo bumilis ang halik nya at naramdaman ko ang dila nyang kumatok sa akin. Hindi ko maintindihan ang bibig ko at nagkusang bumukas at nakipaglaro sa kanya.

Nawala na ako sa katinuan, masyadong masarap ang mga halik nya at nakakalimutan ko ng hindi dapat ito mangyari.

Bumaba ang halik nya sa leeg ko, napakapit ako sa batok nya dahil nakaramdam ako ng panghihina at panghihilo.

"C..Caspian" halos hindi ko na mabanggit ang pangalan nya, nanghihina na ako.

"C..Caspian.." napatigil sya sa pangalawang pagtawag ko.

"W..what the hell?" Hinawakan nya ang noo ko at chineck ang temperature ko.

"Damn! Namamantal ka!"

Hindi na ako nakapagsalita, nanghihina na ako at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay.

Bakit naging ganito ang pakiramdam ko? Nanghihina ako. Naghalikan lang naman kami diba?

Pinakawalan nya ako sa mga bisig nya at mabilis na nagdrive papunta sa ospital. Agad nya akong binuhat papasok, mabuti at may nurse na nag asikaso agad sakin.

Binigyan agad ako ng gamot. Allergy na naman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. At mukhang alam ko na kung bakit ako nagka allergy na naman.

The kiss, err... hindi parin ako makapaniwalang nangyari yun!

"Pangalawang beses ko na kayong nakikita dito ah at sa pareho pang sitwasyon"ani ng doctor na sya ring gumamot sa akin noon.

"Hindi ka naman mukhang uminom iha, bakit inatake ka na naman?"

Nagkatinginan kami ni Caspian na nasa gilid ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko ng maalala ang nangyari kanina.

Darn, ngayon lang ako dinapuan ng hiya!

"Mukhang alam ko na kung bakit" nakangising saad ng doctor.

"Hindi ba talaga mapipigilan ang damdamin ha? Sa susunod wag ka na ring uminom. Sige na, pwede na syang umuwi"tinapik ng doctor ang balikat ni Caspian bago umalis.

Unti unti naring nawawala ang mga pantal ko kaya gumiginhawa narin ang pakiramdam ko.

"Let's go?" Sandali akong napasulyap kay Caspian pero umiwas agad ako at tumungo nalang.

Grabe ngayon lang ako nakaranas ng matinding awkwardness, nasa loob na kami ng kotse pero hanggang ngayon ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

Nasa hita ko ang dalawa kong kamay at diretso lang ang tingin ko sa daan. Hindi ko nililingon si Caspian dahil sa bawat segundo ay naaalala ko ang nangyari kanina. At sa bawat segundo ay ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng puso ko.

Argh! Ngayon hindi ko na alam kung papaano sya kakausapin! Tapos nababaliw pa yung dibdib ko! Kabog ng kabog sa loob!

Tumigil ang kotse ng makarating sa bahay. Napasulyap ako kay Caspian at nahuli ko syang nakatingin sa leeg ko, napaiwas naman agad sya ng tingin at umubo pa kunwari.

Napataas tuloy ako ng kilay sa kanya.

"Sige una na ako"

"Yeah, bye"sagot nya.

Binuksan ko agad ang pinto at lumabas, alanganin pa akong ngumiti bago tumalikod at pumasok sa loob.

Napasandal ako sa pinto pagkasara ko, bumuntong hininga ako ng napakalalim at hindi ko maiwasang mapahawak sa sariling labi ko at sa dibdib ko.

Ano 'to? Bakit sobrang kumakabog parin ang dibdib ko? Lalo na sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina, hindi ko maiwasang kabahan ng sobra. Bakit ganito ang epekto nun sakin?

Napagpasyahan kong maligo bago matulog, nagpupunas na ako ng towel sa buhok at tumapat sa salamin para magsuklay. Pero napatigil ako at nanlaki ang mata ko ng makita ang ilang marka sa leeg ko.

"Aahh!! Hinde!!"napasigaw ako sa inis.

Nabitawan ko ang towel at tinignan ang mga pulang marka sa leeg ko.
Wtf? Kaya ba nakatingin sya sa leeg ko kanina?! Nilagyan nya ako ng hickey?!

Damn you Caspian!

✴✴✴

To be continue...

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon