"So totoo nga yung relationship nyo? Zach, ang sabi mo fake news lang yun?" Ramdam ko ang inis sa tono ni Sierra ng sabihin nya yun. Napairap pa sakin.

"At first yes, pero ngayon hindi na. Me and Altair were together officially"

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?"natawa ng mahina si Sierra, confident na hindi parin nakakamove on si Caspian sa kanya.

"Why don't you ask her instead? Sinagot nya ako kanina lang, right Al?"

Napatingin sila saking tatlo. Wala akong ibang ginawa kundi tumungo.

"Oo, n..naging k..kami kanina lang" tumingin na ako sa ibaba dahil nakaramdam ako ng hiya.

Err.. bakit nahihiya akong sabihin na kami na ni Caspian?! Oo kami na, pero dahil yun sa dare! At sa prize! Yun lang, bakit nahihiya pa ako?!

"We'll go ahead"hinila na nya ako at nilagpasan sila.

Nakarating kami sa parking lot at pansin ko ang pagka badtrip sa mukha ni Caspian ngayon.

Binitawan nya ako at agad na pumasok sa isang navy blue bugatti chiron. Nanlaki ang mata ko sa ganda ng kotseng nasa harap ko.

Seryoso ba 'to? May branded syang kotse kahit teenager pala sya?!

"What are you waiting for? Hop in now" wala sya sa mood kaya nagkusa ang katawan ko at pumasok sa loob ng kotse.

Nakapatong ang dalawa kong kamay sa hita, takot na gumawa ng malalaking kilos. Badtrip kasi ang isang 'to.

"Your seatbelt Al"

"Huh?"

"Tss.."

Lumapit sya sakin bigla, napalayo tuloy ako at sumandal sa bintana habang kinakabahang nakatingin sa kanya. Hahalikan nya ba ako?!

"Assumera, ilalagay ko seatbelt mo"masungit nyang saad at sinuot ang seatbelt ko.

Napakagat ako ng labi sa hiya. Ano ba namang nasa utak ko? Bakit naman nya ako hahalikan aber?

Nagsimula na syang mag drive. Seryoso ang mukha nya ngayon, mula ng makita namin sina Sierra at Damon, nag iba na ang mood nya.

"Uhh saan tayo pupunta?"binasag ko ang katahimikan.

"Sa mall lang"tipid nyang sagot.

"Anong gagawin natin dun?"

"I'll buy you a new phone"ni hindi manlang sya tumingin sakin ng sabihin nya yun.

Cellphone?! Agad agad?!

"T..talaga?"

"Ayaw mo?"

"Hindi no! Kailangan ko na ng phone, baka nag aalala na si papa sakin, hindi ko na sya natatawagan"

Hindi nalang sya sumagot. Nakarating kami sa pinakamalapit na mall, nauunang maglakad si Caspian habang nakapamulsa. Ako naman ay nasa likod nya lang at pansin na pansin ko ang mga taong kinamamanghaan at pinagpapantasyahan sya sa tingin.

Sya naman walang pakielam at pa cool-cool lang habang naglalakad. Nagmukha tuloy akong alalay dito sa likod.

"Is that Zach of Lovesickers?"

"Omg! Sya nga!"

Tatlong studyanteng babae ang humarang kay Caspian sa gitna ng paglalakad. Kilig na kilig ang mga ito at over sa pag ngiti.

"Zach right?! Omg! Kilalang kilala ka sa school namin!"

"Ang galing mo kumanta! I really love you and Lovesickers! Pwede bang magpa-picture?! Please?!"

✔She WritesWhere stories live. Discover now