"Lou please... umalis kana"

"M..Monchi mahal parin kita.."yan nalang ang nasabi ko sa kanya.

Tinitigan nya ako ng ilang segundo at napabuntong hininga.

"Lou.. alam mong una palang... wala ka ng pag asa diba? Gusto mong maging magkaibigan tayo at binigay ko yun sayo. Pero kung higit pa dun ang gusto mo, sorry hindi ko yun maibibigay sayo"

Natulala ako sa kanya. Ilang karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa nga katagang yun.

Una palang wala na akong pag asa pero umasa parin ako dahil sa special treatment nya sakin noon. Akala ko pwedeng pang humigit sa kaibigan ang tingin namin sa isa't isa, pero isang malaking IMPOSIBLE ang pangyayaring yun.

Hindi ko namalayan ang patak ng luha ko sa pisngi. Hindi ko na kaya ang atmosphere kaya tumalikod na agad ako at umalis.

Pinahid ko ang luha ko sa pisngi ng makalabas sa building.

Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko may magbabago sa amin pagkatapos ng dalawang taon. Akala ko mag le-level up ang relationship namin pero mukhang hanggang panaginip nalang ang lahat.

Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop.
I don't think I can go to my class now. Nawalan ako ng gana. Kailangan kong mapag isa muna. Kailangan kong pakalmahin muna ang puso ko.

Umupo ako sa gilid at niyakap ang tuhod ko tsaka umiyak ng umiyak. Hindi ito ang unang beses na nireject nya ako, pero ito ang pinakamasakit sa lahat ng rejection nya sa akin noon.

Monchi, masyado akong nahulog sayo at hindi ko alam kung kaya ko pang umahon sa pagkakahulog ko sayo. Gusto pa kitang mahalin pero ang sakit sakit na.

CUTTING man na maitatawag pero mukhang yun nga talaga ang nangyari sakin matapos ang rejection sakin ni Monchi ng araw na yun. Hindi ako pumasok sa afternoon class ko.

Duh? Papasok pa ba ako kung namamaga ang mga mata ko? Ayokong kwestyunin ng lecturer at mga kaklase ko.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi parin ako nakakamove one. Madalas parin akong umiyak, lalo na pag nagsusulat ako ng lyrics. I can't help to give all my emotions to those lyrics I made.

"Lou? Sigurado ka bang okay ka lang? Palagi ka nalang tulala"

"Okay lang ako"

"I think you are not"

"Kate ayos lang talaga ako"pagpupumilit ko.

KASINUNGALIAN. Alam kong hindi ako okay. Paano kasi, kalat na kalat na sa buong school ang relasyon nina Sierra at Monchi. Ang nagpapagaan nga lang ng loob ko ay yung mga basher ni Sierra eh. Maraming nag sasabi na hindi sila bagay, malamang maraming hater si Sierra pero marami parin ang sumusuporta sa loveteam nila. Kainis.

"Oy Zach, may practice tayo mamaya!" Napasigaw si Kurt ng lumabas agad si Caspian ng mag break time.

"That guy... ganun ba sya ka affected kay Sierra?!" Inis na sabi ni Kurt.

Ilang araw ng hindi nag p-practice si Caspian, at madalas syang mawala kapag magkasama ang tatlong Lovesickers. Sumasakit tuloy ang ulo ng leader nilang si Kurt.

"Last time I saw him making out with some other girl. Ganun ba sya ka brokenhearted?"ani ni Axel.

"There he goes again, the old him is back"saad ni Cooper.

Old him?

Ilang araw ko na ring hindi nakakausap si Caspian. At madalas ko din syang makita kasama ang iba't ibang babae.

Tapos sa klase ay lutang din sya. Parang pareho kaming tuliro sa mga nalaman naming nung nakaraan. Hindi ko sinabi kahit kanino ang mga nangyari, at sa palagay ko ay ganun din si Caspian. Nabalita nalang bigla ang pagiging in a relationship status nina Monchi at Sierra na ikinagulat din ng bandmates nya.

✔She WritesWhere stories live. Discover now