Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

"And you're busy too." He said slowly.

Pumunta agad ako sa folder ng research namin, I need to proofread everything. Kahit na medyo ilang ako sa presensiya ni Mikael ay kailangan kong tapusin ito.

"Need a help?" Napatingin ako nang bigla siyang umalis sa kinauupuan at tumabi sa akin.

Pigil hininga ang ginawa ko upang hindi manlambot nang masinghot ko ang natural niyang bango.

"Research, huh?" Silip niya sa ginagawa ko.

Tumango ako. "A-Alam mo ba 'to?" Stupid question. Malay ko ba kung sa business lang may alam si Mikael?

He looked at me smiling, "Try me" Anito at hinawakan ang mouse na hawak hawak ko.

Mabilis kong nabitawan ang mouse, Mikael chuckled. Talaga bang nagugustuhan niya ang lahat ng ito? Parang kanina lang ay ayoko siyang makita!

"Do you mind if I check?" Tanong ni Mikael habang mabusising tinitignan ang laptop ko.

"S-Sige lang.." Tumayo ako, hindi na siya nag-abala pang silipin ang dahilan ng pagtayo ko. "Gagawa lang ako ng makakain.."

Nagmamadali akong pumuntang kusina at naghanap ng mga tinapay, hindi kami nag iipon ni Yel ng pagkain dito dahil hindi naman kami parehong maalam sa pagluluto. We often have our foods delivered.

Isang hindi pa nabubuksan na wheat bread ang namataan ko. This will do.

Pinalamanan ko ng mayonnaise ang tinapay, apat na palaman ang ginawan ko, naabutan kong busy pa rin si Mikael sa pag check ng research..

"Kain ka muna.." Yaya ko sa kanya sabay lapag ng pagkain.

Kinuha agad ni Mikael ang tinapay at malaking pagsubo ang ginawa niya doon. Even the way he chew his food is very manly.

Lahat nalang ba ay mapapansin ko sa lalaking 'to?

Pero nahihiya pa rin ako. Sa nalaman ko, nag over think lang pala ako.

Sabay ang pag lipad ng tingin namin ni Mikael nang biglang magbukas ang pinto. Papasok si Yel at nang tumama ang mata niya sa amin ay awtomatiko itong napaatras.

"Hala sorry!" She said like this is not her own house.

"No it's okay.." Mikael chuckled, sinara nito ang laptop. "I will go.."

"Sir hindi! Okay lang, ano, Aurora? Aalis muna ako? Pwede naman!" Ani Yel at ngumiting ngiwi sa amin.

Umiling ako at napatingin kay Mikael na nagtatago rin ng ngiti.

"Aalis na talaga siya."

Kinuha ni Mikael ang coat niya at sinabit sa kanyang balikat habang hawak hawak ito.

"I thought you will come home late.." Si Yel ang kinausap niya.

"Pinauwi na po ako ni Sir Syche. Nag-aaway po sila ng Fiancée niya.." Ani Yel habang tinatanggal ang sapatos at pumapasok sa bahay.

Nagpaalam si Mikael sa aming dalawa, gusto ko sana siyang ihatid pero nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung paano mawawala ang hiya na 'to.

I released an exaggerating sigh when he left. Tinabunan ko ng throw pillow ang aking mukha habang nagpapa padyak.

"Magkwento ka!" Binato ni Yel ang kanyang mga gamit bago ako tinabihan. "Okay na kayo? Hindi mo na kailangan ng space? Ano ba kasing nangyari?!"

My friend can be hyperactive sometimes.

"Nagtatrabaho si Ate sa kompanya.." Diretsya kong sinabi.

Nanlaki ang mga mata nito at ilang beses na napamura, pinanuod ko ang bawat reaksyon ni Yel at halatang nagulat siya sa sinabi ko. She doesn't know?

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now