Chapter 92

3.2K 149 30
                                    

THIRD PERSON'S POV


"M-mario..."

Gulat at hindi makapaniwalang bulong ni Crow, at tuluyang bumagsak sa tabi ni Akiko na tulad niya ay may hindi ding makapaniwala na itsura.

Mula sa kinatatayuan ni Crow ay mabilis etong nag laho at pa sugod na lumitaw sa harapan ng kanyang mga kalaban.

Habang tumatakbo ay iniikot ni Mario ang hawak na espada at agad na inatake ang unang kalaban na kanyang nalapitan.

Naka yukong huminto siya sa ilalim ng kalaban habang naka tingala, at mabilis na ibinaon ang hawak na espada sa dibdib neto.

Ipinatong niya ang kanyang isang kamay sa balikat neto at malakas na tumalon.

Pagka talon niya ay inikot niya ang sarili at habang nasa ere ay blangkong hinugot niya ang kanyang espada.

Deretso ang tayong lumapag siya sa likuran neto, at malakas etong sinipa upang tuluyang bumagsak at muling sinugod ang apat pang natitirang kalaban.

Habang papasugod ay muli siyang nawala, at magpakita na lamang sa likod ng mga eto.

Bahagya siyang tumalon upang iwasan ang pag atake ng sabay sa kaniya.

Ng muling makalapag ay muli siyang sumugod, itinapak niya ang isang paa sa puno at binigyang pwersa ang paa at malakas na sinipa ang dalawang kalaban na nasa kanyang unahan.

At sa pag angat niya ng espada ay bigla na lamang bumagsak ng sabay ang kinakalaban na parehong may malalim na hiwa sa kanilang mga leeg.

Muli siyang kumilos at sinalubong ang isang kalaban na papalapit sa kanya.

Malakas ang pwersang iniharang niya ang kanyang espada at nakipag laban ng lakas.

Na alis lamang niya ang atensyon sa kalaban ng makita sa kanyang gilid ang balak na pag atake ng isa pang kalaban sa naka bagsak na sila Crow at Akiko.

Kaya't dinoble niya ang kanyang pwersa, at magawang maka kalas. Itinapak niya ang kanyang isang paa sa binti ng kaharap na kalaban at paikot etong sinipa sa mukha kasabay ng pag hiwa niya sa leeg neto at muling sinipa ng malakas na ikina talsik neto.

At bago maka lapag si Crow ay muli etong nawala. At ang mga naka bagsak na sila Crow at Akiko, ay parehong nanlake ang mga ng mata ng bigla na lamang may maramdaman sa kanilang likuran at hawakan ang kanilang mga braso at muling maramdaman ang pag angat nila.

Naka bawi lamang sila ng makita ang kaninang pwesto na ngayon ay may naka baon ng malakeng armas na may naka konektang malaking kadena.

At ng lingunin nila ang kanilang likod ay malapitang nakita nila ang tila walang buhay at blangkong itsura ni Mario na deretso lamang na naka tingin sa natitirang kalaban habang iniikot neto ang malaking armas na may kadena.

Sabay naman silang napa pikit ng agad na umalis si Mario sa kinatatayuan neto na ikinaroon ng alikabok, at muling panuorin ang pakikipag laban neto at kung paanong na iiwasan neto ang  malalakas na atake.

Samantalang, dahil sa lake at bilis ng armas ng kalaban ni Mario, ay hindi eto makahanap ng pagkaka taon na maka lapit.

Hanggang sa pumulupot ang kadena sa kanyang binti at mahirapan na maka kilos.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now