Chapter 24

6.3K 267 54
                                    

Axia's POV

"Axia. Mag pahinga ka na, kami na muna ni Gabby ang magbabantay kay Bullet."

Nilingon ko si Karlly na bagong dating kasama si Gabby.

"Ok lang."

Sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Dalawang araw na siyang natutulog, at hanggang ngayon hindi pa din siya gumigising."

Sabi ni Karlly ng makalapit siya.

"Kaya nga, ang sabi ni doc Jacob maraming dugo ang nawala sa kanya."

Buti na lang talaga, masamang damo ang isang to.

"Ganun ba talaga kahigpit ang Chief niyo?"

Tanong niya, na ikina buga ko ng hangin.

"Sa pera kasi umiikot ang mundo nila. Kulang na nga lang eh sambahin nila ang pera. Pero hindi naman sila kikita kung hindi rin naman dahil sa aming mga fighters. Talagang mahigpit lang sila. Sa sobrang higpit, nakaka sakal na at halos sila na ang kumontrol sa amin."

Sagot ko.

"Kung nasasakal na pala kayo, bakit hindi na lang kayo umalis?"

Tanong niya ulit.

Tinignan ko naman siya at malungkot na nginitian.

"Sana nga ganun lang kadali, pero hindi. Sabihin na lang natin na, wala kaming ibang magawa kundi ang kumapit na lang sa patalim."

Sagot ko ulit sa kanya.

"Bakit? Di ba ang sabi nila, kapag kumapit sa patalim. Sila yung mga nangangailangan talaga? May pangangailangan ka ba?"

Tanong niya ulit.

"Lahat tayo ay may pangangailangan. Hindi dahil sa wala kaming ibang pagpipilian, mas pinili lang talaga namin ang mas madaling paraan kahit na delikado at buhay pa ang kapalit."

Hindi na siya naka sagot sa sinabi ko.

Pero kita ko sa gilid ng mata ko na naka tingin lang siya sa akin.

"Gumalaw."

Napa lingon kami kay Gabby ng mag salita siya.

Pag lingon namin ay naka turo siya kay Bullet.

At pag tingin ko naman kay Bullet, nakita ko ngang ginagalaw niya ang mga daliri niya.

"G-gising na siya!"

Natutuwang sabi ni Karlly.

Yumuko naman ako at hinawakan ang kamay ni Bullet.

"Bullet."

Tawag ko.

At hindi nagtagal ay unti unting dumidilat ang mata niya na ikina ngiti ko.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now