EPILOGUE

2.3K 76 49
                                    

Bullet's POV

Dahan-dahan kong iminumulat ang mga mata ko at muling mapa-pikit ng masilaw ako sa liwanag ng papalubog na araw.

Hinayaan ko na lang muna na nakapikit ako, alam kong pagabi na ay tsaka lamang ako gigising. Sobra ang tulog ko pero ramdam ko pa din ang sobrang antok at pagod. Dala na din siguro sa lagay ng katawan ko at sa mga pain killers na iniinom ko.

Hindi ko na alam kung anong oras kami na tapos ni Axia na mag usap tungkol sa mga tauhan ni Chief, na naghahanap at nag hahabol sa kanya. At paniguradong kasama ako sa listahan nila sa paghahanap.

Napag usapan din naman kung ano ang dapat naming gawin ngayon.

Sa ngayon--ang totoo ay hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko o mangyayari.

Madami din akong mga tanong na gustong malaman ang sagot pero kalahati ng isip ko ay ayoko ng kumilos pa o ipahamak muli ang sarili ko.

Hindi ko alam, masyadong magulo.

Na idilat ko ang isang mata ko ng bumukas ang pinto sa banyo, at lumabas si Axia habang nagpapa tuyo ng buhok.

Pansin ko ding aalis siya base sa suot niya.

"May lakad ka?"

Tanong ko at umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Oo, dadalawin ko si Kean."

Sagot niya ng 'di ako nililingon.

Na kuwento niya sa akin kung saang hospital ang anak niya, pagkatapos ng pangyayari ay hindi ko pa iyon nakikita ng personal. Pero ang sabi naman ni Axia, mas maayos ang lagay ng anak niya kesa sa lagay neto noong hawak pa eto ni Chief para makontrol lamang siya.

Tumango na lang ako bilang sagot at tuluyan ng bumangon. Tapos na din siyang magpa tuyo ng buhok kaya biglang tumahimik.

Pero siya din ang bumasag nun na ikina tigil ko.

"Alam mo bang nasa parehong hospital si Kean at si Uno?"

Hindi agad ako naka bawi.

"Nalaman ko kay Doc Jacob ng magkita kami, at ang sabi niya--ay oo! Operasyon niya ngayon! Pambihira, ang galing din mag tago ng isang 'yun, ang akala ng lahat wala siyang iniinda pero meron pala. Sabi din ni Doc Jacob na buti na lamang at pumayag siyang magpa opera, kasi kung hindi malake daw ang chances na hindi na siya maka lakad muli. Tsk, tsk--alam mo ba ang tungkol doon?"

Alam kong nilingon na niya ako para malaman ang reaksyon ko, kaya alanganin ko din siyang nilingon at bahagyang tumango.

"Ganoon ba? Pupunta ka ba? Dadalawin bago ang operasyon niya? Kasi kung oo sabay na lang tayo."

Hindi na naman agad ako naka sagot, at mapa tingin sa orasan.

Anim na oras na lang.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ni Axia ng maka lapit na siya at mapansin na ayos na siya.

"O-Oo. Ayos lang naman ako."

Pinagmamasdan niya ako ng maigi na para bang pinag aaralan.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now