Chapter 3

9.5K 321 32
                                    


Napa tigil ako sa pag takbo ng bubuksan ko na sana ang pinto.

Teka nga lang!!.

Masama ang tingin na nilingon ko ang cubicle kung saan ako lumabas at muli akong bumalik.

Sinipa ko ng malakas ang pintong naka sara at naabutan ko yung manyak na lalake na naka tayo na habang sapo sapo ang mukha niya na sinipa ko.

Nagulat naman siya sa pag sipa ko kaya bahagya siyang napa atras.

"Kabayo ka ba?!! Ang lakas mong sumipa!"

Reklamo niya habang sapo sapo pa rin ang mukha.

"Ahh masyado bang malakas? Oh eto mas malakas!"

Pagkasabi ko nun ay sinikmuraan ko siya ng malakas na ikina upo niya.

Gusto niyang mag salita pero hindi niya magawa dahil sa sakit na binigay ko.

"Buti nga sayo! MANYAK!!"

Sigaw ko at tinalikuran na siya.

Pero na hinto ako sa balak kong paglakad at muli siyang nilingon at inambahan ng suntok.

Napa pikit naman siya habang namimilipit sa sakit.

"Psh."

Sabi ko na lamang at tuluyan na akong lumabas ng cr.

Unang araw pa lang, bwisit na agad ako!

Paglabas ko ay pinuntahan ko agad si Karlly na naghihintay sa akin.

"Tara!"

Sabi ko.

"Ok ka lang?"

Naka kunot ang noong tanong niya. Napansin niya siguro ang pagkaka inis sa tono ko.

"Oo, may nahulog lang na manyawak sa kubeta!"

Lalo naman niyang naikunot ang noo niya na halatang naguluhan sa sinabi ko.

"Anong manyawak? Baka naman bayawak? May kalapit kasi tayong gubat dito, kaya may ganyan talagang klaseng mga hayop na bigla bigla na lang sumusulpot."

Nilingon ko naman siya ng may nakaka irita na mukha.

"Basta yun na yun! At oo! Hayop siya! Tara na!"

Hinila ko na siya para hindi na siya makapag tanong pa.

Bakit manyawak? Dahil manyak siya at mukhang bayawak.

Kaya MANYAWAK!!

~~~

"Gab, nandito yung kama mo."

Sabi ko at turo sa kama niya.

"Goodnight Bullet."

Pero yun lang ang sinabi niya at pumasok na sa loob ng cabinet.

"Dapat pala sinabihan na agad kita para, hindi ka na nagugulat."

Napalingon ako kay Karlly na kalalabas lang ng banyo at tumatawa.

"Ano ba ang trip niya, bakit sa loob siya ng cabinet niya matutulog? Baka hindi siya doon maka hinga."

Sabi ko ng maka upo na ako sa kama ko at inaayos ang kumot ko.

"Ewan ko. Ganyan na talaga siya eh. Hindi na natin maaarok ang pag iisip ng isang yan, matulog na lang tayo."

Natatawa niyang sabi at humiga.

"Goodnight Bullet."

Sabi niya at pinatay ang katabi niyang lampshade.

"Goodnight Karlly."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora