Chapter 77

3.1K 134 15
                                    


BULLET'S POV

Hinawakan ko ang baril na nasa likuran ko habang naka tingin sa halamanan na gumagalaw at kumakaluskos.

At ng hindi iyon humihinto at mukhang may lalabas na mula doon ay mabilis kong kinuha ang baril ko at itinutok 'yun.

"Ouch! Ouch! Araaay!! Ang kati ang kati ang kati ang kati!!"

Naikunot ko ang noo ko ng marinig ang boses na yun at magulat ng lumabas siya sa likod ng halamanan habang hindi mapakaling nagkakamot ng buong katawan.

"Chase?"

Tawag ko.

At ng makita niya ang nakatutok na baril sa kanya ay biglang dumiretso ang tayo niys at naitaas ang dalawang kamay habang nanlalake ang dalawa niyang mata.

"Alam kong isang krimen ang pagiging magandang lalake ko, but please don't shoot me!"

Mabilis niyang sabi.

Naitaas ko naman ang isang kilay ko at tignan siya ng walang gana kasabay ng pagbaba ko ng baril at pag balik nun sa likuran ko.

Inilibot ko ang tingin ko bago siya lapitan.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko ng makalapit ako.

Dahan dahan naman niyang ibinababa ang dalawa niyang kamay at mula sa loob ng jacket niya ay may kinuha siya at ilahad sa akin ang kunai ko.

"I'm giving this back to you."

Sabi niya.

Sandali ko naman iyong pinagmasdan bago muling ibalik ang tingin sa kanya.

"Ginising ka pa ba ni Kirby? Sinabi kong huwag na at ayos lang naman."

Sagot ko at kinuha iyon at inilagay sa holster na nasa hita ko.

Hindi niya agad ako sinagot at ng muli ko siyang tignan ay naka tingin siya sa ibang gawi habang naka pamulsa sa jacket niya.

Ewan ko pero bigla akong napa tingin sa mga Prison Guards at napa ayos ng tayo.

"Bumalik ka na."

Sabi ko na lang at tinalikuran na siya.

"Ano ang gagawin mo sa gusali na yan?"

Natigil ako sa pag lalakad ng sabihin niya iyon.

"May balak ka bang pumasok dyan na hindi ka nakikita?"

Muli niyang tanong.

Napa hugot naman ako ng malalim na hininga bago siya sagutin.

"Wala."

Blangko kong sagot at muling nag lakad.

"Talaga? So bakit meron kang blueprint ng gusali ng Sicarius? Anong gagawin mo, mamamasyal?"

Muli akong natigil sa paglalakad,  kinapa ko ang bulsa ng jacket ko at malaman na wala nga akong makapa.

Paanong--tss mukhang nahulog ko ata pag akyat ko sa puno.

Napa pikit ako ng mariin bago siya harapin ulit at mabilis na nag lakad palapit sa kanya.

At pag lapit ko ay kinuha ko iyon.

"Bumalik ka na."

Ulit ko sa sinabi ko habang naka tingin ng diretso sa mata niya.

Saglit kaming nagtitigan, pero ako ang unang bumawi.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon