Chapter 85

3.3K 139 43
                                    

THIRD PERSON'S POV


Tila nanigas at hindi maka kilos si Chase sa kanyang kinatatayuan habang hawak pa din ang panyo.

"Dapat nilang malaman ang tungkol dito."

Bulong ni Chase ng maka bawi at ipinasok ang panyo sa kanyang bulsa.

At bago talikuran ang walang buhay na si Victoria ay sandali at tahimik niya etong inalayan ng dasal.

Ng matapos siya ay mabilis at nagmamadali siyang tumakbo palabas.

Samantalang, mula naman sa madilim na parte ng gusali ay lumabas ang isang lalake at nag lakad papasok sa kulungan.

Huminto ang lalake sa naka bukas na pinto at tahimik na pinagmamasdan ang naka sabit na si Victoria. Hanggang sa maglakad siya papasok at malapitan eto habang nakapamulsa.

"A single death can save many lives. What a noble sacrifice."

Bulong niya at lalong inilapit ang sarili sa kaharap.

At mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang isang itim na rosas at inilagay iyon sa paanan ni Victoria, at tumayo ng deretso.

"But death is equal."

Muli niyang bulong kasabay ng kanyang pag talikod habang nakapamulsang lumabas at isinara ang kulungan.

•••••


Na alis ang tingin ng lahat ng myembro ng Administrasyon, maliban lamang kay Victor, ng bumukas ang pinto at pumasok ang galit na si Ross habang pilit naman siyang pinapalabas ng mga gwardiya.

"Are you doing this on purpose?! Natatakot ka ba na matalo?!"

Galit niyang sigaw ng makita ang hinahanap, ngunit nanatili etong naka tingin sa harapan.

"Sage Ross, ano ang ginagawa mo dito?"

Tanong sa kanya.

Malakas na pumalag si Ross sa mga naka hawak sa kanyang gwardiya bago siya sumagot.

"Walo sa mga estudyante ko ang namatay! At sinadya silang patayin ng mga Sicarius! Hindi ba't ipinag babawal ang pag patay?!"

Galit niyang pagpapaalam.

At lahat ng miyembro ng Administrasyon ay napa tingin kay Victor, na hindi na aalis ang tingin sa harapan.

"Victor--"

Hindi natuloy ng matandang babae ang nais netong sabihin.

"Eto ay isang bayolenteng laro, kung saan gumagamit sila ng mga armas. Ano ang aasahan mo kapag nagkaharap ang estudyante mo at estudyante ko? Magtititigan lamang?"

Blangkong sagot ni Victor na may halong pagka sarkastiko, na hindi naman na gustuhan ni Ross.

"Are you saying na pinapayagan mo na pumatay ang mga estudyante mo?!"

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now