Chapter 4

7.9K 273 28
                                    

Bullet's POV

Parehong nanginginig ang mga kamay namin dahil wala ni isa sa amin ang gustong magpatalo.

Wala ding nagsasalita sa amin pero sapat na ang mga nangungusap naming tingin.

Nagulat kaming pareho ng may pumagitna pang katana sa mga hawak namin at sabay na lang na tumalsik ang mga iyon.

Napalingon ako kung sino ang may gawa nun at nakitang si Sabrina pala na naka tingin din sa akin.

"Your name?"

Walang emosyong tanong niya.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag atras ni Hale at ang pasimple niyang pag ngisi.

"Bullet."

Agad kong sagot.

"Why did you that?"

Tanong niya.

"I don't know? Maybe because of adrenaline rush?"

Sagot ko naman.

"You're risking your life for others."

Cold niyang sabi.

"What is life wihout risking a little? At kung hindi ako nagkakamali, hindi ba't ang kapalaran ng mga Custos ay ialay ang buhay nila? Why questioning me?"

Sarkastiko kong sagot.

"Because she's not an Eres or Sicarius. Walang kwenta ang pag aalay mo ng buhay sa mga tulad natin."

Ano daw?!

"Teka nga lang! Sino ba ang baliw na naka isip ng batas na yan?"

"Matuto kang gumalang sa naka tataas sayo!"

Nahawakan ko agad ang kamay ni Hale ng pag tangkaan niya akong saktan, at tignan siya ng masama.

"Bullet."

Bulong naman ni Karlly sa likuran ko at pilit akong inaawat pero hindi ko siya pinapansin.

Inalis ko ang tingin kay Hale at muling binalingan si Sabrina.

"Sa mga tulad natin huh. Sino man dito ay may karapatan na ipagtanggol lalo na ang mga mahihina. Wala bang halaga sayo ang buhay mo, ang buhay ng mga tulad nila na hawak mo? Wag mong iasa ang lahat dahil sa isa kang Alpha. Paano ang mga walang kakayahang lumaban at ipagtanggol ang sarili? Everyone deserves to be protected. You leaders are supposed to protect us. Not pushing them in their death. But if you can't, you two don't deserve to be called Alpha and Omega."

Mahabang sabi ko at tinalikuran na sila.

Tss, napapa english tuloy ako ng wala sa oras.

~~~~~~~~~~~

Third Person's POV

Pag bukas ni Kirby ng pinto ay napa hilot siya ng sintido at napa iling na lamang.

Tuluyan na siyang pumasok at sinipa ng bahagya ang mga naka kalat sa sahig.

Umakyat siya ng hagdan at binuksan ang nag iisang pinto.

Pag bukas niya ay mas malala ang kanyang nakita.

Napa ngiwi siya at dinambot ang bra na natapakan niya.

Hinagis niya iyon sa kung saan at nag lakad papunta sa kama.

Huminga siya ng malalim at nag salita.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now