Chapter 62

3.6K 190 32
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pilit na nilalabanan ni Bullet ang nararamdamang antok, idagdag pa ang pagkaka hilo.

Nahinto siya sa pag lalakad at napa pikit ng mariin.

Inangat niya ang kanyang tingin at makita na dumodoble ang nakikita.

"Tss, hindi ko talaga dapat pinagka tiwalaan ang babaeng yun. Wala daw tama ang pina inom sa akin pero dalawa na ang nakikita ko."

Inis niyang bulong, at muling pumikit ng mariin at umayos ng tayo.

Ipinag patuloy niya ang pag lalakad, hanggang sa makarating siya sa tapat ng pinto.

Pagka bukas niya ay tahimik siyang pumasok.

"Bullet?"

Agad siyang natigil ng tawagin ang kanyang pangalan.

Napa tingin naman siya kay Karlly na napa bangon at nilapitan siya.

"Karlly."

Tawag din niya ng maka lapit eto.

Pero pag lapit ni Karlly ay na ikunot niya ang noo ng maamoy si Bullet.

"Naka inom ka?"

Gulat na tanong niya.

"Pina inom ako ni Akiko, tss. Nagsisisi tuloy ako na nagpa sama pa ako sa kanya."

Inis niyang sabi at hahakbang sana ng makaramdam ng hilo, kaya't nawalan siya ng balanse ngunit agad naman siyang na alalayan ni Karlly.

"M-mag kasama kayo ni Akiko Ferrer?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Karlly habang inaalalayan si Bullet papunta sa higaan neto.

"Mahabang kwento, ok lang ba na bukas na lang? Lalo kasi akong nahihilo kapag nag sasalita ako."

Patamad na sabi ni Bullet ng maihiga na siya ni Karlly.

"O-ok, magpa hinga ka na."

Sagot naman ni Karlly at bumalik sa kanyang higaan.

Idinilat naman ni Bullet ang isang mata at tinignan si Karlly na inaayos ang sarili sa higaan neto.

"Ikaw, bakit gising ka pa?"

Nabigla naman si Karlly sa tanong ni Bullet.

"H-huh?...a-ano...h-hinihintay kita na d-dumating."

Kinakabahan netong sagot, habang pasimpleng naka hawak ng mahigpit sa itinatago netong kasuotan na nasa ilalim ng kanyang kumot.

"Salamat, magpa hinga ka na din."

Naka ngiting pasasalamat ni Bullet at pumikit.

Napa pikit naman si Karlly habang naka hawak sa kanyang dibdib at pilit na inaalis ang kaba sa kanyang dibdib.

••••

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now