Chapter 74

3.1K 132 19
                                    


BULLET'S POV


Habang umaatras ako ay lalong humihigpit ang pagkaka hawak ko sa kunai na nasa likuran ko.

"Huwag mong subukan."

Banta ko at itinutok na sa kanya ang hawak kong kunai, ng magtangka siyang humakbang.

Pero binalewala niya ang sinabi ko at nag lakad pa din.

Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa maka lapit siya sa mga canvas board niya na nasa paanan niya.

"B-bakit...."

Mahina kong sabi at hindi ko maituloy dahil naguguluhan ako at dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka hawak ko sa kunai ko.

"Anong ibig sabihin ng mga naka guhit?"

Tanong ko.

"BAKIT NAKA GUHIT ANG PAGKAMATAY NI KARLLY?!!"

Galit kong sigaw patungkol sa mga naka guhit.

Kuhang kuha neto ang pangyayari at ang itsura ni Karlly ng magpakamatay siya.

Kumilos si Gabby, yumuko siya at iniluhod ang isang tuhod at kinuha isa isa ang mga canvas board niya at pinagmasdan iyon.

"May alam ka ba?"

Tanong ko.

"ALAM MO BA KUNG BAKIT NAGPAKAMATAY SI KARLLY?!"

Muli kong sigaw.

At ng wala akong na kuhang sagot ay muli akong nag salita.

"SAGUTIN MO AKO?! MAY ALAM KA BA?!! BAKIT KUHANG KUHA NG MGA IGINUHIT MO ANG NANGYARI SA KANYA?! IMPOSIBLENG MAGAWA MO IYAN PAGKATAPOS NG NANGYARI SA KANYA! AT WALA KA NG GABING IYON, KAYA PAANO MONG NALAMAN ANG EKSAKTONG ITSURA NIYA?! GABBY SAGUTIN MO AKO!"

Sigaw ko.

"Alam ko ang lahat."

Nabigla at naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ang mangyayari, at ang magiging katapusan. At ang nangyari sa kanya, ay ang kanyang tadhana--"

Hindi ko na siya pinatapos, ng mabilis ko siyang sugudin at malakas na sampalin na ikina talsik niya at tignan siya ng masama.

Napa tingin naman ako sa nabitawan niyang canvas board, at muling makita ang itsura ni Karlly. Kaya malakas at galit kong tinapakan iyon.

"TADHANA?! GABBY HINDI KITA MAINTINDINHAN! PERO KUNG ALAM MO PALA NA MANGYAYARI IYON BAKIT HINDI MO SINABI?! BAKIT HINDI MO PINAALAM?! SANA!--....sana b-buhay pa siya hanggang ngayon..."

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, at nag tuloy tuloy na ang pag bagsak ng luha ko.

"Iyon ang tadhana niya, at wala akong magagawa tungkol doon."

Lalong lumake ang galit na nararamdaman ko ng halos pareho lang ng ibig sabihin ang sinabi niya.

Tumayo na siya at pinunasan ang dugo na nasa gilid ng labi niya, at blangko ang itsurang nilingon ako.

"Kung sinabi ko, hindi masusunod ang tadhana niya. Mawawala ang balanse."

Sagot niya, na ikina sama ko ng tingin sa kanya.

Galit na pinunasan ko ang luha ko at inangat ko ang kunai ko, at patakbong sinugod siya.

At ng maka lapit ako ay muli ko siyang sinampal ng malakas.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now