Chapter 36

6K 198 26
                                    

Third Person's POV

Naka lahad ang kaliwang kamay ni Axia upang masalo ang patak ng ulan, habang naka tingala sa madilim na kalangitan na walang bituin.

At ng makarinig ng ilang mga yabag ay ibinaba niya ang kanyang basang kamay at umalis mula sa pagkaka sandal sa pader.

"Axia."

Tawag sa kanya ng lalake ng maka lapit eto sa kanya, kasunod ang ilang mga tauhan.

Nilingon naman siya ni Axia at humakbang ng dalawang beses habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang jacket.

Hindi siya sumagot at tanging deretso at blangko lamang siyang naka tingin sa kaharap.

"What are you doing here?"

Tanong ng lalake na panay tingin sa kanyang paligid.

"Kailangan mo nanaman ba ng pera?"

Muling tanong ng lalake ng ibalik niya ang tingin kay Axia na blangko pa din ang itsura.

At ng hindi sumagot si Axia ay pumitik ang lalake at awtomatikong nag abot ng papel at panulat ang isa sa kanyang mga tauhan.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na kapag nangailangan ka ng pera ay tawagan mo lamang ang sekretarya ko at siya na ang bahala sayo. Hindi yung pupunta ka pa dito, baka makita ka pa ng asawa ko."

Sabi ng lalake habang nagsusulat.

At ng matapos ay inabot niya iyon kay Axia at muling nag salita.

"Look, hindi sa hindi kita gustong makita pero--"

Hindi naituloy ng lalake ang sinasabi at napa buga na lamang ng hangin at muling nag salita.

"Kunin mo na to at umalis ka na. Magkita na lang tayo sa susunod na araw."

Ngunit hindi kumilos si Axia kaya't kinuha ng lalake ang kamay niya at inilagay ang papel sa kanyang kamay.

"Umalis--UGH!"

Hindi naituloy ng lalake ang sasabihin ng malakas siyang sikuhin ni Axia sa dibdib na ikina atras niya at mapa sandal sa pader.

At dahil sa pangyayari ay na alerto ang mga tauhan ng lalake dahilan upang tutukan si Axia ng baril.

"Huwag!"

Sigaw ng lalake sa kanyang mga tauhan.

At kahit sumunod ang kanyang mga tauhan, ay mabilis na nawala si Axia sa kanyang kinatatayuan na ikina gulat ng lalake.

At makitang isa isang nagsisipag bagsakan ang kanyang mga tauhan at ang iba ay nagsipag sukaan ng dugo.

Ngunit lalo siyang nagulat ng bigla na lamang sumulpot si Axia, na tila may maitim na awra, sa kanyang harapan at tutukan siya ng baril sa noo habang walang buhay siyang pinagmamasdan.

"K-kulang pa ba..m-magkano pa ba ang--AXIA!"

Sigaw niya ng kalabitin ni Axia ang gatilyo, ngunit walang bala na lumabas mula sa hawak niyang baril.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now