Chapter 1

19.6K 405 13
                                    


Third Person's POV

"Alam mo bang dapat natutulog na ako ngayon?"

Mataray na sabi ni Ross sa kasamahan neto.

"Kaya laging mainit ang ulo mo, wala kang oras mag relax."

Natatawang sabi naman ni X na may sinding sigarilyo sa bibig at may mga katabing bote ng alak.

"Ang pag tulog ko at ang hindi ka makita, sapat na para marelax ako."

Sumandal si Ross sa kanyang upuan at pinag cross ang mga braso at binti.

Nilingon naman siya ni X.

"Wag mo akong sungit sungitan Ross, ako lang ang mag sasalba sa pagiging matandang dalaga mo at pagiging tigang."

Sabi ni X at tumawa ng malakas.

Tinaasan na lamang siya ng kilay ni Ross at inilibot ang tingin sa hindi ordinaryong lugar kung saan malayang nakakapag sugal, uminom ng alak kasama ang mga bayaring babae at gumamit ng droga.

At ang laging inaabangan ng lahat, ang ilegal na pustahan kung saan dalawa o higit pa ang maglalaban sa malaking arena na pinagigitnaan ng mga mayayamang personalidad.

Aakbayan sana ni X si Ross ng bigla etong tumayo.

"Oy teka! Saan ka pupunta?"

Sigaw ni X.

"Kahit saan, basta malayo sayo!"

Sigaw din na sagot ni Ross.

"Hahaha!"

Tawang malakas ni X.

"Tss, matandang hukluban."

Inis namang bulong ni Ross.

Habang naglalakad ay naka kunot ang noong naka tingin siya sa mga kalalakihan na lasing na lasing at malalakas ang tama gawa ng droga.

Ng makakita siya ng hagdan ay bumaba siya roon.

Habang bumababa, ang kanyang tingin ay nasa mga taong naghihiyawan habang may hawak hawak na makakapal na pera.

Nalipat naman ang tingin niya sa gitna ng biglang bumukas ang mga ilaw at naka tutok iyon sa lalakeng may hawak na mikropono na nasa itaas ng arena.

"Dito tayo."

Nagulat si Ross ng biglang sumulpot sa likod niya si X at hilain siya papunta sa mga upuan na nasa harapan.

"Ano ba X!"

"Wag na mag reklamo. Magugustuhan mo din ang palabas."

Naikunot naman ni Ross ang kanyang noo.

"Palabas?"

Tanong niya at nilingon siya ni X na naka ngiti.

"Human betting."

Ipinakita ni X ang makapal na pera na hawak.

"O magkano pusta mo?"

Tanong niya.

"Tss. Tigilan mo ako X, hindi ako sugalero na tulad mo."

Pagtataray ni Ross at sumandal sa kanyang kinauupuan.

Nagsindi naman si X ng sigarilyo at bumuga ng usok bago tumawa at mag salita.

"Hahaha wag mong isipin na sugal to. Katuwaan lang."

Tinignan siya ni Ross ng masama bilang sagot.

"Ladies and gentlemen! Welcome to another bloody night! Alam kong ngayong gabi ay marami nanamang uuwi na puno ang bulsa at meron ding butas ang bulsa."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum