Chapter 60

3.5K 165 63
                                    

BULLET'S POV

Tahimik lang na pinagmamasdan ko si Uno, habang dahan dahan na inilalapag niya si Akiko.

Kita ko kung gaano siya ka ingat at ka alalay sa kapatid niya.

Ng maayos niyang maihiga si Akiko, ay inayos naman niya ang kumot neto.

"Tutal nandito ka naman na, aalis na ako."

Sabi ko.

Nahinto naman si Uno at nilingon ako.

Agad ko namang na iiwas ang tingin ko. Ewan bigla akong nailang, tss.

"Would you mind if i ask you for some coffee?"

Tanong niya.

Hindi agad ako naka sagot, kaya sandali kaming nabalot ng katahimikan.

"Tsaa? Meron ba?"

Alanganin kong tanong, ng alanganin ko din syang tignan.

At mula sa deretso niyang mukha ay ngumiti siya at tumango.

~~

"Here's your tea."

Sinundan ko ng tingin ang hawak na tasa ni Uno, hanggang sa mailapag niya iyon sa harapan ko.

Agad ko naman iyong kinuha at inamoy, na ikina ngiti ko.

Ewan ko ba kung anong meron sa tsaa at para lang akong na rerelax sa tuwing nakaka amoy ako o nakaka inom neto.

Ang lakas maka hawa ni senyora Catalina sa trip niya.

Agad ko namang naidilat ang mata ko ng marinig na para tumawa si Uno.

At pag tingin ko sa kanya ay mabilis niyang ibinaling ang tingin sa kabilang gawi.

Medyo nahiya naman ako at kunwaring umubo ng mahina at pasimpleng hinipan ang tsaa ko.

"Thank you for bringing my sister here, at hindi mo siya pinabayaan sa ganyang sitwasyon niya. Honestly, i haven't seen here drunk like that. Since she can't handle alcohol."

Sabi niya na ikina tingin ko sa kanya habang hinihipan ang tsaa ko.

"Actually, kung hindi ka pa nga sana dumating. Iiwanan ko na lang sana siya sa tapat ng pinto niya."

Pag amin ko.

At totoo yun, kung hindi pa dumating si Uno iiwanan ko na talaga ang kapatid niya.

Dahil sa hindi ko na din naman siya kayang alalayan pa, dahil isang braso lang ang gamit ko.

Napa ngisi naman siya at ininuman ang hawak na tasa.

"Hindi naman pala kasi kayang uminom, pero kung maka asta akala mo lasinggera sa kanto kung maka inom kanina ng sunod sunod."

Pahabol  ko.

Ibinaba ni Uno ang tasa niya at napa lingon sa naka bukas na pinto ng kwarto ni Akiko.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now