Chapter 41

4.6K 219 43
                                    

"Help!!"

Sigaw ni Mario habang tumatakbo at buhat si Karlly, ng maka kita ng mga gwardiyang nagbabantay.

"Help us! Please!"

Muli niyang sigaw.

At ng makalapit ay pinahinto siya ng gwardiya na kanyang ikina taka.

Ngunit binalewala niya iyon at muling humingi ng tulong.

"Help her! Bigla na lang siyang bumagsak at nagsuka ng dugo!"

Nag aalala niyang sabi.

"Hindi pa tapos ang laro kaya't bumalik kayo doon."

Naikunot naman ni Mario ang kanyang noo.

"Hindi mo ba nakikita na kailangan niya ng tulong?"

Nagtitimpi niyang sabi.

"Nakikita. At nakikita ko din na isa siyang Custos at ikaw ay isang Sicarius, at tinutulungan mo siya na hindi naman dapat dahil magka tunggali kayo."

Dahil sa sinabi ng gwardiya ay sumama ang pagkaka tingin ni Mario.

"Iyan pa rin ba ang idadahilan niyo kahit na nasa peligro ang buhay at nangangailangan ng tulong?!"

Galit niyang sigaw, ngunit sandali lamang siyang tinignan ng gwardiya at walang ibang sinabi.

Kaya't umalis siya sa harapan ng gwardiya at maingat na ibinaba ang nanghihinang si Karlly.

Pagka tayo niya ay kinuha niya ang kanyang sandata na nasa likuran niya at walang sabing itinutok iyon sa leeg ng gwardiya.

Ngunit ng gawin niya iyon ay sabay sabay siyang tinutukan din ng iba pang gwardiya ng isang pahabang bagay na nakaka kuryente.

"If i need to fight all of you to save her....i'm willing to break the rule."

~~

"Damn it!"

Galit na bulong ni Chase ng mahinto siya sa pag takbo ng biglang sumulpot at palibutan siya ng mga gwardiya.

"Sir Chase!"

Tawag ni Kirby ng maka habol.

Nilingon naman siya ni Chase at nakita niya ang pag lampas ni Kirby sa mga gwardiyang naka palibot sa kanya, hanggang sa makalapit eto sa kanya.

"Ano bang pumasok sa isip mo at bigla bigla kang tumatakbo?! "

Malakas ngunit nanatili pa ding kalmadong sabi ni Kirby.

"Bullet needs help, kaya't kailangan ko siyang tulungan."

Sagot ni Chase.

"Pero Sir Chase, inilalagay mo lamang ang sarili mo sa peligro. Isa pa--"

"Paano kung nangyari eto sayo? Yung taong mahalaga sayo ay kailangan ng tulong at ikaw alam mo sa sarili mo na matutulungan mo siya. Wala ka bang gagawin?"

Seryosong tanong ni Chase.

Sandali naman siyang pinagmasdan ni Kirby, at pagkatapos ay napa buga siya hangin at inayos ang suot na salamin at hinarap ang mga gwardiya.

"I think i have no choice."

Simpleng sabi ni Kirby na ikina ngiti ni Chase.

"Pero dito ka lang sa likod ko, and let me do the thing."

Muling sabi ni Kirby na deretso lamang na naka tingin sa mga gwardiya.

Umayos naman ng tayo si Chase at tumango.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now