Chapter 20

7.3K 245 26
                                    

Bullet's POV

Naikuyom ko ang dalawang kamao ko at susugudin sana si manyawak ng pigilan ako ni Kirby.

"Bitaw! Pa isa lang! Isang bale lang ng leeg niya! Bitawan mo ako!"

Makawala lang talaga ako dito, babaliin ko talaga ang lahat ng buto ng manyawak na yun.

"Ms. Bullet, paki usap kumalma ka."

Tumigil naman ako sa pag palag at tinignan siya ng masama.

"Wala sa usapan na dito din ako titira!"

Inis kong sigaw.

Umayos naman siya ng tayo at inayos ang salamin niya.

"Patawad Ms. Bullet, alam ko kasing mangyayari to. Alam kong hindi ka sasang ayon kaya hindi ko--"

"Hindi talaga ako sasang ayon! Guardian ako Kirby at hindi taga alaga ng abnormal na tulad ng amo mo! Sumpa na nga sa akin yung makita siya ng isang linggo, tapos ngayon makakasama ko na siya sa iisang bubong?!"

Umalis siya sa harapan ko at nag tungo sa mesa. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig at iniabot sa akin pero tinaasan ko lang siya ng isang kilay kaya siya ang uminom nun.

Pagka inom niya ay muli siyang nag salita.

"You're a Guardian Ms. Bullet, yes. At sigurado akong alam mo kung ano kayong mga Guardian. Hindi kayo katulong o utusan, kayo ang nangangalaga sa buhay ng mga tagapag mana. At upang mapangalagaan niyo ang mga tagapag mana ay kailangan na konektado kayo sa isa't isa. At ikaw bilang Guardian, ang dapat na nagpapakita nun dahil tulad ng sinabi ko ay kayo lamang ang nag iisang tao na pagkaka tiwalaan nila, hindi lang sa personal na bagay kundi pati na din sa kaligtasan nila."

Hindi agad ako naka sagot sa sinabi niya.

Naiintindihan ko naman ang point niya. Alam kong kailangan kong bantayan sa lahat ng oras ang manyawak na yun kahit labag sa loob ko.

Pero yung iisipin ko na manyawak ang babantayan ko? Tss, nakakapang init ng ulo.

Bumuga na muna ako hangin bago mag salita.

"Kukuha lang ako ng mga gamit ko."

Labag sa loob kong sabi.

"Hindi na kailangan, Ms. Bullet. Nagtungo ako sa dorm niyo at humingi ng mga gamit mo kay Ms. Axia. At lahat ng yun ay nasa kuwarto mo na sa pintong yun."

Nilingon ko ang pinto na tinuro niya.

Nag tungo naman ako dun at binuksan, pag bukas ko ay nandoon nga lahat ng gamit ko.

Napa hilot na lang ako ng sintido at nilingon si Kirby.

"Magpapahinga na muna ako."

Sabi ko at bago pa siya sumagot at sinara ko na ang pinto.

Umupo agad ako sa kama at kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Axia.

[Yow--]

"Yow yow ka diyan! Hoy Ax, may balak ka bang palayasin ako?! Bakit mo binigay kay Kirby lahat ng gamit ko?!"

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now