Chapter 10

6.9K 261 12
                                    


Bullet's POV

"Maswerte ka at walang nabali sa mga buto mo. Tanging mga sugat lang ang natamo mo. Meron sana akong ibibigay na ointment sayo para mabilis gumaling ang mga sugat mo, pero hindi ko kasi alam kung saan na ilagay ni dok. Etong gamot na lang muna ang inumin mo to ease your body pain."

Inabot ng nurse kay Gabby ang maliit na plastic na naka sealed.

"I advice you to take a rest, magbibigay na lang ako ng excuse letter sa inyo at kayo na ang bahala mag abot sa head teacher niyo."

Sabay kaming tumango ni Karlly bilang sagot sa nurse.

Ng iwan niya kami ay napa tingin ako kay Gabby na naka tingin din pala sa akin.

Alam ko namang wala siyang sasabihin kaya nginitian ko lang siya.

Pero,

"Thank you."

Pasasalamat niya.

Kahit wala siyang reaksyon, alam kong she meant it.

"Wala yun."

Naka ngiti kong sagot.

"Buti na lang talaga nandyan ka Bullet."

Nilingon ko si Karlly na hindi pa rin nawawala ang pagkaka alala niya sa nangyari.

"Hindi ko naman kaya na tignan lang kayo na nasasaktan."

Sagot ko.

"Pero ikaw naman ang--"

"Bullet."

Hindi naituloy ni Karlly ang sasabihin niya ng tawagin ako ni Axia.

Pag lingon ko ay naka sandal siya sa frame ng pinto habang naka cross arms at naka tingin sa labas.

Nalipat naman ang tingin ko sa tatlong lalake na huminto sa tapat ng pinto.

"Kami ang guards mula sa Prison. Nakarating sa amin ang ginawa mo sa duel sa pagitan ng isang Custos at dalawang Sicarius, kung saan ay hindi ka kasali sa nasabing duel. At dahil sa ginawa mo ay lumabag ka sa patakaran, at ang kaukulang parusa ay ikukulong ka ng isang buong gabi."

Mahabang paliwanag ng lalakeng nasa gitna.

Nilingon naman ako ni Axia na hindi nagbabago ang posisyon.

"Bullet..."

Mahinang bulong ni Karlly at hinawakan ako sa braso.

Naka ngiti ako ng harapin ko siya.

"It's ok."

Sabi ko at inalis ang kamay niyang naka hawak sa braso ko.

"Ax."

Sabi ko ng lingunin ko siya.

Tumango naman siya bilang sagot.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now