Chapter 21

6.3K 260 27
                                    

Third Person's POV

"Hello?"

Bungad na bati ni Akiko ng may tumawag sa kanyang cellphone.

[Nadala mo ba lahat ng papers?]

Tanong ni Uno na nasa kabilang linya.

"Yes. Papunta na ako sa admin para ipasa to, wala lang sana doon si--"

[Kung nandoon siya, hindi ikaw ang uutusan ko.]

Napa ngisi naman si Akiko at muling nag salita.

"Alam ko naman yun. By the way, ano ang kinukulit sa akin ni Crow? Pinagbawalan mo na daw siyang magpunta sa Custos."

Pag iiba niya ng usapan.

[Oo, maliban na lang kung importante ang gagawin niya doon.]

"Biro lang naman daw yun."

[Biro o hindi, still he disrespected a girl. Kung sayo man nangyari yun kahit na biro man, hindi lang yun ang posible kong magawa.]

Muli namang napa ngisi si Akiko sa narinig.

"Ang overprotective naman ni kuya. Baka nakakalimutan mo po, ako ang Omega."

Natatawang sabi ni Akiko, narinig naman niyang tumawa ng mahina si Uno at muling nag salita.

[It's one of my responsibilities as your big brother. I have to take care of you.]

Ngumiti si Akiko at sumagot.

"Sige na po kuya. Magka iyakan pa tayo."

Natatawa niyang sabi.

[Alright.]

Pagka sagot ni Uno ay agad na tinapos ni Akiko ang tawag.

Napapailing siya habang naka ngiti at pinagpatuloy ang paglalakad.

Ngunit, na hinto siya ng may makitang puting kuneho sa gitna ng daan.

Inilibot niya ang kanyang tingin, at ng makitang walang ibang tao ay napa ngiti siya at agad na nilapitan ang kuneho.

Yumuko siya at naka ngiting binuhat iyon.

"Hey. Anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba?"

Tanong niya na para bang siya ay sasagutin, habang hinihimas ang makapal netong balahibo.

"Anong pangalan--Sunday."

Humina ang boses niya ng mabasa ang pangalan na naka sabit sa leeg ng kuneho.

Naikunot niya ang kanyang noo at napa iling na lamang.

"Paano kita ibabalik sa nag mamay ari sayo?"

Muli niyang tanong.

"Alam niya ang daan papunta sa nag mamay-ari sa kanya."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now