Chapter 91

2.9K 138 16
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hingal na hinugot ni X ang kanyang espada at malakas na sinipa ang kalaban.

Hinawakan naman niya ang kanyang aparato sa tenga at nilingon si Ross na patuloy sa pakikipag laban.

"X!"

Tawag neto, at ng mapa bagsak ang mga kalaban ay mabilis niyang nilapitan si X na tulad niya ay may naguguluhan ding ekspreyson.

"Narinig mo ba yun?! Narinig mo ang sinabi ni Bullet!?"

Hindi niya mapakaling sabi, na tinanguan naman ni X bilang sagot.

"May laboratoryo sa pinaka dulong gubat kung saan nanggagaling 'tong mga kinakalaban natin! Hindi na 'to isang laro pa! Pinapatay nila ang mga estudyante natin!"

Sigaw ni Ross at muling inatake ang kalaban na papasugod sa kanya.

Nilingon naman siya ni X at makita ang pagod at nahihirapan netong itsura, at mga malalalim na sugat mula sa pakikipag laban.

Ng alisin ni X ang tingin kay Ross, ay inilibot niya ang kanyang tingin at makita ang sunod sunod na pag bagsak ng kanilang mga estudyante.

"X, kailangan nating mapuntahan ang Administrasyon para ipaalam ang nangyayari!"

Sigaw ni Ross.

Mabilis namang naka takbo si X papunta sa likod ni Ross upang harangin ang kalaban sa balak na pag atake.

Ng mapabagsak niya ang kalaban ay pinunasan niya ang kanyang pawis bago lingunin si Ross.

"Paniguradong alam ng Administrasyon ang nangyayari, at wala tayong ideya kung ano ang lagay nila."

Sagot neto at muling nag salita.

"Dalawa na lamang ang natitira, at alam kong kaya mong pabagsakin sila ng sabay. At kapag nagawa mo, ilayo mo ang mga natitira nating mga estudyante at dalhin sa ligtas na lugar--hindi, sa tingin ko ay kumalat na sila sa buong Campus."

Sandaling natigil si X, at bago muling mag salita ay hinawakan niya ang magkabilaang balikat ni Ross.

"Dalhin mo sila sa lugar na iyon."

Blangko netong sabi na ikina lake ng mata ni Ross.

"H-huh? P-pero hindi nila--"

"Wala ng ibang paraan! Mas ligtas sila sa lugar na 'yun! At kung hindi natin iyon gagawin, mauubos sila! At hindi ko hahayaan na mangyari iyon!"

Sigaw ni X na ikina atras ng bahagya ni Ross.

Napansin naman iyon ni X, kaya't na ibaba niya ang kanyang tingin at humugot ng malalim na hangin bago muling tignan si Ross at higpitan ang pagkaka hawak sa magkabilaang balikat neto.

"Hindi natin hawak ang mangyayari Ross. At hindi habang buhay natin maitatago ang bagay na iyon. At sa sitwasyon natin ngayon, iyon lang ang makakapag ligtas sa kanila."

Kalmado netong sabi.

Sandali namang nakipagtitigan si Ross bago naging blangko ang mga mata neto.

"At ikaw? Anong balak mo?"

Tanong neto.

Hindi naman agad naka sagot si X.

Inalis niya ang pagkaka hawak sa balikat ni Ross at bahagyang lumayo.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now