Chapter 32

5.3K 259 53
                                    


Third Person's POV

Naidilat ni Chase ang kanyang isang mata ng marinig ang pagbaon ng kutsilyo sa kanyang tabi.

Dahan dahan siyang lumingon at kunot ang noong tinignan ang ginagawa ni Kirby.

"Hindi ko kasi makita ang gunting natin, kaya etong kutsilyo na lang ang ginamit ko para matanggal ang tali sa pinatatanggal mong frame noong nakaraang araw pa. Ngayon ko na lang din kasi na alala."

Naka ngiting sabi ni Kirby at tinalikuran si Chase.

Muli namang napasandal si Chase at pikit matang napa buga ng hangin habang naka hawak sa kanyang dibdib.

"Hawak mo ang jacket mo, may pupuntahan ka?"

Tanong ni Kirby ng lingunin niya si Chase.

Agad namang na idilat ni Chase ang kanyang mata at mabilis na nilapitan si Kirby.

"Samahan mo ako!"

Sabi niya at hinawakan ang braso ni Kirby at hinila eto.

"Saan? Gabi na sir Chase--"

Hindi naituloy ni Kirby ang sasabihin ng huminto si Chase sa pag hila sa kanya at lingunin siya.

"Can't you see?! Bullet need help!"

Sagot niya at tinuro ang telebisyon, na ikina lingon naman ni Kirby.

"I can see that."

Simple niyang sagot na ikina tingin ni Chase sa kanya na tila hindi makapaniwala sa narinig.

"That's it? Kirby, we have to go there to help her!"

Napa buga naman ng hangin si Kirby at inayos ang suot na salamin bago lingunin si Chase.

"Alam kong kailangan ng tulong ni Ms. Bullet, pero isa iyong duel sa pagitan ng dalawang grupo. At sa bagay na iyon ay wala kayong kinalaman at labas na kayong mga Eres, sir Chase."

Sagot ni Kirby.

Hindi naman agad naka sagot si Chase at dahan dahan na umaatras.

"She saved my life many times, i owe her big. Kaya kung ayaw mong tumulong, ako na lang ang mag isa."

Blangko niyang sabi habang deretsong naka tingin kay Kirby, at ng makarating siya sa pinto ay agad niya iyong binuksan at lumabas.

At ang naiwang si Kirby ay muling niligon ang telebisyon at ngumisi.

••••

Labag sa loob na ibinaba ni Uno ang kanyang kamay na naka hawak sa pihitan ng pinto at naka yukong bumalik sa kanyang inuupuan.

Napa ngisi naman si lord Victor at ibinalik ang tingin sa malakeng telebisyon.

Kabaliktaran kay Uno na naka yuko at galit na naka kuyom ang dalawang kamao dahil sa naririnig na pag inda ni Bullet na nasasaktan.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now