Chapter 37

5.8K 192 42
                                    


Third Person's POV


Maya't maya ang pasimpleng tingin ni Karlly sa kaharap na si Mario, na nakapalumbaba at naka ngiting pinagmamasdan siya.

At sa tuwing titingin siya dito ay hindi maiwasan na makaramdam ng hiya, kaya agad niyang inaalis ang tingin at ibabalik sa binabasang libro.

"Hindi ka ba napapagod?"

Tila wala sa sarili at naka ngiting tanong ni Mario, na hindi nagbabago ang posisyon.

"H-huh?"

Nauutal at gulat na tanong ni Karlly sabay ayos ng salamin na suot.

"Ang sabi ko, hindi ka ba napapagod?"

Muling tanong ni Mario.

Inayos ni Karlly ang pagkaka hawak sa binabasang libro.

"H-hindi, bakit naman ako mapapagod. Nagbabasa lang ako."

Sagot ni Karlly na hindi tinitignan si Mario.

Umayos sa pagkaka upo si Mario, naka kross na inilapag niya ang dalawang braso sa mesa. At nilakihan ang pagkaka ngiti habang naka tingin kay Karlly na pilit itinatago ang sarili sa likod ng libro.

"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko."

Naka ngiting sabi ni Mario, kahit alam netong hindi iyon makikita.

Sandali namang natigil si Karlly sa pagbabasa at lalong itinago ang mukha sa libro.

"May masakit ba sayo?"

Muling tanong ni Mario.

Napalunok ng isang beses si Karlly bago sumagot.

"W-wala."

Lalo namang lumake ang pagkaka ngiti ni Mario ng sagutin ang kanyang tanong.

"Huh? Sigurado ka? Kasi,"

Pinutol ni Mario ang sasabihin at dahan dahan na ibinababa ang hawak na libro ni Karlly gamit ang kanyang hintuturo, at ng maibaba ay nakita niyang nabigla eto at tila namumula.

"Kasi nahulog ka sa puso ko."

Maganda ang ngiting sabi ni Mario, kabaliktaran naman sa bilis ng tibok ng puso ni Karlly na dumoble ang pamumula ng mukha.

At ng tignan niya si Mario na hindi nawawala ang pagkaka ngiti ay kinindatan siya neto na ikina lake niya ng mata kaya agad agad niyang iniharang ang libro sa kanyang mukha upang itago ang kanyang pamumula.

Nahalata naman iyon ni Mario kaya lalong lumake ang kanyang pagkakangiti at muling pumalumbaba at tahimik na pinagmasdan si Karlly.

"Kinikilig ka ba?"

Tila walang buhay na tanong sa kanya.

Umayos naman ng upo si Mario.

"Yes."

Wala sa sariling sagot niya.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now