Chapter 47

4.2K 160 19
                                    

BULLET'S POV

Natigil ako sa pag aayos ng sarili ko sa tapat ng salamin, at napa buga ng hangin bago lingunin si Karlly na may malakeng ngiti.

"Mapupunit na yang mukha mo."

Natatawa kong sabi at muling humarap sa salamin.

Natawa naman siya ng mahina, at rinig kong bumaba siya sa kama niya at nilapitan ako.

Paglapit niya ay hinawakan niya ang braso ko at lalong lumake ang pagkakangiti.

"Anong nangyari sa date niyo ni Alpha Uno?"

Naka ngiti niyang tanong.

Muli akong natigil sa pag aayos at nagulat sa tanong niya.

"A-anong date ang sinasabi mo?"

Nauutal kong tanong na lalong ikina lake ng ngiti niya.

"Sige Bullet idinay mo pa! Dali na magkwento ka na!!"

Pangungulit niya habang inaalog ako.

Hinawakan ko naman ang kamay niyang naka hawak sa braso ko at naiilang na hinarap siya.

"K-karlly..h-hindi naman kasi date yun. Nagpa sama lang siya....y-yun lang."

Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko dahil ramdam ko ang init.

Naka yukong umalis ako sa harapan nya at kunwaring nag ayos ng mga gamit ko sa mesa.

Narinig ko ang pag lapit niya sa likuran ko kaya napa pikit ako ng mariin habang kagat kagat ang ibabang labi ko.

"Talaga? Eh anong ibig sabihin neto?"

Tanong niya.

Naidilat ko naman ang mata ko sa tanong niya kaya kunot ang noong hinarap ko siya.

Pero pagka harap ko ay nanlake ang mga mata ko habang siya ay malake ang pagkaka ngiti habang hawak hawak ang litrato naming dalawa ni Uno.

"S-saan mo..."

Bulong ko at kukunin ko sana iyon ng mabilis niya iyong ilayo sa akin habang tumatawa.

"K-karlly akin na yan."

Sabi ko at ng tangkain ko uling kunin ay tumakbo na siya palayo sa akin.

"Awwee! Tignan mo ang cute cute niyong dalawa ni Alpha Uno dito oh! Nakaka kilig!!"

Patili niyang sabi na ikina ngiwi ko.

"Karlly please akin na na yan."

Paki usap ko at nilapitan siya.

Nilingon naman niya ako at muling nginitian.

"Sagutin mo muna ang tanong ko."

Sabi niya na may mapag larong ngiti.

"A-anong tanong?"

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now